#WTCSA12
Finding Deborah and ShioreeAju
For the second time may nawawala na naman na kaibigan namin.
While we are all busy worrying about Carmela on the stage we didn't even notice that Deborah and Shioree are gone.
Gone to danger.
Alam namin ang mangyayari sa kanila. Dahil sa oras na nawala sila maaring kamatayan ang maghihintay sa kanila at magaya sila kay Alex na muntikan nang mamatay sa loob ng kabaong.
Si Raymundo muli ang nagpaplano ng plano at ano ang gagawin namin. Nababahala kami dahil alas onse na at maaaring pumatak ang alas dose at mas lalong nasa delubyo ang buhay namin.
"Nasaan si Queen?" Kunot noong tanong ni Carmela na nakaupo pa din sa higaan.
Lahat kami ay nagpanic ng nagsisigaw sina Cherry, Jed at Queen. Hindi namin alam kung bakit ganoon ang reaksiyon nang makitang nakatali at nakaupo si Carms sa isang upuan na gawa sa kahoy.
Kung ako ay magpapanic din naman ako dahil napa weird naman ng surprise kung ganon. Hindi ko sila masisi. But the weird thing is why Carmela is seeing dead people? No, scratch that. Only our dead friends. Bakit nga ba sila nagpapakita kay Carmela at sa kaniya pa talaga humingi ng tulong?
Sino ba si Midnight na sinasabi ng MC kanina? Ano ang balak niya at bakit niya binuhusan ng pulang pinta o kung ano man iyon si Carmela? Bakit ganoon ang reaksyon ni Carmela?
Maraming tanong tungkol sa katauhan ni Carmela ngunit hindi ko alam kung saan ako hahanap ng sagot o masasagutan pa nga ba ito.
"Habang tulog ka kanina may tumawag kay Queen mukhang emergency kaya hinayaan na siya namin." Sagot ni Alex at inayos ang hinihigaan ni Carmela.
"Please hanapin niyo sina Deborah at Shioree. Please?"
Awang-awa ako ngayon sa sitwasyon ni Carmela. Sa grupo namin siya ang pinaka na aapektuhan.
"Ako, Asher, Neil, Jc at Aju ang hahanap sa dalawa nating kaibigan. Rhona, Jed at Mikee magreport kayo sa Police na mas nakakataas sa posisyon niyo pagkatapos ay maghanap na din kayo pero ikaw Rhona maiiwan ka dito sa Infirmary. The rest bantayan niyo si Carmela sa bahay niya. Kung may kahina-hinala mang nangyayari sa paligid niyo ay tawagan niyo agad sina Jed. Clear?" Mahabang lintanya ni Raymundo at wala naman kaming nagawa kundi tumango.
"Kapag sumapit ang alas dose ng hatinggabi ay wag na wag kayong lumabas sa bahay ni Carmela. Ano man ang mangyari." Utos ni Jed bago tuluyang lumabas kasama sina Rhona at Mikee.
Hindi ko alam kung bat ba laging nawawala ang kaibigan namin ay ako ang sinasama ni Raymundo. Kung hindi lang talaga to para sa kaibigan namin ay kanina pa ako nagpaiwan dito.
Pero wala e. Masyadong delikado at komplikado ang buhay namin. Buhay ang usapan dito. Hindi namin alam kung sino ang kalaban. Nakilala na ba namin o hindi? O baka isa sa amin ang mamatay tao?
Napabuntong hininga ako at sumunod sa yapak ni Raymundo kasama sina Neil, Asher at Jc.
Kumunot naman ang noo ko nang matantong hindi kami papunta sa gate sa halip ay lumiko kami at pumunta sa stock room ng skwelahan.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Jc.
Hindi sumagot si Raymundo at tahimik nitong tinulak ang pinto.
Madilim. Mabaho. Maalikabok.
Pinaandar ni Raymundo ang flashlight niya at pumasok sa loob. Wala kaking nagawa kundi buksan din ang flashlight ng mga cellphone namin at sumunod sa kaniya. Ano ba kasi ang trip niya sa kaniyang buhay.

BINABASA MO ANG
When The Clock Strikes at 12✔
Mystery / ThrillerWhen The Clock Strikes at 12 you need to hide or else you'll beg for your life.