The Time Traveler (07)
Sa pagmamahal.
Hindi lahat ay may happy ending, kadalasan ito ay isa lang sa mga once upon a time na katulad ng mga nababasa natin sa mga fairytales.
Kailangan nating lumuha para lang maging masaya ang iba.
Kailangan nating sirain ang sarili natin para lang mabuo ang iba.
At kailangan nating mapuno ng sugat para maprotektahan lang ang iba.
Puno lang ito ng pagsasakripisyo kung saan sasaya ang isa at masaktan ang isa.
Paulit-ulit lang hanggang sa ang nasaktan ay mabuo ulit at ang bumuo naman sa kanya ang masisira.
It was a cycle. A never ending of cycle that exist in our planet.
And for me and Angelo? I was never a happy ending. It is always a once upon a time. A dream came true na pinaranas lang din sa akin dahil ang kasunod nito ay walang hanggang sakit at pagdurusa na.
"Para sayo." No, it was never for me. Pagkasabing pagkasabi sa akin ni Angelo non ay tumigil ang lahat ng nasa paligid ko. Umikot ang paningin ko sandali ng makita ko ang hour glass sa harap ko.
A-anong nangyayari? Bakit bigla nalang akong napunta dito?
"Kamusta, binibini?" bati niya saken kahit na hindi ko naman siya nakikita. Naririnig ko lamang ang boses niya. Halos nakatigil pa rin ang lahat sa paligid ko.
"A-anong nangyayari bakit nasa harap ko ang hourglass? Wala na ba agad akong oras?" Lumapit ako sa hour glass at kitang kita na halos hindi pa nangangalahati ang buhangin sa loob nito.
Madami pa... Hindi pa ako babalik sa kasalukuyan...
"May nakalimutan lang akong sabihin sayo." Inikutan ko ang hour glass at tinitigang mabuti. Napaatras ako sa pagkagulat ng makita kong hindi pala buhangin ang nasa loob nito. Napaatras ako.
Mga ala-ala ito na nadurog sa bilyong bilyong piraso. Akin ba to?
Siguro.
"Ano yon?" Hinawakan ko ang hour glass. Ano kayang mangyayari kapag nabasag ito?
"Wag na pala. Saka na." Ano daw!?
"What!? Pinaglololoko mo ba ako!? Nasa kalagitnaan ako ng pagdedesisyon tapos pinatawag mo ako dito kasi wala lang!?" Sa sobrang panggagalaiti ko gusto kong sipain ang mukha ng lalaking yon kaya lang ay wala siya at boses ko lamang ang naririnig ko. Ghad.
"Joke lang naman 'to naman." Gusto kong magmura ng malakas. Seryoso!? Nang istorbo siya kasi joke lang!? "Tatanggapin mo kaya yung roses? Hmmm. Gusto kong ng makita ang mga susunod na mangyayari." Pagkasabi niya non ay unti-unti ng gulamaw ang paligid ko. Heto na. Balik na ulit. Bwiset na lalaki yon!
"Laura, baka gusto mong umalis? Masyado ng malaki si Angelo para magkaroon pa ng bantay." Madiin na pagkakasabi ni Light kay Laura, ewan ko ba pero gusto kong humalakhak ngayon kasl baka mapagkamalan naman akong baliw kapag ginawa ko yon. Pero naiinis parin talaga ako pang iistorbo ng tao na yon o nilalang. Bahala siya kung ano mang tawag sa kanya! Kainis eh! "Pre, baka gusto mong ibigay nalang kay Laura yang dala mong bulaklak? Desperadang-desperada sayo ang babaeng to." halos malaglag ang panga ko.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...