#WTCSA12
Too much danger.Aju
"Tulong!!!!!!!"
Minsan ba naisip niyo din ba sa sarili niyo na ang buhay niyo ay nasa panganib? Iyong tipong wala ka nang magagawa kundi hayaan na lang ang sarili mong mamatay?
Takot at kaba ang namayani sa puso ko ngayon. Wala akong maisip kundi iligtas ang sarili ko mula sa kapahamakan.
"Aju!"
Nakita ko mula sa malayo sina Jc, Raymundo, Neil at Asher na nanakbo papunta sa direksyon.
"Huwag kayong lumapit!"
Kahit na gusto kong iligtas ang sarili ko hindi ko pa din hahayaang may masaktan at mawala dahil sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Bakit ba sa tuwing hinahanap kami ay ako palagi ang napapahamak. Bunalik sa isipan ko ang nangyari nung nawala si Alex.
Pero hindi yun ang kailangan kong isipin ngayon. May nakapulupot na kadena sa kapareho kong paa at ang payaso ay nakatayo lamang at nakahawak sa dulo ng kadena habang ay malaya naman niya kamay ay may hawak na palakol.
Alam ko na kung bakit hindi siya gumagalaw. Dahil sa oras pumunta sa direksyon ko sina Raymundo ay makakuha siya ng tsansa na patayin sina Raymundo.
"Huwag kayong lumapit. Parang awa niyo na! Kahit na anong gawin niya sa akin ay wag kayong lumapit!" Sigaw ko at pilit na tinatagan ang sarili ko kahit na nanginginig na ako sa takot.
Tumigil sina Raymundo sa pagtatakbo at tumingin sila sa akin na nag-alala pero ngumiti ako sa kanila.
Malamig pero pinagpapawisan ako. Kailangan kong gumawa ng paraan. Mabuti nang ako- isa lang ang mawala kesa sa apat sila ang patayin ng payaso na hawak ako.
Naramdaman ko ang pag-angat ng paa ko dahilan para mabitawan ko ang scalpel na kanina ko pa hawak. Mukhang nakuha ng payaso ang ibig kong sabihin. Ibig kong sabihin na nakuha ko ang pinaplano nito.
Bigla kong naalala si Deborah. Dahil nasa harap ko lang ang manhole at bukas ito ay ginawa ko ang makakaya kong sumilip doon.
"D-deborah. T-tulong." Sabi ko sa mahinang boses.
Too insane right? Deborah and Shioree was supposed to be helped by us but the tables turned. It is our time to ask help from them who also needs help.
Pinasok ko ang isa kong kamay sa loob ng manhole. Hindi ko nakikita ang loob ng manhole dahil hindi ko maabot ito at dalawang dangkal ata ang layo ko sa manhole kaya ang kanang kamay ko lang napasok ko.
Nagulat na lamang ako ng may naramdaman akong may humawak ng kamay ko at parang may binibigay ito kaya ginawa ko ang makakaya kong kunin ito.
Nang maramdaman ko ito ay mabigat ito pero sapat na para hawakan ito ng isa kong kamay.
"Are we late?" Natigilan ako kung saan ako nakadapa nang marinig ko ang boses ng Queen.
Nang tumingin ako sa kaliwa ko kung saan ay puro puno na-- No gubat pala ay nakita ko sina Mikee, Jed at Queen.
Naramdaman ko ang pagkaluwag ng pagkapulupot sa paa at nahanap ako ng tyempo para umikot mula sa pagkadapa at wala akong sinayang na oras para iputok ang baril na hawak ko sa direksyon ng payaso.
Narinig kong umungol ito at nakita kong dumugo ang kaliwang balikat nito.
Dali-dali akong tumayo pero dahil nakalimutan kong nasa harap ko lang pala ang manhole ay nahulog ako dito.

BINABASA MO ANG
When The Clock Strikes at 12✔
Mystery / ThrillerWhen The Clock Strikes at 12 you need to hide or else you'll beg for your life.