The Time Traveler (15)

499 47 46
                                    

The Time Traveler (15)

"Perfect! Ang ganda mo, Maria!" nandito ako sa bahay nila Abi ngayon at ito ang araw ng masquerade ball sa Red Rose University. Nakangiti lang ako sa kanya ng maalala ko ang nangyari. Hindi ko alam pero after that day na nabasag ko ang hour glass ay wala pang paramdam si Light. Minsan nakatingin ako sa labas ng bahay nila kaso wala akong lakas ng loob na magdoor bell or bumisita man lang dahil na rin sa mga nalaman ko. "Lets go na!"

Tinitigan ko pa ulit ang sarili ko sa salamin. Black long gown na may hati sa bandang binti. It is simple but elegant. Kitang kita ang kurba ng katawan ko sa long gown na ito. Hindi din masyadong labas ang balat ko dito kaya naman komportableng komportable akong isuot ito.

"Oopsss! Don't forget your mask!" inabot niya sa akin ang isang black mask na may gold metal sa may bandang kanan nito na tila ba mga feathers. May diamond beads din ito at talaga namang napaka eleganteng tignan.

"Tara na." tumango lang ako kay Abi at dumiretso na sa sasakyan. Habang nasa sasakyan ako ay hindi ko maiwasang mag isip na naman.

"Wala na akong oras Maria at alam kong kapag naubos na ang oras ko. Mabubura na ako sa mundong ito, ang ala-ala mo saken at ng iba pa. Mawawala lahat ng tungkol saken na parang bula."  nakaukitnsa aking isipan ang mga huling salita na sinabi ni Light.

Alam niyang hindi ko ito matatanggap. Kaya naman pilit niya itong ipinaintindi saken. Noong araw na yon ay hindi na ako nakapasok pa at nag iiyak na lamang sa bahay hanggang gabi. Pilit din akong kinakausap ni tita ngunit mas pinili kong mapag isa.

"Hey, Gorgeous Lady ano na namang iniisip mo? Mukhang naghuhukay ka na dyan ng balon ah." biro saken ni Abi. Medyo napatawa naman ako sa kanya at mahinang hinampas ang braso niya.

"Grabe ka saken ha! Mukha ba akong maghuhukay ng balon? Hahaha." napatitig ako sa suot niyang gown. Mukha siya isang diwata sa white silky long gown na suot niya. Kapag magkatabi kami ay parang ako ang kadiliman at siya naman ang liwanag.

"Slight lang! Hahahaha." tumingin na ulit ako sa labas ng kotse ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Thank you." nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Para saan?" nginitian niya ako ng matamis atsaka niyakap.

"Dahil naging kaibigan kita. Kung hindi kita naging kaibigan malamang nasa ilalim na ako ng lupa ngayon." napatitig ako sa kanya lalo. "Buti nalang dumating ka at si Light! Hindi na ako mag isa. Hindi na boring ang buhay ko at lalong hindi ko na maiisip pa na... Hmmm. Basta hahaha. Nevermind nalang. Hahaha." tumango lang ako but deep inside me? Alam ko ang ibig niyang sabihin. Nape-pressure siya sa family business nila at pati sa studies dahil mataas ang expectations ng parents niya sa kanya. Being a heir of one of the biggest company in asia is not so easy. Mahirap to the point na hindi ka na makakapag enjoy pa sa buhay mo dahil mas priority ang negosyo. Sad but that's the truth.

"Thank you." mahinang bulong ko.

Mga ilang minuto pa ay nadaanan namin ang school ngunit hindi dito ang destinasyon namin. Ang masquerade ball ay gaganapin sa mansyon ng mga Mondejar. Ang may ari ng school na ito. Nang makarating na kami ay bigla nalang may nagbukas ng kotse ng sasakyan. It was Light. Napatunganga ako saglit ng bigla siyang ngumiti saken.

"Pano ba yan. Kukunin ko na ang date ko. Nandyan na din naman ang date mo Abi." ngumiti pa siya kay Abi bago niya kinuha ang kamay ko at inilagay sa braso niya. "Shall we my queen?" pinamulahan ako sa tinawag niya saken.

"Ingatan mo ang best friend ko ha!" tumawa pa ulit si Light atsaka dumiretso na malapit sa entrance.

"Ang ganda mo ngayon." wala akong masagot sa kanya dahil halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. "Uso magsalita. Hangin yata ang kadate ko ngayon." winave wave niya pa ang kamay niya sa harapan ko. Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing naaalala kong mawawala na naman siya saken.

The Time TravelerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon