The Time Traveler (09)

558 61 40
                                    

The Time Traveler (09)

"Light... Inaantok ako." bumusangot ako dahil pakiramdam ko kaunting-kaunti nalang mahihimatay na ako sa sobrang antok. Kasalanan ko din naman dahil nagpuyat ako kagabi para lang makalaro ng online games.

"Sabi sayo matulog ka puro ka kasi online games!" Nagpalinga linga ako sa mga estudyantend nandito din sa cafeteria. Madalas nakakalimutan ko ng matanda na ako at hindi na ako kaedad ng mga batang estudyante na nandito. "Tiisin mo na tatlong oras nalang naman."

"Wow! Parang tatlong minuto lang yung tatlong oras sayo ah." Medyo sumakit ang ulo ko at napaisip. Ilang taon na nga ba ako sa hinaharap? Bigla nalang lumabas ang tanong na yan sa isip ko ngunit hindi ko ito masagot. Hindi ko maalala. Pilit kong iniisip pero hindi ko talaga maalala nandoon lang ako at tulala ng may pumukaw sa atensyon namin.

"Anong meron don? Nagkakagulo sila." Patuloy lang sa pagkain si Light ng siopao niya habang ako ay nagkibit balikat lang. Matangkad si Light kaya naman ng tumayo siya sigurado akong nakita niya ang nangyayari sa labas. Puro bintana ang canteen na to kaya naman kitang kita ko din naman kaya lang masyado talagang makapal ang tao sa pinanggagalingan ng ingay.

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHHAHAHAHA" napatingin ako kay Light na bigla nalang humagalpak ng tawa kahit wala namang nakakatawa. Pinagtaasan ko ito ng kilay at hindi na din maiwasang magtanong pa kung anong nakita niya.

"Ano ba yon? Bakit tuwang-tuwa ka dyan?" Inubos niya ang siopao niya saka kinuha ang juice ko at ininom ito. Inirapan ko lang siya. Buraot talaga.

"Tara na dalhin mo din yang bag mo. May ipapakita ako sayo." Binilisan ko agad ang kilos ko dahil nagmamadali na siyang lumabas pero habang inaayos ko ang gamit ko napapaisip parin ako kung bakit hindi ko maalala kung ilang taon na ako sa hinaharap. Kesa ma space out na naman sinantabi ko muna ito at sumunod na kay Light.

"Bakit tayo pupunta dyan?" Ngumiti lang siya saken saka ako hinila papason sa kumpulan ng mga estudyante.

"Dikit ka lang sa likod ko." tumango lang ako at dunikit sa likod niya. Sa distansyang ito hindi ko maiwasang maamoy ang mabanho niyang pabango. Tuloy-tuloy lang siya papason sa kumpulan at tila ba ang katawan niya ang ginagawa niyang harang upang mahawi ang mga tao sa harap at makadaan kami ng maayos. Ingat na ingat din siya saken na hindi madali o matapakan man lang ng iba. Nang medyo nasa bandang harapan na kami at tumigil siya at nagsalita ulit. "Tignan ml tong manliligaw mo Maria.

"Wala akong makita!" paano ba naman ang laki ng likod niyang nakaharang. Ghad! Dahan-dahan naman siyang umatras at talaga namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Si Angelo habang hawak ang isang Tarp na may na kasaulat na.

Maria Chan
Can I Court You?
Yes / No

Anong kahangalan na naman ba ang pakulo nitong si Angelo? Hindi pa ba siya nagsasawa at sumusuko sa pagtanggi ko sa kanya?

"Kunin mo yung pentel pen ko sa bag tapos lumapit la don. Bilugan mo yung slash (/) HAHAHAHAHAHAH." Siraulo talaga. Kahit kailan talaga puro kalokohan ang lalaking to.

"Ayoko!" aalis na sana ako ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Bigla akong nanlamig at pinagpawisan sa ginagawa niya.

"Ito lang ang paraan para tigilan ka na ng mokong na yan." nakatingin lang ako sa kamay niyang nakawak sa kamay ko. Napalunok ako dahil nanlalamig na ang kamay ko sa kaba at ang puso ko dumadagundong ito kasabay ng kantwayan ng ibang mga estudyante.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon