#WTCSA12
I'm innocentDeborah
Everyone hates me. Everyone loathed me.
But the thing is. Did they know the reason behind what I did? Alam ba nila ang dahilan para pagtabuyan nila ako?
They all see me as a criminal. An angel who killed a person that is innocent. No. I didn't kill an inncocent.
Sitting alone in a cold floor locked in a police station waiting for my statement.
Kung hindi pa niya sinabi sa akin ay hindi ko din naman gagawin iyon sa mama ni Carmela. Akala ko papakinggan nila ang explanation ko pero hindi. Sana lang walang may mangyaring masama sa kanila doon sa baguio.
Nandito sina Queen, Jed at Mikee. Ang tanging tao na makakaligtas sa kanila. Ang tanging tao na may alam sa nangyari eleven years ago.
Hindi ko pinatay ang mama ni Carmela dahil naalala ko ang nangyari noon kundi pinatay ko siya dahil utos ng taong may alam sa nangyari labing isang taong nakalipas.
Minsan napapa-isip ako, kung alam ba namin ang nangyari noon maliligtas ba namin ang tao ngayon?
Ang nga taong walang ginawa kundi kalimutan ang kahabag habag na nangyari noon? Pilit na kinakalimutan dahil sa oras na malaman namin ay babalik ang nangyari noon. Babalik si Cristina. Hindi ko kilala si Cristina pero tuwing naririnig ko ang pangalan nito ay nanginginig ako.
Napahawak ako sa malamig na rehas ng prisinto. Hindi ko alam kung nag mama- maangan ba si Jed na hindi niya alam kung bakit ko pinatay ang Mama ni Carmela.
"Queen." Tawag ko sa pangalan nito at tumigil ito sa harap ko. Nakangiti ito at may hawak na susi sa kamay nito sa kabila naman ay puting bulaklak.
Tahimik nitong binuksan ang selda na siyang ikinataka ko. Saan niya kinuha ang susi para buksan ako? At bakit ako pinapalabas ngayon? Anong nangyayari?
"Makakalabas ka na. Alam ng pulis kung bakit mo siya pinatay." Nakangiting sabi nito kaya hindi ko siya mapigilang yakapin.
"Umalis ka nga sakin. May gagawin ka pa." Sabi nito at agad naman akong kumalas.
"Pumunta ka sa sementeryo. Doon sa St. Green Cemetery. Hanapin mo ang pangalang Naña Miller and Niña Miller. Call me if you found something." Sabi nito at binigay sa akin ang puting bulaklak.
"So ginagawa mo na akong imbestigador ngayon?" Taas- kilay na tanong ko sa kaniya at agad naman niya akong inirapan. Ubod talaga ng sungit ang babaeng to.
"You will not go there to give the two a sympathy instead you will go there to investigate. Okay?" Sabi nito at pinagtulakan pa ako palabas.
Sumalubong sa amin sa pinto sina Jed at Mikee na mukhang nagmamadali.
"Anayare sa inyo?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa Baguio ba sina Carmela?" Tanong ni Jed.
Tumango naman ako ata agad naman niyang napamura. Mukhang balisa din si Mikee pero pinili niyang kumalma.

BINABASA MO ANG
When The Clock Strikes at 12✔
Mystery / ThrillerWhen The Clock Strikes at 12 you need to hide or else you'll beg for your life.