17

136 25 4
                                    

#WTCSA12
Red blood or paint?

Carmela

M-midnight?

Hindi ko mapigilang hindi kabahan. I have a very bad feeling about this.

"Now." Natutuwang sambit ng MC at tinakpan ang mata ko gamit ang panyo.

Gusto kong umatras at tumakbo pero baka mapahiya ko lamang ang sarili ko. Maybe I am just to paranoid about number 12 or midnight dahil sa nangyari kay Art.

Mahigpit akong napahawak sa bouquet, trying to compose myself from being frightened.

May humawak sa beywang ko and I flinch a little. May umalalay sa akin at naramdaman kong napaupo at nay tumali sa akin.

I really wanted to shout and run but I can't. I can but I won't. May tumali ng kamay at paa ko ramdam ko iyon.

"Grabe namang surprise to may pa tali pa." Sabay tawa ng MC at mga estudyante.

May kumuha ng panyo sa mata ko at dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko.

Nagawa ko pang ngumiti sa mga tao na naghihintay ng surprise kuno sa akin. Ngunit agad na nawala ang ngiti sa mukha ko nang mapatanto ang kinalalagyan ko.

Bumalot ang takot sa mukha ko at ramdam ko ang pagkaputla ko. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga kaibigan ko sa pamamagitan ng pag uusap sa mata ngunit hindi nila ito naintindihan.

Ilang beses akong umiling na sana may tumulong at may nakakaintindi ng pinapahiwatig ko pero wala.

Gusto kong magsalita pero para akong napipi. Gusto kong gumalaw pero hindi ko ramdam ang katawan ko.

Nakaupo ako sa isang upuan na gawa sa kahoy. Nakatali ang kamay at paa ko. Ang panaginip ko. Ang nakikita ko sa salamin tuwing nakikipag eye contact ako.

"Tita what are you doing?"

"You need to see my show."

"What show Tita? Is there a puppet show? Magic? Is there a clown?"

"Yes. Your bestfriend is here too."

Gusto kong takpan ang tenga ko para pigilan ang mga boses na narinig ko sa aking sariling isipan. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Gusto kong umiyak. Marami akong gustong gawin ngunit hindi ko magawa lahat ng yun dahil hindi ko alam.

Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung bakit kahit konting galaw lang hindi ko magawa.

Tumingin ako sa harap ko ngunit isang pigura ng babae ang nakikita ko sa harap. Isang pigura hanggang sa naging malinaw ito sa paningin. Nakatingin ito sa akin ngunit hindi ko nakikita ang mukha dahil sa suot nitong nakakatakot na maskara ng payaso.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa taong nasa harap ko. Nakahawak ito ng palakol sa kaliwang kamay nito.

Habol habol ko ang hininga ko at nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko na kanina pa gustong kumawala.

Unti unting nawala ang pigura sa harap at napalitan ito muli ng mga estudyanteng nanuod sa amin kanina.
"No! Ibaba niyo siya!" Jed

"Ikalas niyo ang tali sa kaniya!" Queen

"Ibaba niyo siya!" Cherry.

Nanakbo sila habang papunta sa direksyon ko ngunit bago pa man sila makalapit sa akin ay nakaramdam ako ng mainit at malapot na likido na tumama buong katawan.

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon