14

159 26 6
                                        

#WTCSA12
Pointing Fingers

Carmela

I woke up feeling my head hurts. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ng iminulat ko ang mga mata ko.

I feel sober right now. Thanks to a milk and a long sleep. Kahapon na impluwensiyahan kami ni Jed na uminom ng dala nitong soju. Si Deb, Alex, Avair, Shioree, Cherry at Rhona lang ata ang hindi uminom sa amin.

Madilim na nung umuwi kami at wala na akong masyadong naalala nun.

Napatingin ako sa orasan at alas singko na nang umaga. Paniguradong tulog pa si Mama.

Dahil hindi ako makatulog ay napag isipan ko nang maligo na. Wala nang kahit ni isang salamin dito sa bahay dahil sa nangyari sa akin noon. Nakakita ako ng mga bagay bagay sa salamin at hindi ko naman alam ang ipinapahiwatig.

Kung maari nga iwasan ko nang makipag eye contact sa sarili kong mata sa salamin.

Matapos kong maligo ay agad akong lumabas ng kwarto para mag almusal. Nakita ko si Mama na may kausap sa phone sa kusina kaya napag isipan kong wag na lamang siyang distorbohin at nagpatuloy lang ako sa pagkain sa kusina.

Matapos nun ay inayos ko na ang mga gamit ko.

"Ma! Alis na ako!" Paalam ko ngunit hindi man lang niya ako tinuunan ng pansin at patuloy lang ito sa pag usap sa phone niya.

Nagkibit balikat na lamang ako. Nang lumabas ako sa bahay ay nakita kong naglalakad mag isa si Raymundo sa daan.

Nasaan ang kotse niya? Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang maglakad papuntang school dahil malayo iyon sa bahay nila.

"Raymundo!" Tawag ko sa kannya at patakbong pumunta sa kanyang direksyon.

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Raymundo.

"Anong nangyari sayo?" Kunot noong tanong ko sa kanya at sabay na kami ngayong naglakad.

"Nawawala yung kotse ko." Mahinang boses niyang sambit kaya naman napa nga-nga ako sa sinabi niya.

Kung mahal kami ni Raymundo mas mahak pa niya kesa sa amin ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong tawag sa sasakyan niya pero walang top yung sasakyang niya at kulay puti ito.

"Nagsumbong ka na ba sa police? Tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito sa akin. Natigilan kaming dalawa ng makarinig kami ng malakas na tili mula sa direksyon ng skwelahan namin. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumakbo papunta sa paaralan namin.

Nang makadatimg kami sa school's gate ay nakita na naman namin ang mga estudyanteng nag kukumpulan at kinukuhanan ng litrato.

"Ang sasakyan ko!" Nagulat ang iba dahil sa sigaw ni Raymundo kaya agad silang humawi at bigyan siya ng daan at sumunod naman ako sa kanya.

Ngunit hindi pa kami nakalapit ay nakita ko na agad ang sasakyan ni Raymundo na puno ng dugo at may babaeng upo sa driver's seat. Dahil walang top ang sasakyan ni Raymundo ay kitang kita namin ang babae. Ang babaeng walang anit ang ulo, maraming hiwa sa katawan at puno ng pako ang leeg nito.

Walang iba kundi si Mei.

Parang kahapon lang ay ang saya saya namin ngayon ay alam kong puro iyak na naman ang marinig ko.

Sa puntong ito ay parang ayaw ko nang ngumiti at tumawa muli. Dahil sa bawat ngiti at tawa ko ay napapalitan ito ng lungkot at pighati.

"Mei!" Nakita kong patakbong pumunta sa direksyon namin ang kaibigan namin. Humahangos at habol habol ang hininga. May luhang tumutulo sa baaat nila. At malakas na hagulgol ang naririnig ko.

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon