The Time Traveler (10)
"Miss Chan!" isang linggo na ang nakalipas lipad pa din ang utak ko ng dahil kay Light.
"Miss MARIA CHAN!" tulala lang ako habang nakatingin kay Light na nakatingin lang din saken. Isang linggo na kaming ganito. Walang pansinan, mag uusap lang kami kapag kinakausap kami ni abi.
"Maria. Tawag ka ni Prof!" napatingin ako sa gilid ko at nakita si Abi na tarantang taranta na. Sabay nguso sa harapan. Sinundan ko lang ng tingin ang pilit niyang itinuturo ng makita ko ang Prof namin na ang sama na ng tingin saken.
"P-po?" tanong ko na may halong pagtataka. Yung mga kaklase namin nagtatawanan na. Nakisama din sa pagtawa si Light na medyo nagpakunot talaga sa noo ko. Tinaasan agad ako ng kilay ng prof namin sa literature. Ano bang meron?
"Kanina pa kita tinatawag pero wala kang naririnig at kanina mo pa din tinititigan si Mr. Nicer. Hindi ka nakikinig sa lessons ko." napakagat labi lang ako. Ganito na ba talaga ako ka lipad?
"Sorry po." matipid na sagot ko.
"Yiieee! May gusto ka pala kay Nicer ha!"
"Yiieee! Kaya pala todo tanggi kay Papa Angeloooo." hindi ko nalang pinansin ang mga kaklase ko. Kinopya ko nalang ang mga nakasulat sa black board. Akala ko tapos na pero syempre hindi din maiwasang magtano ni Abi."Ikaw ha. May nangyari ba nung wala ako?" hays. Kung alam mo lang. Napakakomplikado ng mga nangyari nung wala ka.
"W-wala naman. Bukod don sa nakwento ko sayo na pag-reject ko kay Angelo." pinaningkitan niya ako ng mata atsaka sinilip si Light na himalang-himala at hindi natutulog sa klase ngayon.
"Hmm. Parang kakaiba kasi ang kilos niyo ni Light nitong mga nakaraang araw." ngumitk nalang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagsusulat. Sinisilip ko minsan si Light sa gilid ng mata ko at nakikita kong tumitingin din siya saken paminsan minsan.
"Okay class. Next week may long quiz tayo. At may magaganap na ball dahil dadating ang may ari ng university na ito." may ibang namangha pero para saken isa na naman boring na party ito. Alam ko na ang mangyayari. Hindi ko babalaking pumunta sa party pero pipilitin ako ni tita. Sa pagkakatanda ko magdamag lang akong nagtulog sa masquerade ball na iyon.
"Woaahhh so ano pong theme ng ball na ito?"
"It's a masquerade ball.""Seryoso masquerade ball?" gulat na gulat si Abi sa narinig niya. Nag pout siya at tumingin saken. "Punta tayo. Pleaseee." napabuntong hininga lang ako at kinurot ang pisngi niya.
"Ano pa nga bang magagawa ko nagpacute ka na eh." humagikhik lang siya ng napatingin kami ng sabay kay Light.
"Oo na! Oo na! Pupunta na din ako! Takluban niyo yang mga panget niyo mukha ha! Buti nalang masquerade pati. Hahaha." ayan na naman siya parang normal at parang walang nangyari.
"Yey!!! Maria! Punta ka sa bahay ha! Ako ang mag aayos sayo!" sabay kindat saken. Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko dahil uwian na din naman. Wala na akong gagawin pa dito sa school kaya uuwi nalang ako ng maaga. "Oo nga pala sorry guys kailangan ko ng mauna kasi may pupuntahan kaming dinner ni Dad." nacucurious ako minsan kung gaano ba kayaman ang pamilya ni Abi. Masyado siyang busy sa mga negosyo nila kahit na college palang siya.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...