16

129 26 6
                                    

#WTCSA12
Midnight

Carmela

Today is the day kung saan ayaw kong mangyari. Today is the pageant day of Crescent High at kahit nasa room pa rin ako namin at minemakeup-an nina Aju at alam kong madaming tao sa labas dahil sa mga dumadaan sa room.

I will represent my section. Section Libra. Lahat ng Section dito sa School namin ay connected sa Zodiac, planets or galaxy or whatever.

Busy ang lahat sa kakaprepare at ang boys ay tamang ML lang sa gilid.

"Kinakabahan ako." Bigla ko na lamang nasabi ang nasa isip ko.

"Wag kang kabahan. Nandito lang kami at magchecheer sayo." Sabi ni Sunshine ngunit nakatuon pa din ang atensyon nito sa cellphone niya.

Napangiti naman ako dahil doon. Aaminin ko. May gusto ako kay Sunshine ngunit hindi ito ang tamang panahon para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko lalong lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

"Galingan mo mamaya ha? Nadoon lang kami at nag checheer sayo." Sabi ni Queen at ngumiti sa akin. 

Kasama nito si Jed na may hawak na banner na may mukha at pangalan ko. Matutuwa naman sana ako dahil ginawan pa ako nila ng banner pero alam mo kung ano ang nakakabwiset? Parang patay ako sa banner nila. May mukha ko tas langit ang background. Kulang na lang ng RIP at pwede na.

"Boys lakasan niyo cheer niyo mamaya ha!" Sigaw ni Jed sa kanila.

"Yes Ma'am!" Sagot nilang lahat at sumaludo pa ito.

"Ang ganda niya no?" Pagpuri ni Deb at tumingin pa sa mukha ko ng nakangiti.

"Ang ganda mo!" Rinig kong sigaw ni Arielle kaya hindi ko mapigilang mahiya.

Sobra naman atang papuri ang natanggap ko ngayon at hindi ako sanay doon.

"Halika ka na malapit ng magsimula." Sabi ni Alex at tinulungan akong tumayo.

Nakasuot ako ngayon ng white fitted shirt and black leather short at leather knee high boots. Simple make up lang din at nakaway way ang buhok ko. Para ito sa production and introduction.

"Excited ka na ba?" Tanong ni Jc kaya agad akong umiling.

Excited kako akong matapos. Nakarinig ako ng ingay mula sa Gymnasium pero hindi ko nakita ang mga tao dahil diretso na kami sa back stage para iayos ang mga gamit namin.

25 contestants kami over all. Magaganda at seksi silang lahat kaya I feel insecure a little. May confidence sila habang ako ay nahihiya pa.

Alas siyete na ng gabi at ano mang oras ay magsisimula na ang pageant.

Nagsimula ng magsalita ang MC kaya mas lalo akong kinabahan. Dahil alam kong nag sisimula na ang pageant. Lahat na lang ata ng santo at santa ay natawag ko na para gabayan ako sa contest ko.

Nanghingi din ako ng tulong sa mga kaibigan kong nanunuod sa amin ngayon.

"Art, Kei, Christine, at Mei kung naririnig niyo man ako ngayon sana tulungan niyo ako sa contest ko."

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Deb ng makapasok ito sa backstage.

"Deb ipagpray mo ako kay San Pedro sa langit ha?"

"Where is Section Libra?!"

At malakas na hiyawan ang narinig ko mula sa labas may nag papadyak, palakpak at sigawan. Jusko ang mga kaklase ko ang iingay.

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon