13

129 26 6
                                    

#WTCSA12
She died

Third Person

Lasing na naglalakad si Mei sa madilim na daan. Pasuray suray ito at minsan ay natutumba pa. Wala itong nagawa kundi umupo muna sa tabing daan hanggang sa maging sober ito.

Ngunit nang tumayo ito ay may bigla na lang na kung anong bagay na tumama sa ulo niya hanggang sa nawalan ito nang malay.

"I'm sorry."

At sinakay siya nang salarin sa sasakyan nito at dinala sa isang abandonadong building.

...

Nagising si Mei dahil sa kakaibang ingay na naririnig nito at dahan dahan nitong binuksan ang mata niya. Ilang beses pa itong mapakurap hanggabg sa naging malinaw na ang paningin nito. Inilibot nito ang kanyang paningin at bigla na lang pumasok sa isipan niya ang nangyari eleven years ago.

This building.

Natigil sa pag-iisip si Mei nang makarinig ito nang tunog ng stilettos at bawat pagtapak nito ay gumagawa ito nang nakakabinging ingay.

Sinubukang kumalas ni Mei ngunit bigla na lamang ito nakaramdam ng sakit at hapdi sa pulsohan nito. Ngayon lamang niya napagtanto na naka upo siya sa isang upuan na gawa sa kahoy at ang ginamit na pangtali sa kamay at paa niya ang isang alambre na may tinik.

Hindi mapigilang hindi umiyak ni Mei dahil sa kahinatnan nito. Wala siyang magawa kundi umiyak ng marinig marinig niyang muli na palakas ng palakas ang tunog ng sapatos hanggang sa makita nito ang pigura ng isang babae na may mahabang buhok. Hindi niya nakikita ang mukha sapagkat nakasuot ito ng nakakatakot na payasong maskara.

"S-sino ka?"

Nababalutan na nang takot ang buong katawan ni Mei. Ni hindi nito magawang makapag-isip ng maayos dahil ang nasa tanging isip lang nito ay makaligtas mula sa pagkabihag ng salaring hindi nito kilala.

"Mei." Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Mei nang marinig niya ang boses na nagmula sa babaeng nakatayo ng malayo sa kanya.

"You saw what happened and did everything you do to save yourself but not the people who is kidnapped. Selfish bitch."

Gusto ni Mei na takpan ang sariling tenga nito pero hindi magawa lalo na't nagdurugo na ang kamay nito. Ramdam niya ang bawat pagtusok ng tinik sa puslohan at palad niya.

"Remember this place?"

Humakbang ang salarin hanggang sa makalapit na ito sa kay Mei na walang humpay sa pag iyak.

"Ang saya mo kanina pero ngayon ako naman ang magsasaya." Bigla na lamang nakarinig si Mei ng tunog ng orasan.

Ngunit nang iniangat ni Mei ang ulo niya ay bumungad sa mismong tapat ng mukha niya ang mukha ng nakakatakot na maskara ng payaso.

"AHHHH!" Dahil sa sobrang paggimbal ni Mei ay napatili ito at nagwawala dahilan para maputol ang palad nito at wala siyang nagawa kundi umiyak ng napagtantong wala na siyang palad.

Iniangat muli ni Mei ang paningin niya at nakuha ng atensyon niya ang isang napakalaking orasan at nakaturo lamang ang dalawang kamay nito sa oras na alas dose at hindi ito gumagalaw.

"Sana kung may nagawa ka edi sana naligtas mo sila diba?"

Hinawakan ng salarin ng mahigpit ang buhok ni Mei at dahan dahan na umatras ang salarin hawak hawak pa din ang buhok ang ni Mei hanggang sa unti unti nang dumugo ang ulo ni Mei. Pwersahang hinugot ng salarin ang buhok ni Mei dahilan para maalis ang anit nito sa ulo kasama ang buhok.

Buong lakas na humiwak si Mei. Gusto nitong kumapit sa kung saan para kumuha ng lakas pero wala na itong kamay kaya inilabas na lamang niya ang sakit na nararamdaman siya sa pamamagitan ng pagsigaw.

Hindi nito alam kung may nakakarinig ba sa kanila ngunit dahil sa sobrang hapdi ng ulo nito ay patuloy lang sa pag iyak at pagsigaw si Mei. Wala itong magawa.

Pumunta sa harap ni Mei ang salarin hawak hawak ang bread knife.

Siya ba ang pumatay kay Art?

Dahil wala nang lakas ay yumuko na lamang ito. Ngunit nang yumuko ay napitlag siya ng makita ang isang paa sa ilalim ng inuupuan nito.

Kei.

Humagulgol nang malakas si Mei dahilan para mainis ang salarin. Kinuha nang salarin ang sako na nasa gilid lamang niya. Inilabas nito ang laman at tumambad sa harap ni Mei ang napakaraming pako.

Ngunit bago iyon, gamit ang bread knife ay sinugatan ng salarin ang leeg ni Mei mula sa leeg hanggabg sa balikat. Tila isang ahas ang korte nito sa sobrang haba.

Lalong nainis ang salarin ng tanging iyak lamang ang tinugon sa kanya ni Mei.

Kumuha ang salarin ng gunting at hiniwa ang iba't ibang parte ng katawan ni Mei.

Alam ni Mei nasa kahit anong oras ay malalagutan na ito nang hininga.

I am so thankful that I spend my last minute with my friends.

Kinuha ng salarin ang pako at isa isa itong itinusok sa leeg ni Mei hanggang sa mapuno na ang leeg nito ng pako. Nang oras na iyon ay tuluyan ng nalagutan ng hininga si Mei nang nakangiti.

Alam na nang salarin na hindi na humihinga si Mei ngunit hindi pa din ito tumitigil sa gusto niyang gawin.

Kinuha nito ang baseball bat at ilang beses na hinampas ang walang buhay na katawan ni Mei. Lupaypay na ito. Matapos nun ay nakarinig ang salarin ng tunog ng kotse.

Napangiti naman ang salarin ng oras na iyon.

"Oras na Mei para pumasok ka sa sasakyan ni Raymundo."

©softieparanoia

Just a short update because I wanted to separate the scene for the next chapter. Nilagay ko lang dito kung paano namatay si Mei. I love you stay safe!

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon