20

106 21 6
                                    

#WTCSA12
She killed my Mom.

Carmela

It's been a week since Shioree died and Deborah was abducted.

Tinutukso naman siya ng nga kaibigan namin na tinulungan daw siya nung San Pedro kaya siya naka survive. Binigyan daw siya ng Gaurdian Angel na pinananiwalaan nilang si Art kuno.

Hindi ko mapigilang hindi iikot ang mata ko sa kanila. May ibang naniwalang si Art nga daw iyon ang iba naniniwala talagang Angel yun. Ewan ko na sa mga to ang aabnormal.
Well ever since Shioree died and Deborah was abducted we always do stick together. We even planned to stay on Rhona's Safe House in Baguio! That is 5 hour ride from our place but that didn't stop me!

We need to stay away from here and find a place that is safer for us. Kung magsasama kami sa iisang bahay ay mas ligtas kami lalong lalo na we had each other's backs. Three days from now ay aalis kami to baguio.

On the other hand about ang classes well we planned to stop going to school. We tend to take Online Class since it's allowed.

Sipping my Mocha Coffee I read some of the Articles of what happened eleven years ago. I also stopped taking my medicine for traumatizing people.

Believe it or not nothing happened to me since I stopped taking my medicine..... or so I thought.

Hindi din yun malalaman ni Mama dahil gumagawa ako ng paraan not for her to know that I just break one of her rules.

Number one from her rule is Don't trust no one even yourself. Sounds weird right? But duh! She's a total weirdo.

Number two from her rules is always take my medicine before going to bed and after breakfast.

So yeah. I followed her but not now. Not now that I need to do something to stop all the shitness that is happening to us.

Marami na ang nawala at ayaw ko nang madagdagan iyon.

"Like duh. As if I like being in province." I heard a high pitch voice coming from the door of the South Cafe! It was a group of girl and some of them are familiar to me but I don't know where I met some of them.

"Why wouldn't you believe me that Samantha is hunting me!" The girl with a black long hair wearing a glamorous outfit, wearing a stilettos and a arched eyebrow shouted which caught the attention of the people of the Cafe. She looks like a meanie. I remember Queen from her.

"Can you tone down your voice?" Said the church girl. She looks so fragile.

"But believe me I swear!" The girl shouted again.

Dahil malapit sila sa akin hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsalita.

"Uh. Can you please lower down your voice? This is a Cafe and not a competition for higher voices." Inis kong saad at pinatuloy ko ang higop ng kape ko.

I thought it would end there but yeah. I am so wrong.

"Who are you? Some weirdo from a cheap school?" Naka taas kilay na tanong sa akin ng babaeng may mahabang itim na buhok.

Pakiramdam ko tumaas hanggang ulo ko ang dugo ko at ano mang oras ay sasabog na ako. How dare she call me weirdo and a our is cheap?!

Mahigpit ang paghawak ko sa kape ko. Ayaw kong gumawa ng skandalo dito sa loob ng cafe kaya mas mabuting hindi ko na lang papatulan ang maarteng babae na nasa harap ko. How I hate her!

Pinili kong manahimik na lamang at nagpapanggap na nagbabasa ng hawak kong newspaper kuno.

"Millie. Stop were here to talk about you last night and not to fight." Sabi nung babae na mas mabuti pa sa anghel ang mukha.

So Millie pala name ni girl. What ever. Pairap namang umalis si Millie kasama ang mga kaibigan niya kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Today is Sunday so there is no class ofcourse. Queen and Deb seemed go be fond of each other these days.

"Cristina Ferrer, Naña Miller, Niña Miller, Queen Rio, Jedidiah Dominique, Mikee Nava Noñala, Cherry Winston and..." I paused in confusion reading the article in  2009. The names are the survivors.

"Deborah Cabaya."

...

Habang pauwi ako ay hindi mawala sa isip ko ang nabasa ko doon sa Cafe.
Gabi na pero hindi ko inalintana iyon. Malapit lang din ang bahay namin at maraming tao sa daan kaya imposibleng may mangyayaring masama sa akin dahil isang sigaw ko lang ay may tutulong na sa akin.

Kinuha ko ang phone ko and I dialed Jed's number. Umupo muna ako sa bench na nakita ko at hinintay na sasagutin ni Jed ang tawag ko. Alas otso pa lang naman ng gabi.

After a few seconds she pick up my call.

"Hello? Bakit ka napatawag?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Bakit hindi mo sinabing survivor din si Deborah?" Diretsong tanong ko sa kaniya.

Hindi agad ito nakasagot at nakarinig pa ako ng iilang ingay. She was shocked. I guess. So she knew.

"Because..... she told us not to." Mahinang sagot nito.

She told them not to tell us? Why? May tinatago ba siya? May kailangan pa ba kami malaman?

"Carmela." A different voice came in. It was Queen.

"Go home." Pagkasabi niya nun ay agad nitong pinatay ang tawag.

Did they just hang up on me?! Marami pa akong gustong itanong sa kanila. Wala na akong nagawa kundi tumayo at napaglakad pauwi.

Ilang hakbang lang ang ginawa ko at nakarating na ako sa bahay. Ang ikinataka ko ay nakapatay ang ilaw sa loob ng bahay.

Wala kaya si Mama? Pero hindi naman siya siguro aalis nang nakapatay ang ilaw? Kung aalis kasi siya hindi niya pinapatay ang ilaw para sa aakalain ng nga magnanakaw na may tao. But this is weird?

Kinuha ko ang pocket knife sa bulsa ko na laging kong dala. If ever na may nakapasok sa bahay ay mabuti nang handa.

I silently texted all my friends to come over to my house. I told them that I am in danger. Mabuti na yun para makapunta agad sila dito sa bahay.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at hindi gumagawa ng ingay. Nakarinig ako ng daing kaya nanlaki ang mga mata ko. Baka si Mama yun!

Wala na akong nagawa kundi tumakbo kung saan naka destino ang switch ng ilaw. Wala akong makita kundi itim kaya kinapa kapa ko ang dingding hanggang sa mahawakan ko ang switch. Agad ko itong pinindot na siyang nagbigay ng liwanag sa buong bahay.

Shit! Shit! Nasaan si Mama?

Pumunta ako sa sala at wala siya doon. Sa kwarto niya wala din. Sa banyo wala din. Sa likod wala din.

Sa kusina!

Nakarinig ako ng yapak mula sa sala kaya agad akong pumunta doon at nakita ko lahat ng mga kaibigan ko. Except for Queen, Deborah and Rhona.

Sinenyasan ko silang manahimik at wag gumawa ng ingay. Sinenyasan ko din sila na libutin ang buong bahay at hanapin ang Mama ko.

Sa kusina! Mag isa akong tumakbo sa kusina at madilim doon dahil nakapatay ang ilaw.

Tinawag ko si Alex dahil siya ang pinakamalapit sa akin. Dahil nasa loob at gilid lang nang pintuan ang switch ay hindi ako nahirapan na buksan ang ilaw hanggang sa lumiwanag ang buong kusina.

And we saw what we not expected.

©softieparanoia

When The Clock Strikes at 12✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon