The Time Traveler (13)
"So bakit ka nga naiyak kanina?" pag intriga saken ni Abi ng matapos na ang aming klase. Si Light naman kahit na mukhang hindi intresado ay alam kong nakikinig siya sa usapan namin.
Umayos ako ng upo at humarap kay Abi na nakaupo sa kanang side ko.
"Wala. Naalala ko lang yung masamang panaginip ko kagabi." i lied, but i think pwede ko namang sabihing panaginip lang yon. Panaginip ng isa ko pang nakaraan.
"What!? Panaginip!? Tapos yung pag-iyak mo kanina parang gumuho na ang mundo mo tapos parang niloko ka ng lover mo!?" hinilot hilot niya ang sentido niya dahil narin siguro sa sobrang stress na nakukuha niya saken. "Oh god Maria! Sa susunod wag ganon! Pinag aalala mo kami!"
"Sorry. Hindi ko na uulitin promise!" but promises are meant to be broken. That's the truth. Kaya ayokong nagsasabi ng 'promise' or sumusumpa ng 'promise' dahil baka hindi ko ito matupad at mabigo ko lang ang taong pinangakuan ko.
"Ang iyakin mo naman! Panaginip lang pala! Dapat kasi ako ang lagi mong mapanaginipan para araw-araw masaya ka." kumindat kindat pa saken si Light na naging dahilan ng pagngiwi ko. Yung itsura ko mukhang nadidiri na nasusuka na sa mga pinagsasasabi niya.
"Gwapong-gwapo sa sarili Light? Sos! Hindi mo nga nadalaw si Maria nung may sakit! Isang beses mo lang dinalaw!" napatahimik kaming dalawa sa sinabi ni Abi. Oo nga pala isang beses niya lang akong dinalaw at yun ay ang araw ng birthday ko, na halos makalimutan ko na din.
"Atleast nakapagregalo ako! Eh ikaw? Hahahaha." lumabi lang si Abi at niyakap ako.
"Sorry, Maria hindi ko naman kasi alam na birthday mo eh. Kung alam ko lang nagpaluto na ako ng madaming foods at nagbigay din ako ng bonggang regalo!" nag asaran pa sila ni Light hanggang sa dumating na ang Prof namin para sa Algebra I.
Nakakapagtaka na alam ni Light ang birthday ko at nakakapagtaka din na nasa kanya ang necklace na nasa panaginip ko. Habang nasa kalagitnaan ng discussion ang prof namin ay hindi ko na maiwasang magtanong pa kay Light.
"Hoy! Kupal!" mahinang bulong ko. Kung hindi ko pa siya tinawag ay tulog na naman siya sa klase. Ano ba kasing ginagawa nito lagi at antok na antok? Nagbabantay ba to kay Schwi kapag gabi? Eh hindi na naman baby si Schwi para mamuyat sa gabi ah.
"Bakit?" sagot niya sa mahina at antok na tono.
"Paano mo nalaman ang birthday ko?" nangalumbaba siya sa arm chair niya atsaka sumagot na parang walang pakialam sa tinatanong ko.
"Nabasa ko dun sa pink diary na nasa ilalim ng kama mo. Kadiri nga ang mga nabasa ko don. Ang dadrama!" gusto kong magmura ng malakas ngayon. Gustong gusto ko talaga dahil sa lahat ng tao sa mundo siya palang ang nakakabasa ng diary ko! Leche! Nakakainis!
"Bakit mo binasa yon!? Diary ko yon ah! Napakapakialamero mo talaga!" impit at gigil na saad ko sa kanya.
"Sos. Matagal na naman yung diary na yon. Pinaglumaan na nga. Diary mo yata yon nung 5 years old ka palang." kinuha niya ang ballpen niya saka inikot-ikot sa kamay niya. "Wag kang mag alala. First page lang ang binasa ko don tapos sinarado ko na kasi napakapanget ng sulat mo!"
"Bwiset ka talaga kahit kailan!" mamaya ka saken pagkatapos ng klase! Nginitian niya lang ako ng nakakaloko at nakinig na ulit sa prof namin.
Hindi ako gaanong nagagalit or naiinis sa kanya ngayon dahil nabasa niya ang diary ko. Hindi ko din na din naman maalala ang nakasulat doon. Siguro ay kailangan kong mag general cleaning ng kwarto ko para maayos ko ang mga gamit ko na nagkalat na hindi ko na din maalala katulad ng diary na yon.
BINABASA MO ANG
The Time Traveler
FantasySa mismong kasal ng dating kasintahan at taksil na kaibigan ni Maria ay may nakilala siyang isang estranghero. Nagising na lamang siya na bumalik sa nakaraan. Maaari niya pa kayang baguhin ang hinaharap para hindi na maulit ang pagkabigo ng kanyang...