The Time Traveler (04)
"Light, tinago mo ba yung panyo ko kahapon?" Tinitigan ko naman siya dahil baka trip na naman niya ako nakaupo siya habang busy sa sa phone niya at may tila katext.Ako naman nanatiling nakatayo sa harapan niya dahil kahapon ko pa hinahanap ang panyo ko. Napansin naman niya ang pagtitig ko kaya tumingin narin siya sa direksyon ko.
Sabado ngayon at time na naman para sa isang nakakaantok na subject. Kung pwede ko lang i-drop to eh kaso mayayare naman ako kay tita.
"Gagawin ko sa panyo mo? Baka nga tag-twenty pesos lang yon eh." Saka bumalik ulit ang tingin niya sa phone niya. Kung minsan talaga nakaka-inis siya kausap lalo na kapag hawak niya na yung phone niya masyado siyang seryoso at tila ba may importanteng tao na dapat reply-an agad.
"Nawawala kasi, hindi ko naman mahanap." Umupo na ako sa katabi niyang upuan. "Hays. Hindi bale na nga hayaan nalang." Pero sa toto lang ayokong mawala ang panyong yon dahil importante sa akin yon. Yun lang ang nag iisang regalo na natanggap ko galing sa ama ko. At hindi ko din alam ang susunod na mangyayari dahil unti-unting nagbabago ang mga pangyayari marahil ay dahil ito sa paglayo ko kay Laura. Madaming pangyayari na nawala at dapat sana ay babalikan ko kung nakipag kaibigan ulit ako sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin nito. Unti-unti ng nababago ang nakaraan.
"Maria, may naghahanap sayo." Sabay turo niya sa labas, nakita ko pang umirap siya saken bago tumalikod. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita kong ugali niya. Grabe bakit ngayon ko lang nakita yung ganito niyang side? Masyado ba akong nabulag sa ka-plastic-an na pinakita niya saken. Yung mga pag c-care niya sa tuwing down na down ako at may problema, yung mga ngiti at biruan naming dalawa. Anu yon? Kunwari lang? Ganon ba siya ka desperada kay Angelo? Napabuntong hininga ako atsaka lumabas sa kung sino mang nilalang na may kailangan saken. Nasa pinto palang ako naramdaman ko ng gusto ko na ulit bumalik sa loob ng classroom.
"Miss, ito nga pala yung panyo mo naiwan mo kasi kahapon sa may canteen." Sa isip-isip ko sana hindi na lang niya nakita yung panyo ko, sana hindi nalang kesa makuha niya pa. Importante ang bagay na to saken pero kung isa ito sa magiging dahilan para masaktan na naman ako. Mabuti ng mawala nalang ito.
"Salamat." Ngumiti lang ako sa kanya ng matipid. Aabutin ko na sana ito sa kamay niya ng may biglang kumuha nito sa palad niya.
"Ito yung panyo mo ah! Grabe ka pang makabintang saken kanina!" Perfect timing talaga lagi ang mokong na to. Nilagay niya ito sa palad ko at panandalian kong nakita ang pagkadismaya sa mukha ni Angelo.
"S-sige... Mauna na ako." Tinanguan ko lang siya.
"Bye! Salamat! Huwag ka ng babalik!" Nag-wave pa si Light ng kamay. Siraulo talaga kahit kailan. "Alam mo." sabay akbay niya saken. "Huwag kang masyadong lalapit don. Yung mga ganong klase ng lalaki lolokohin ka lang." Ewan ko ba pero medyo natulala ako sa sinabi niya. "Pasok na tayo!" saka niya pinisil ang ilong ko. Ang lakas naman ng pakiramdam niya. Sa isip-isip ko.
Tumuloy na kami ni Light sa upuan namin busy na naman ang mokong kaka cellphone. Ako naman tinago ko na yung panyo ko sa loob ng bag ko mahirap na baka mapulot na naman ng ex- este ng kung sino man.
"Laura, mukhang gusto yata siya ni Angelo." Nangibabaw ang malakas na pagbagsak ng hawak niyang tumbler sa buong classroom. Mabilis naman niya itong kinuha sa sahig at nginitian sa kaibigan niyang si Shiela. Halos lahat nakatingin na sa kanilang dalawa hindi dahil sa pagkakabagsak ng tumbler niya kundi dahil masyadong malakas ang boses ni Shiela. Sikat si Angelo sa school na to kaya naman marinig palang ang pangalan niya makakaagaw na agad ng pansin ng iba panh estudyante.
"H-ha? A-ayos lang yon. Hindi naman saken si Angelo." Kung may word na makakapagdescribe sa kanya ngayon ay yun ay ang salitang P L A S T I C. Halatang-halata sa boses niya ang pagiging bitter at ang inggit. Bumalik na sa ginagaws nila ang mga tao sa classroom pero hindi namin maiwasan marinig ni Light ang usapan nila dahil halos magkalapit lang ang mga upuan namin.
"Kahit kailan talaga napaka plastic niyang si Laura." Yung mokong na busy sa phone niya bigla-bigla nalang nagsalita. "Kitang-kita naman na inis na inis siya. Ang higpit nga ng hawak sa tumbler niya. Kaya ikaw." Ngumiti siya saken at ginulo ang buhok ko. "Huwag kang gagaya dyan. HAHAHAHA." Gusto kong magmura ng napakalakas at matawa pero hindi ko nagawa dahil nakatingin sa amin ng masama si Laura.
"Bunganga mo!" Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis bigla nalang tumakbo si Laura palabas ng classroom. Saglit na nagbulung-bulungan ang mga kaklase namin pero hindi din naman nagtagal sa kadahilanang dumating na ang aming Prof.
"Totoo naman kasi." Dagdag pa ni Light. Nakafocus lang ako sa Prof namin habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. "High School palang may gusto na si Laura kay Angelo. Nagawa niya pa nga tong sundan dito sa school natin ngayon eh. Kakaiba ang babaeng yon kaya wag na wag kang magtitiwala don. Kaya niyang manakit para lang sa lalaking hindi naman siya ang gusto." Napatitig ako sa kanya ng mariin. Anong sinasabi niyang High School palang?
"Magkaklase ba sila? Nung high school?" Ngumisi siya at tumango.
"Nopeeee! Schoolmates lang kaming tatlo pero masyadong sikat yang si Laura sa pananakit ng mga nagkakagusto kay Angelo. Kaya alam na alam ko ang galaw ng babaeng yan." Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Bakit ngayon ko lang nalaman na schoolmates sila? Kahit isang beses ay walang nabanggit si Laura at Angelo saken about dito. At si Laura...
Ganon na ba talaga siya kadesperadang makuha si Angelo bago pa man ako dumating sa buhay nila?
"Matutulog muna ako. Sikuhin no ako kapag lalapit si Prof." TF!? Napakatalaga niya. Nag iibang lang ang ugali niya kapag nasa harap na siya ng mga prof at kausap siya. Nagiging prinsipe siya na royalty na royalty kung kumilos! Kapag wala naman sa harap ng prof ganito siya! Ghad!
"Balakajan." Kapag kasama ko si Light palagi kong nakakalimutan na hindi na ako isang 21 years old na matured na mag isip at nagpaplanlo na ng magandang kinabukasan. Pakiramdam ko sa pagbalik ko dito naging 17 years old ulit ako, mas ramdam na ramdam ko ito kapag kasama ko si Light. Masasabi kong mas na eenjoy ko ito kesa dati, mas sumaya at lumawak ang mundo ko ng dahil sa kanya. Bakit nga ba hindi ko maalala na may ganito akong klase ng kaklase? Mayabang, malakas ang trio, matalino at straight forward kung magsalita.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng biglang bumukas ang pintuan. Maging si Light ay mukhang nagulat dahil sa kalabog nito. Bumungad samin ang isang babaeng hingal na hingal. Tandang-tanda ko ang babseng ito. Mula sa kulay asul na mata at sa itsura niyang may halong pagkabanyaga. Ang kaklase naming namatay sa isang car accident. Abigail Reyes. Nakakatuwa dahil namiss ko ang itsura niya, hindi man kami naging close noon nakita ko naman kung gaano siya kabait at mapagkumbaba.
"Sorry! I'm late!" Napatigil ako. H-hindi maaari... Ganitong-ganito ang nangyari apat na taon na ang nakakaraan. Sinamaan siya ng tingin ng prof namin at saka sinenyasan na umupo na. Agad-agad siyang humanap ng upuan at nakita niya ang umuang malapit sa bintana. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya naman bago pa siya makaupo agad akong tumayo at hinawakan ang pulsuhan niya. Nginitian ko siya at sinabing...
"Tumabi ka nalang samin, may bakante pa don." Kahit medyo nagtataka ay tumango at ngumiti na din saken.
"Sige. Salamat!" Naupo siya sa tabi ko at nagpatuloy na ang klase. Kung hindi ko siya pinigilan maupo doon kanina ay mapapahiya siya. Itong ito ang nangyari dati. Paupo na siya ng higitin ng isa naming kaklase ang upuan niya at napaupo siya sa lapag. Dito din nagsimula ang pambubuli sa kanya dahilan para layuan siya ng iba at maging mapag isa.
Mabait siya at may butihing puso. Ako mismo ang nakasaksi non.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...