The Time Traveler (11)

560 43 22
                                    

The Time Traveler (11)

"Mariaaaaaaa!!!!!!!!" napatingin agad ako sa likod ko ng makita si Abi na hingal na hingal. "Woooh! Buti nalang naabutan kita! Ang bilis mo maglakad eh!" medyo natawa nalang ako sa kanya. Ang aga aga pero ang sigla sigla niya samantalang ako? Ayun todo singhot at masakit din ang lalamunan. Ang bigat din ng mata ko na para bang gusto nalang matulog maghapon.

"Ang aga aga takbo ka ng takbo. Ano bang meron?" inayos ko ang bagpack ko sa likod at nilagay sa tenga ang ilang hibla ng aking buhok na nalalaglag na sa aking mukha. Mdaming estudyante ngayon na nag uusap sa Masquerade ball ng University namin. Ang iba halatang excited na excited na dahil may kanya kanyang date na sila.

"Dumating na yung mga gowns natin! Oh my gashhhhhh. Thanks to my mommmmmm. Aaaahhhh! Ang gorgeous tignan promise!" pinilit kong ngumiti dahil halatang excited na excited talaga siya kahit na next week pa namam talaga ang Masquerade Ball kaso latang lata talaga ako ngayon araw para magsaya.

Halos lahat excited. Naalala ko tuloy ang nakaraang masquerade ball na napuntahan ko. Masyadong boring dahil na din hindi pumunta noon si Laura at si Angelo naman nasa basketball team. Naiwan lang akong mag isa noon sa upuan at nakatunganga. Napapaisip ako. Ganon pa din kaya ang mangyayari?

"Diba sabi ko sayo hindi mo na ako kailangang ipagawa ng gown. Meron naman na nabibili na eh." hinawakan niya ako sa braso ko at niyugyog ng niyugyog.

"No! Dapat unique at maganda ang gown natin! Saka di tayo papakabog sa iba no! Kita mo naman dito sa university pagandahan ang mangyayari niyan!" may point naman siya pero magastos pa din talaga. "Nasaan nga pala si Light?" ahhh. Ang tukmol na yon. May atraso pa saken ang mokong na yon.

"Hindi makakapasok. Inaalagaan ang kapatid niya." baby sitter ka muna ngayon, buti nga sayo.

"May kapatid siya? Talaga? Akala ko ba iisa lang ang tagapag mana ng Nicer Corporation?" tagapagmana! Eto na namam tayo sa tagapagmana na yan. "Hmmm. Baka mali lang ang mga balita." napakunot noo ako sa narinig ko.

"Anong tagapagmana ng Nicer Corporation?" nanlalaki naman ang mata niya na tinignan ako. Oh anong meron?

"Oh my! Hindi mo ba alam na isa sa pinakamayamang estudyante dito si Light!? Siya lang naman ang nag iisang tagapagmana ng Nicer Corporation at halos lahat ng babae dito nahihibang sa kanya. Syempre maliban sayo at saken. May Eren na ako no!" eh? Pakiramdam ko ay lalong sumakit ang ulo ko sa mga nalaman ko. Yung kuripot at buraot na yon? Mayaman? I mean oo mayaman naman talaga halos lahat ng estudyante sa university na to pero si Light!? Tagapagmana?

"Yun tagapagmana!? Baka naman mali ka lang?" ang panget na din pakinggan ng boses ko dahil tunog binata na. Paos na ako dahil sa soar throat na to. Nakakainis!

"No! Hindi ako pwede magkamali kasi nameet ko na yung father niya dati at kasama siya non eh. Medyo bata pa nga lang kami non. Anyways di ko alam na may kapatid pala siya." nawiwindang ako. Hindi makapaniwala na ang buraot at kuripot na lalaking kasama ko sa araw araw dito sa school ay isa palang napakayamang nilalang. Napahawak nalang ako sa ulo ko ng makaramdam ng kirot.

"Huy. Ayos ka lang ba?" mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko dahilan para mapakapit ako ng mahigpit kay Abi. Kinapa niya agad ang noo ko. "Ghad! May lagnat ka! Bakit pumasok ka pa!? Halika na at ipapahatid kita sa driver namin! Wag ka na munang pumasok. Okay sana kung sa clinic ka muna pero mas maaalagaan ka sa inyo." tumango nalang ako sa kanya dahil gusto ko nalang talaga magpahinga. Agad niya akong inalalayan hanggang sa parking lot ng school. Madaming napapatingin pero dedma na. Ang gusto ko lang talaga ay ang makatulog ngayon at magpahinga. "Buti nandito pa yung driver namin." pagkadating sa kotse nila agad siyang tinulungan ng isang lalaking nakablack suit.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon