26

68 10 0
                                    

#WTCSA12
She's alive?

Aju

"Oh no dear. She's not Avair."

What?!

"Ginagago mo ba kami?" Natakataas kilay na tanong ni Jc.

E totoo naman eh? Diba? Nasa harap na namin si Avair tapos sasabihin niyang hindi si Avair tong kaharap namin?

Nagawa niyang patayin sina Cassandra at Arielle sa harap namin kaya ngayon kailangan naming mag-ingat sa mga sasabihin at galaw namin dahil walang pagdadalawang isip na tuluyan kami ngayon din.

"Oh no. She's not really Avair." Clown Killer said mockingly.

Agad naman kaming napatingin kay Avair na nakayuko. If she is not then who is she?

"Who are you?" Tanong ni Raymundo kaya agad kaming napatingin kay Avair at naghihintay nang kaniyang isasagot.

"I-"

She didn't continue what she wanted to say nang bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na kalabog mula sa ibabaw ng kinatatayuan namin. Ang airvent. Someone's trespassing.

"Anong nangyayari- Oh my god!" Agad nabaling ang atensiyon namin kay Carmela at Sunshine na ngayo'y nakatingin sa walang buhay at kalunos lunos na katawan ni Cassandra at Arielle.

"Anong nangyayari?!" Dunadagundong ang malalim na boses ni Sunshine sa buong bahay kaya agad napa atras mula sa kinatatayuan at pumunta sa lugar kung saan ako pwedeng makasilip sa Airvent.

Nang i-angat ko ang ulo ay nakita ko si Queen at Jed na nagtutulakan pa sa loob ng Airvent. Napatampal na lamang ako nang noo ko dahil sa kagagawan ng dalawa.

"Sino ka?" Naka awang bibig na tanong ni Carmela.She's in the peak of crying again.

"Midnight?" Patanong na sabi ng Clown Killer.

Midnight?

Teka? Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon? Napakunot ang noo ko sa kawalan habang iniisip kung saan ko narinig ang pangalang Midnight.

"Dahil nanalo ka Ms. Lucasan someone wants to give you a present daw. She calls herself Midnight."

Tama! Siya yung may surprise kuno kay Carmela nung pageant. She calls herself midnight.

Midnight Killer. She is more like Midnight Killer than Clown Killer.

"Y-you're the--" Hindi natuloy ni Carmela ang gusto niyang sabihin nang biglang humalakhak si Midnight.

"Hi Carmela. How are you?" Natatawang tanong ni Midnight.

Nakita ko ang pagkuom ng kamao ni Sunshine habang nakatingin ng masama kay Midnight.

Bigla na lamang kami nakarinig ng kalabog mula sa likod ko at sa pintuan ng bahay na ito.

Mula sa pintuan ay iniluwa si Deborah at Mikee habang sa likod ko naman ay nalaglag mula sa airvent sina Jed at Queen.

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon