28

77 10 0
                                    

#WTCSA12
Run. Run. Run.

Aju

Yung akala naming daan para sa kaligtasan ay daan pala nang naghihintay ng kamatayan para sa amin.

"Do you think I'll let you all escape that easily?"

Nakangising sambit ni Midnight o kung sino mang demonyo to. Gumala ang paningin niya kina Art at Alex.

"Aww. My apprentices betrayed me?"

"Stop it! Ano ba ang mapapala mo pagnapatay mo na kaming lahat?! Di ba wala?!" Nangangalaiting tanong ni Jc.

I know na kanina pa niya gustong maglabas ng sama ng loob. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa ginagawa ni Midnight?

"Satisfaction."

And in a blink of an eye Raymundo's head fall of his body and rolled at my feet.

"AHHHHH!!!!"

Lahat ng sigawan at iyakan ay naririnig ko. Nagsitakbuhan silang lahat kasabay nito ang malakas na kulog at kidlat dahilan para makita ko nang maayos ang mukha at ulo ni Raymundo na nasa paanan ko. Nanganga at nakabukas ang mga mata nito animo'y nanghihingi ng tulong.

"Aju! Run!"

I came back to my senses when I heard Jed's voice. Agad akong napatili ng sandali ng nasa tapat mismo ng mukha ko ang nakakatakot na maskara ng payaso.

Ngunit agad itong napalitan ng kadiliman. And the next thing I knew Asher was dragging me and running away from the killer. Hindi namin inalintana ang dilim at malakas na ulan. Nakaramdam na ako ng ginaw pero hindi ko na ito pinansin.

We never look back and I would never like to look back.

"Tulong!" Napatigil kami sa pagtakbo at nabatiwan nito ang kamay ko.

"Sino yun?" Tanong nito.

I looked back and I wished I never did it.

"Boo!"

"Takbo!!!"

Wala akong sinayang na oras at agad akong tumakbo. Nawala na sa isip ko si Asher kung nakasunod pa ba ito sa akin o naiwan siya doon. Bqsta ang nasa isip ko ay ang makaligtas mula sa payasong killer na yun.

Dahil madulas ang daan dahil sa ulan ay maingat ako sa pagtatakbo baka madulas pa ako at masugatan ang paa ko. Magiging mabagal ang pagtakbo ko.

"Aray!"

Hindi naman ako nadulas kundi may nabunggo ako dahilan para matumba at nasugatan ang paa ko.

"Aju ikaw ba yan?"

Napahawak ako sa paa kong dumudugo. Agad naman itong nawawala dahil nababasa ito ng ulan pero mahapdi at agad naman akong napangiwi.

"Alex. Tulungan mo akong tumayo." Sabi ko at agad naman niyang inabot ang kaniyang kamay.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay at dahan dahan akong napatayo.

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon