#WTCSA12
Run away but go backAju
Hindi ko na alam kung saan kami patungong tatlo. Ako, Jc at si Luke ay kanina pang nagtatakbo sa loob ng kagubatan.
Hindi namin alam kung nasaan ang daan pabalik papuntang safe house at pa ikot ikot lang kami sa gubat.
We left Queen alone in the midst of cold rain lying alone in the tree helpless.
Ilang beses namin siyang pinaki usapan na gamutin siya pero hindi ito nakikinig. She's too stubborn.
"Paano natin malalaman ang daan pabalik? Wala man lang tayong flashlight." Inis na sa sabi ni Jc.
Basang basa na kami ng ulan at hanggang ngayon ay wala kaming daan para bumalik sa safe house. If we only we have a map or a clue na daanan namin.
"Sinong nandyan?" Natigil.kaming tatlo nang makarinig kami ng boses sa gitna ng pagbugso ng malakas ng ulan.
It was raining whole evening at hindi ko alam kung may galit ba ang langit sa amin o ano. Ang tagal ding mag umaga.
"Shh." Saway ni Luke ni sa amin at itinago kami sa likod niya. Nahihirapan akong imulat ang mga mata ko at panay ang pagpikit ko dahil sa pagbagsak ng ulan sa mukha ko.
"Sino yan?" Matapang na sabi ni Luke kaya agad akong napakapit sa damit nito.
Paano kung killer na pala iyon? Ito na kaya ang katapusan namin?
"It's me Art! Ikaw ba yan luke? Kasama ko si Alex ngayon!" Pagsisigaw ni Art.
Mas lalong lumakas ang ulan at kulog kaya hindi na kami nagkakaringgan.
"Art! Alex! Sino kausap niyo?" Isa pang boses nang babae ang narinig namin. Kung hindi ako nagkakamali si Jed ito.
Magsasalita pa sana ako ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa kung saan.
"Takbo!!!!"
Agad akong napabitiw sa damit ni Luke at wala akong sinayang na oras at agad akong tumakbo at hindi ko din alam kung saan patungo.
Hindi ko alam kung may kasama ba ako o ano pero isa lang ang nasisigurado ko. Boses ni Mikee ang narinig ko.
Natigil ako sa pagtatakbo ng may naaninag akong babae sa kadiliman. Kilala ko ito. Kilalang kilala ko ito dahil siya ang dahilan kung bakit kami nagkakamatayan ngayon. Siya ang taong gustong ibalik ng killer. Siya ang taong kinamumuhian namin. Siya ang taong pumatay kay Chandria at sa iba pa.
"Aju." Nagtaasan lahat ng balahibo ko ng banggitin nito ang pangalan ko.
She was cold as the rain fall. She was still the same back then 11 years ago. She was still the Cristina we know.
"Bakit hindi mo kami tigilan?" I don't know where did I get a strength to say those words. Garalgal ang boses ko and I'm into break down.
"Aju ikaw ba yan? Saan na ang iba?" It was Carmela's voice.
She was here while I was facing Cristina. Our worst nightmare.
"Aju? Carmela? Kayo ba yan?" Nabaling ang tingin ko kay Sunshine na basang basa din ng ulan.
Nanlaki ang mga mata nito ng makita si Cristina. Kahit sino naman sa amin ay matatakot sa taong kaharap ko ngayon.
"Hello Sunshine! Sa pagkaka alam ko may date pa kayo ni Carmela pagkatapos nito?" Nakangiting sambit ni Cristina. Ngiting malademonyo.
"P-paano-" Hindi natuloy ni Sunshine ang sasabihin nito nang malakas na kumidlat dahilan para makita ko ang kalagayan nito.
Nasa likod nito si Rhona nakangiti habang nakatingin kay Cristina at ang kamay nito ay may hawak na kutsilyo at nakasaksak sa likod ni Sunshine.
It was Rhona! Si Rhona ay si Midnight. Si Rhona ay ang killer. Ang killer na hindi namin inaasahan.
"Surprise? Motherfucker?" Nangangalaiti nitong sambit at mas diniinan pa ang pagkasaksak kay Sunshine.
"Sunshineeeee!!!!!!!" Pagsusumamo ni Carmela at halos mawalan na ito ng malay mula sa kinatatayuan nito.
Unti unting tumila ang ulan. The color of dark blue and blue aroused around us. The sound of bird chirping can be heard. The rain was gonr but our pain is still there. Still not stopping.
"What the hell?" Mula sa kinatatayuan ay nakita ko ang mga kaibigan kong basang basa ng ulan ay lumalapit at nakapabilog kay Rhona, Carmela, Cristina at Sunshine.
Naiiyak at humahangos na lumapit si Carmela kay Sunshine ngunit naunahan ito ni Cristina at agad na sinaksak ang bunganga ni Sunshine.
Napapikit ako ng mata ko nang tumalsik ang dugo papunta sa direksyon. Kaniya kaniyang reaksyon ang mga kaibigan.
Hindi nila kayang matanggap nasa harap namin mismo pinatay ang kaibigan namin na pinatay ng kaibigan namin.
"C-carmela." Nauutal na sambit ni Deb. Umiiyak ito habang nakatingin sa kalunos lunos na kalagayan ni Sunshine.
"Oops! Date Canceled!" Sabay halakhak ni Rhona.
She isn't a killer. She is a a monster. A demon.
"Do you know what a swift bird means?" Wala sa sariling sambit ni Carmela habang umiiyak na nakatingin sa katawan ni Sunshine.
"Swift means rising towards the sun which symbolizes hope." Hagulgol at ang palahaw ni Carmela ang tanging naririnig namin sa araw na ito.
"Bakit mo ba ginagawa to? Rhona bakit?!" Pagsisigaw ni Carmela habang yakap yakap ang walang buhay na katawan ni Sunshine.
"No. I'm not Rhona." Nakangiting sambit ni Rhona.
She's not Rhona?! Pinaglalaruan ba kami ng babaeng to? E kitang kita namin ang pagmumukha niya e.
"Cuz' you're Naña." Natigilan kaming lahat dahil sa biglang pagsalita ni Deb.
Wala kaming nakitang takot sa mukha nito kundi ang determinasyon na masabi ang katotohanan.
Ang katotohanan na walang kasiguraduhan kung maririnig pa ba namin.
©softieparanoia

BINABASA MO ANG
When The Clock Strikes at 12✔
Mystery / ThrillerWhen The Clock Strikes at 12 you need to hide or else you'll beg for your life.