The Time Traveler (20)

510 39 17
                                    

The Time Traveler (20)

"L, nakilala na ba ng Dad mo yung mga lalaking sumusunod satin?" singit ko habang nagkaklase ang guro namin sa Math. Patuloy lang nagsulat si Light ng mapansing naghihintay ako ng sagot sa kanya.

"Hindi pa pero ang sabi niya mag-ingat daw tayo. Napapansin mo naman na may mga lalaking naka blacl suit right? That's our bodyguards." tumango lang ako at bumalik na ulit sa kahit boring na boring na ako. Nabasa ko kask sa diary ko na nitong mga nakaraang araw ay may mga lalaki na sumusunod sa amin.

It can't be. Nasabi ko nalang sa isip ko dahil may posibility na hindi aksidente ang nangyari kay Light noong araw na yon sa gubat. It is really a question to me kung paano kami napunta sa gubat at nahulog sa bangin. At isa pa. Who is with us that day?

Ang pagkakatanda ko ay humiling ako na sa punot dulo ng gulo ako ibalik. Then ito ako ngayon sa klase nakaupo at nakikinig sa isang guro kahit na alam na alam ko na ang mga tinuturo niya. Hindi ko alam kung paano ko nantatandaan ang mga lessons na to pero bawal answer sa board ay agad kong nahuhulaan. Para akong may photographic memory ngayon. Kung anong mabasa ko ay madali kong mamemorized at ang pinakakaiba doon ay kahit anong equation ang itapat saken ay nasasagot ko. I am a real genius!

Natapos ang klase sa pag iisip ko lang. Binigyan kami ng assignments at bukas daw ipapasa yon. Napatingin ako kay Light. Anong meron para pag intresan siya ng masasamang loob?

Ano ka ba Maria! Siya lang naman ang tagapagmana ng Nicer Corporation! Leche! Bakit ko nga ba nakalimutan kung gaano kayaman ang isang to? May pabody body guards pa nga na nalalaman!

Bago kami lumabas ng classroom ay may napansin akong nakatingin sa akin. It was our homeroom teacher Miss Dela Vega. She's scary at first glance and also suspicious because she's having an aura na kalmado pero nakakatakot. Napansin nitong nakatingin din ako sa kanya kaya naman ngumiti ito. Pinilit ko nalang ngumiti din atsaka ako nag iwas ng tingin.

"Tara na? Ililibre pa kita ng chocolates dun sa sweets shop!" masayang sabi niya saken saka hinawakan ang kamay ko. Chansing pa ang isang to!

"Madami ha!" napangiwi lang siya. Alam ko na kung bakit. Sigurado akong ubos na naman ang allowance niya sa panlilibre saken. Ako naman masayang masaya sa panlilibre niya! Aba ikaw ba naman burautin ng burautin nung college HAHAHAHA.

Kinabukasan hindi daw makakapasok si Light dahil may family business ang bata niya pa pero kasama na lagi siya ng dad niya. Pero tuwing saturday and sunday naman ay nakikipaglaro siya saken. Parang quality time na din namin. Ano daw? Quality time? Ano to babe time?

Medyo natawa ako at napangiti sa iniisip ko habang nagbibihis nang maalala kong mag-isa nga pala akong papasok ngayon sa school. Si Sophia nga kating-kati na sabunutan ako kahapon kaso nandon si Light kaya hindi niya magawa. Crush na crush pa naman non si Light. Well, nabasa ko lang naman sa diary.

"Hoy! Bilisan mo na kaya dyan! Daig mo pa dalaga sa kakasayos dyan sa harap ng salamin ah!" tinaasan ko lang ng kilay si Tita Vangie. Anong ginagawa niya? Bihis na bihis din siya. "Ako maghahatid sayo ngayon! Wala si Light diba!?" Kahit dati pa pala mahilig na talaga siyang sumigaw. Nakakarinindi ang boses niya!

"Eto na tita! Saka alam mo tita kapag hindi mo tinigilan ang pagsigaw sigaw mo. Hindi ka talaga magkakaboyfriend niyan." Kinuha ko ang bagpack ko at sinuot na ito. Sinuklay suklay ko pa ng konti ang buhok ko saka nilagpasan na si tita.

"Ikaw na bata ka kailan ka pa natuto ng ganyan ha!?" gusto ko nalang mag earphone ngayon dahil sobrang nakakarindi ang boses niya! Parang manok siya talak ng talak!

"Ayaw ng mga lalaki ng maingay na babae. Kaya ayusin mo desisyon mo sa buhay kung ayaw mong tumandang dalaga. Hahaha." pang aasar ko pa sa kanya. Medyo namula naman siya saka hinabol ako pababa.

"Magkakaboyfriend din ako no!" natawa lang ako sa sinabi niya. Gasgas na linyahan na yon ng mga NBSB. Dinilaan ko lang siya atsaka pinagtawanan. "Kainis ka! Halika na nga at ihahatid na kita!"

Habang naglalakad kami ay napangiti ako kay tita habang hawak ang kamay ko. Since I was a baby siya na ang madalas mag alaga saken. Mom was so busy doing some business together with my dad. So ang ending si Tita ang laging nandyan sa tabi ko para mangaral at kung anu ano pa dahil din naman saken kaya hindi na siya nagkaborfriend. Lahi niya akong inaalala na para bang siya ang nanay ko. Siya ang bestfriend kong babae kahit na tita ko pa siya at medyo malayo ang agwat ng edad naming dalawa. Gusto ko din naman siyang sumaya kahit minsan lang.

"You know what tita? Bakit hindi mo sagutin yung manliligaw mo na si Gilbert?" bumagal ang paglalakad niya habang nakangiti siya na parang ewan. Anyways nabasa ko kasi sa diary ko yon na sinabi saken ni tita na may manliligaw siya. Gusto din naman siya ni tita kaso she's afraid of commitments.

"You think so? Kaso nakakatakot magcommit." see? Ganyan siya kaduwag kaya college na ako wala parin siyang jowa!

"Hindi masamang mag commit, alam mo yun? You're just afraid na masasaktan ka sa huli. Hurting is a part of being inlove. Common tita. Ilang taon ka na din naman diba?" tumango tango lang siya na para bang pinapangaralan ng isang matanda.

"Sige pag iisipan ko. Saka ikaw na bata ka napakadamk mong alam ha!" tumawa lang ako sa kanya atsaka pumasok sa gate ng school ko.

"Bye bye! Sunduin mo ako mamaya ha!" nag okay sign lang siya pagkatapos ay umalis na. Sana ay gawin niya ang sinasabi ko.

Naglakad lakad pa ako ng may tumawag saken.

"Ria, wait!" it was her. Miss Dela Vega. Ngumiti ako saka ko siya binati.

"Good morning, ma'am." ngumiti lang din siya at sumabay sa paglalakad ko. Tahimik lang kaming dalawa ng bigla siyang magtanong.

"So sa sunday na tayo magcacamping ha! The three of us!" medyo nagtaka ako sa sinabi niya.

"Camping?" tumango tango siya at ngumiti.

"Uhm. Yes! Though it was our little secrets! Tayong tatlo lang nila Light ang nakakaalam non! Don't tell anyone okay? And also don't write to your diary! It's our little secret!" ngumiti siya na matamis saken. Ngumiti din ako sa kanya at tumango kunwari.

"Yes, Miss. It's our little secret." sabi ko sa kanya saka ako ngumisi.

A teacher with an angelic face is trying to do something bad on one of her students. Kung simpleng bata lang sana ako ay hindi ko mapapansin. Sorry to say but I am already twenty four.

"Yay! I am so excited!" excited to kill him? What is her intention?

"Miss, do you ever encounter Light's parents?" nawala ang ngiti niya ng sabihin ko iyon.

"Yes. Why?" nakita ko ang pagtalim ng mga tingin niya.

"Do you think that Mr. and Mrs. Nicer is so rude? Medyo naiinis kasi ako sa kanila. Yung para bang may masama silang ginagawa sa ibang tao." ngumiti siya na parang nasisiyahan sa sinabi ko. Samantalang ako tuloy parin sa pagbabad mouth sa mga magulang ni Light kahit na ang totoo ay mababait ang mamga ito. I'm really sorry Tita Isabel and Tito Drake. I need to do this.

"Napansin mo din pala. Actually I hate Isabel. I mean Miss Nicer?" nginitian ko din siya bilang pag sang-ayon kunwari sa mga sinasabi niya.

"Lets go. Pasok na tayo ma'am." i insisted para maputol na ang usapan naming dalawa.

After class I need to talk to tita Isabel I want to confirm something before I spill out all the informations that I know.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon