The Time Traveler (08)"Mamaya na dito ka lang..." halo-halong emosyon ang nabuo saken ng mga oras na yon. Kinakabahan ako sa nararamdaman ko.
Sa tingin ko ay unti-unti ko na siyang nagugustuhan. Pero ano namang masama don? Wala naman diba? Hindi naman masama. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay naging kalmado nong yakapin niya ako. Mainit at komportable. Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng makita kong nakabukas ang pintuan.
Sht! Nandito nga pala si Tita!
"Light, b-baka makita tayo ni Tita." Hindi ito magugustuhan ni tita at hindi ko din magugustihan kung makita niya kami sa ganitong posisyon. Kahit na wala kaming ginagawang masa baka maging iba pa din ang dating sa kanya. Mahirap na. Pilit akong kumawala sa bisig niya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya.
"Shhh... Pumasok na siya sa trabaho." What!? At iniwan niya ang kapakanan ko sa lalaking to!? Naku naman tita... Saturday nga pala ang restday niya. Bakit ngayon ko lang naalala? Kasi naninibago pa ako? Kasi nasanay na akong mamuhay ng mag isa at hindi iniisip ang iba?
"Matutulog lang ako saglit tapos umalis ka na. Amoy laway ka talaga grabe." Arrghh! Sa sobranh inis ko ay bigla akong humarap sa kanya. Pero nagkamali ako. Hindi na dapat ako humarap pa. Titig na titig ako sa kanya habang sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Buti nalang at nakapikit siya. Talaga palang gwapo din siya. Perpektong perpekto ang kanyang mukha muls sa kilay pilik mata ilong at sa kanyang... Napatingin ako sa kanyang labi. Mamula-mula ito na tila ba hinubig para lang sa kanya. Napapikit ako at tumalikod nalang ulit. Halos sampung minuto din na nagpaikot ikot ang mata ko sa loob ng kwarto hanggang sa isang sandali pa ay nakaramdam na din ako ng antok at nakatulog.
"Light, ano bang bibilhin mo dito sa SM?" Matog na matog na ako sa kakalakad. Paano ba naman imbis na sumakay sa jeep ay maglakad nalang daw kami kasi sayang pamasahe. Pinapagpawisan na ako sa sobrang init. Napatingin ako sa tirik na tirik na araw. Grabw gustong gusto ko magmura ng malakas ngayon. "Hoy!"
"Bibili akong medyas. Sa bench." inirapan ko lang siya at nauna na sa paglalakad. Tanaw na tanaw ko ng ang SM mula sa kinatatayuan ko ngayon eh. Hays. Salamat naman ng makapagpalamig na. Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa branch ng bench sa loob ng Sm.
Pagkapasok na pagkapasok ay nakakuha agad siya ng napakaraming atensyon. May nagbubulungan at may ibang parang nakakakilala sa kanya? O baka guni guni ko lang yon?
"Sir, may bago po kaming labas na shirt."
"Pabango po baka gusto niyong i-try, Sir?"
"Sir, socks po." ilan pang mga sales lady ang pumalibot sa kanya pero ang pakay niya lang ang nakaagaw ng pansin sa kanya. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang ako naman ay nagtingin tingin muna kunwari ng mga bags doon. Sumunod lang siya sa sales lady at ng makapili na ng medyas. Agad siyang nagpalinga-linga. Hanggang sa nakita niya ako at ngumiti. Agad niya akong nilapitan at inabot ang medyas na hawak niya. Tinitigan ko lang siya. Anong gagawin ko sa medyas na to?"Maria..." hindi pwede. Hindi pwede hindi pwede... Mukhang alam ko na ang sususmnod. " Penge pambayad. Hehe."
"T@ng!n@" napamura nalang ako ng wala sa oras. Sinasabi ko na nga ba eh. Inismidan ko siya at inirapan. "Seryoso light? Nagpasama ka saken dito tapos ako parin manlilibre sayo?! Jusko naman." Gustong-gusto ko siyang bugbugin ngayon. Napapikit nalang ako at kinuha sa kamay niya ang medyas na hawak niya. Kainis! Gusto ko nalang umuwi!
"Salamat, Mariaaaaa!!!" yayakap sana siya saken ng ako ng mismo ang sumupalpal sa mukha niya. Mainit ang ulo ko ngayon. Dumiretso na agad ako sa counter at binayaran ang medyas niya.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...