#WTCSA12
Cristina killed ChandriaCarmela
Nandito kaming lahat sa rooftop at nag uusap ng kung ano anong kagagohan namin sa buhay.
"Naalala niyo ba nung tumae si Jc sa banyo ng classroom nila nung Grade 7 siya?" Natatawang sambit ni Neil kaya agad siyang bintukan ni Jc.
"E sa hindi na ako makapigil e!" Bulyaw ni Jc kaya agad kaming napatawa.
"Naalala ko din noong Grade 7 kami nadapa si Cassandra at sapul mukha niya sa tae." Sabi ni Arielle kaya agad kaming ngumiwi sa sinabi nito.
Napatakip naman ng mukha si Cassandra dahil sa kahihiyan.
"Naalala niyo kay Asher?" Natatawang sambit ni Aju kaya agad akong natawa. Siyempre naalala ko na kung anong ibig sabihin ni Aju.
"Yung Spongebob yung brief niya?" Natatawa kong sambit kaya agad naman akong sinamaan ng tingin ni Asher habang tawa naman ng tawa ang mga kaibigan ko.
"Hindi yun! Yung pinatayan natin siya ng ilaw nung Grade 9 tapos umiyak siya habang tinatawag Mama niya." Halos mamatay na sa kakatawa si Aju.
"Double Kill!" Sigaw ni Luke kaya agad naman siyang sinapak ni Asher sa braso.
"Yung sapakan?" Biglang singit ni Chandria.
"Kaninong sapakan?" Kunot noong tanong ni Raymundo.
"Ewan ko. Malay mo may nagsapakam natin." Kibit balikat na sagot ni Chandria kaya agad ko siyang binatukan.
"Naku si Alex!" Sabay tawa ni Avair. It's been a while since we saw her like that.
"Bakit?" Tanong naming lahat pero nakatingin kay Alex na masama na ang tingin kay Avair.
"Naalala niyo nung Grade 8 tayo?"
Umiling kaming lahat sa kaniya.
"Avair wag iyon!" Tatayo na sana si Alex pero agad siyang pinigilan nina Luke at Cherry na tahimik lang na nakikinig. Pero sa lahat ng kwento namin hindi ko oa nakitang tumatawa o ngumiti si Cherry. Hashtag cold.
"Sinama niya ako kasi magcoconfess daw siya sa crush niya. Tapos kabado siya sa sobrang kabado niya napa ihi siya sa palda niya habang kaharap crush niya at nang maraming tao!" Lahat kami nagtawanan dahil sa sinabi ni Avair.
"Avair!!" Akmang sasabunutan na ni Alex si Avair pero nakarinig kami ng sigaw sa baba.
I also noticed ang pag iba ng ekspresyon ng mukha ni Avair ng sasabunutan siya sana ni Alex. Alam kong normal lang yun sa isa but for me it is weird.
"Dinner Time!" Sigaw ni Rhona mula sa Second Floor kaya agad kaming nagsitayuan at nagtatakbo at nagsiksikan sa pintuan para lang maka-una sa lamesa dahil lahat kami ay gutom na.
"Wag kayong malikot!"
"Yung anaconda ko sa tiyan sumisigaw na ng food!"

BINABASA MO ANG
When The Clock Strikes at 12✔
Mystery / ThrillerWhen The Clock Strikes at 12 you need to hide or else you'll beg for your life.