The Time Traveler (02)

1K 76 83
                                    


The Time Traveler (02)

Dahil narin narealize ko na na bumalik ako sa nakaraan madami akong babalikan at isa na dito ang pag-aaral. Kasalukuyan akong nasa jeep ngayon upang pumasok sa nag iisang subject ko ngayong araw ang PHYSICAL EDUCATION I.

Ang saya-saya hindi ba? Unang klase at unang araw ng pagbabalik ko itong subject na to ang bumungad saken isa ito sa pinakaboring at nakakainis na babakikan ko sa nakaraan. Nakakainis! Kung hindi naman ako papasok malalaman lang ni tita yon at bubulyawan na naman ako ng walang katapusan mamayang pag-uwi ko. Nakakainis! Inayos ko ang buhok ko na nililipad na ng hangin, ayokong magreklamo yung katabi ko na pinapakain ko na siya ng buhok ko.

"Paabot nga po ng bayad." Nakatingin ako sa labas ng jeep habang lutang na inaabot yung bayad nung lalaki sa driver. Madami ng pinagbago sa lugar na to, katulad nung jewelry shop na nakatayo sa gilid ng palengke. Sa kasalukuyang panahon ay wala na ito, maging ang palengke ay tinayuan na ng mall.

"Miss, ang sabi ko paabot ng bayad sa driver. Hindi ko sinabing ibulsa mo." Napatingin ako sa lalaking nagsalita na malayo ng konti sa tabi ko, nakapoker face ito at nakatingin sa kamay ko. Napatingin din ako sa kamay ko na hawak na ang wallet at ilalagay na ang baryang inabot niya saken. Sht! Halos mapamura ako sa ginagawa ko, lipad na lipad na kasi ang utak ko sa kakaisip kaya hindi ko na namalayan pa!

N a k a k a h i y a. Yan ang tanging nararamdaman ko ngayon at halos pinapanalangin ko na lamunin nalang ako ng lupa sa mga oras na ito. Anong gagawin ko? Magsosorry ba ako? Or what? Nakita ko ang ngisi sa kanyang mga labi na dahilan para mag-init ang ulo ko. Hindi ako magsosorry sa kanya! Nagawa niya pa talagang mang-asar!

"Kuya, bayad daw po!" Sabay talikod ko dun sa lalaking nagpaabot ng bayad. Nagpanggap ako walang nangyari kahit na maging ang ilan sa mga pasahero sa loob ng jeep ay tumatawa ng mahina. Nung mga oras na yon gusto ko ng bumaba agad ngunit masyado pa itong malayo sa destinasyon ko, mga ilang minuto pa ang lumipas ng nakita ko na ang gate ng school ko ghad makakaalis na din ako.

Pagdating ko sa classroom ay tamad na tamad parin ako makikita mo saken na hindi talaga ako intresado sa papasukan kong subject. Sakto namang pag-upo ko isang babae ang nagbukas ng pinto at pumasok sa loob, walang pagdududa kahit ibang-iba na ang itsura nito sa kasalukuyan ay hinding-hindi ko siya makakalimutan.

Mahabang buhok na abot hanggang bewang, mala-anghel na mukha, pinong kilos at ang maganda niyang panananamit. Laura Jane Reyes, naghanap siya ng makikitang bakanteng upuan ng mapatingin sa upuan na katabi ko. Ganitong-ganito ang nangyari ilang taon na ang nakalipas,ganitong ganito at walang kahit konting pagkakaiba ngunit sa pagkakataong to hindi na ako papayag pa na maging malapit pa ulit sa kanya.

"Pwedeng makiupo?" Ngiting-ngiti siya habang nanghihingi ng permiso saken, ewan ko ba pero gusto kong matawa at tumawa ng napakalakas dahil sa pinapakita niya.

Hindi mo na ako madadala sa mga pangiti-ngiti mong ganyan, ahas.

Gustong-gusto ko sabihin sa kanya yan ng mga oras na yon pero naging mabait parin ako at marunong akong magbigay ng konsiderasyon. Alam kong wala pa siyang alam sa maaaring gagawin niya sa mga susunod na araw pero kahit ganon pa man ay naiinis ako at hindi mapigilang maasar at magtanim ng galit sa kanya.

"Sige lang." Matipid kong sagot sa kanya. Ngumiti lang siya ulit at umupo na sa tabi ko, pagkatapos noon ay buong klase ko na siyang hindi pinansin wala akong pakialam kung transfery siya galing ibang school at wala pang mga kaibigan, isa lang naman ang gusto ko ngayon... Ang makalayo sa kanilang dalawa ni Angelo.

Mabilis lang natapos ang klase namin dahil na rin siguro sa malalim kong pag-iisip ng kung anu-ano. Mahahalata mo din namang lipad ako buong klase, nagpapasalamat nalang ako na medyo sa dulo ako nakaupo at hindi ito napansin ng prof namin.

Uwian na. . .

Excited ang iba dahil may mga kanya-kanyang gala pa ang mga ito. Ang iba ay may susunod pang mga klase. Napatingin ako sa malaking salamin na nasa likod ng P.E. Room namin, isa itong salamin na makikita katulsd sa mga dance studio.

Napatingin ako sa aking sarili. Mula sa kulot at itim na pa violet kong buhok na hanggang bewang. Papunta sa aking katawan na suot ang isang simpleng ash pink na t-shirt at jeans. Isang ala-ala nalang saken ang itsurang to madaming taon na ang nakakaraan. Malaki na ang pinagbago ko nung makilala at maging kaibigan ko si Laura. Nag iwas na ako ng tingin at napagdesisyunan ng lumabas ng classroom. Ngunit hindi pa ako nakakatapak sa labas may isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.

"Sa susunod 'wag mong ibubulsa ang bayad ko, Miss Chan." Dahan-dahan akong lumingon ng makita ang isang anghel na bumaba mula sa la- este hindi pala. Nakita ko ang lalaking kasakay ko kanina sa jeep! Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat at hiya na. Gusto kong magmura ng malakas ng mga oras na yon. Mag isip ka Maria 'wag kang papayag na asar-asarin ka lang ng mokong na yan!

"M-may iniisip lang ako non. Saka para seven pesos lang!" Lalong lumapad ang kanyang ngisi sa labi, nakakaloko ito at tila ba lalo pang nang aasar. Ang mas nakakainis pa doon ay hinawakan niya ang dulo ng aking buhok at inamoy. "A-ano-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"Sa susunod kasi 'wag mo akong iisipin para di ka lutang." Gusto kong magmura ng napakalas sa sinabi niya nakikita ko din ang itsura ng mukha ko na pulang-pula na.

"Ang kapal mo!" Hinampas ko pa siya sa braso ngunit pagkatapos non ay tinabig niya ako sa gilid bahagyang napatama ang likuran ko sa pader ng classroom. Mahina lang naman ang pagkakatabig niya kaya hindi masakit.

"Bye. By the way, nice color of hair huh." Kinindatan niya pa ako at tuluyan ng umalis. Naiwan naman akong nakatanga sa kinatatayuan ko habang nag iisip. Nakakalecheeee!

Ngunit may isang bagay na bumagabag sa isip ko...

Kaklase ko siya dati pero hindi ko siya matandaan at lalong-lalo na hindi ko siya mamukhaan. Siguro ay dahil na din sa halos kay Angelo na at Laura umiikot ang mundo ko dati kaya hindi ko na matandaan o napapansin pa yung ibang mga taong nasa paligid ko. Oo tama. Kumbinsi ko sa sarili ko bago tuluyang humakbang palabas ng classroom.

Naglalakad na ako sa hallway ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Napa-upo ako at napahawak ng mahigpit sa aking bagback. Paikot ikot ang mga imaheng nakikita ko kasama ang mga gamit katulad ng libro at kung anu-ano pa. Patuloy lang sa pag ikot ang nakikita ko, tila ba ito ay isang portal na nasa isip ko. Hilong-hilo na ako ng biglang tumigil ang pag-ikot. Isang malaking glass hour ang tumambad sa aking harapan.

A-ano ito? At bakit ko ito nakikita?

"Kamusta binibini?" Nagpalinga-linga ako sa paligid ko upang hanapin ang may ari ng boses na ito. Nakatigil ang lahat na parang bang tumigil ang oras may mga papel na nasa ere, may juice na tatapon na, ang lahat ay nakatigil sa paligid ko. Pinilit kong tumayo upang hanapin ang pinagmumulan ng boses nagpalingalinga ako ngunit bigo akong makita kung kanino ito galing.

"Sino ka!?" usal ko ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko. Wala akong boses at dito na nagsimulang manlamig ang kamay ko.

"Nakikita mo ba ang hour glass na yan? Yan ang magsisilbi mong oras upang mabago mo ang kasalukuyan. Gamitin mo sana ito sa tama, dahil sa oras na maubos na ang buhangin sa loob niyan. Babalik ka na ulit sa hinaharap. Hanggang dito nalang muna at mag iingat ka." Pagkatapos niyang sabihin yon ay bigla ng gumalaw ang paligid ko. Parang walang nangyari. Tanging ako lang ang nakakaalam ng mga nasaksihan ko. Ang glass hour na yon, yun ang magiging oras ko para mabago ang lahat.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon