Back
UMALIS na si Nanay Selsa upang maghanda ng pagkain nila ng bisita nito ngunit nanatili naman ang apo nito sa harap nya habang matiim na nakatitig sakanya.
She don't know how to react.
Para syang napako sa kinatatayuan nya.
Here he is again, The guy she don't want to see nor heard of.
"How are you? It's been a while."He said without breaking the eye contact between them. Matiim parin itong nakatitig sakanya na parang pinag-aaralan ang mukha nya hanggang sa bumaba iyon sa medyo litaw nyang dibdib pababa sa patag nyang tiyan.
"My children is so lovely. I saw them."He said while looking intently at her.
Wala syang mahanap na salita para sabihing dito.
"I-i know."Yun nalang ang naisagot nya bago ito nagmamadaling iniwan. Agad syang pumasok sa kwarto nilang mag-iina bago inilock ang pinto.
Tuloy parin sa pagtibok ng malakas ang puso nya.
Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging apo ni Nanay Selsa ay naging ito pa!?
Napahawak nalamang sya sa kanyang dibdib bago mariing pumikit.
Balak ba nitong kunin ang mga anak nya kaya ito nandito?
She instantly shook her head.
She won't let him then!
But maybe she's just overthinking it? Is she?
Baka naman sadyang binibisita lang talaga nito si Nanay Selsa dahil apo naman sya nito.
Baka nga hindi rin nito alam na nandito sya?
Sino nga bang niloko nya? Syempre alam nito. Makapangyarihan itong tao. Imposibleng hindi nito alam kung nasaan sila. Sa dami ba naman ng pera nito? Well, Kung sadyang hindi nga sila nito pinahanap ng mga anak nya ay hindi talaga nito malalaman kung nasaan sila.
Ngunit base sa pagkakakita nya rito kanina ay hindi ito kakikitaan ng pagkagulat matapos syang makita.
Could it be that Nanay Selsa told him that she's with her?
But no, the woman aren't even aware about their past relationship.
A few knocks from the door woke her up from her deep thoughts.
Nanginginig ang kamay nyang binuksan ang pinto habang piping dumadasal na sana ay hindi iyon si lewis. Na sana ay umuwi na ito.
"Hija."Agad syang nakahinga ng maluwag ng bumungad sakanya si Nanay Selsa. Hindi nya alam kung bakit nga ba sya kinakabahan na makita si lewis. Para saan nga ba?
Pakiramdam nya ay may atraso sya rito. At dahil iyon sa pagsagot nya kay Dale. Pero wala namang masama diba? Hiwalay na sila bago sya lumayo rito kaya hindi sya pupwedeng paratangan bilang cheater.
"Nag-alala naman ako sayo kasi nakalock ang pinto mo. Sanay naman akong hindi ka nagla lock."Ani ng matanda.
"Ah kaya po pala. Ano po kasi... Trip ko lang."kimi sya ritong ngumiti.
"O sige sya at kumain ka na muna, Nagluto ang apo kong si Zest."Parang bigla ay tumalbog nanaman ang tanga nyang puso matapos lamang makinig ang pangalan nito.
Medyo nadismaya sya dahil hindi pa pala ito nakakaalis. Pero may hindi rin maipaliwanag na saya dahil dun.
"Sige po susunod na po ako."Nginitian nya muna ito. Balak nya munang i breast feed ang mga anak nya dahil paniguradong gutom na ang mga ito.
"Nagpaalam din sakin si Zest na dito daw muna sya mananatili ng mga ilang araw. Naninibago nga ako doon sa apo kong iyon. Noon naman kung dumalaw sakin yun ay hindi manlang inaabot ng isang oras, ngayon naman ang gusto ay ilang araw na."Natutuwa nitong sabi bago nagpaalam sakanya na bababa na raw ito.
Para namang tinambol ang puso nya.
Nanginginig ang kamay na isinara nya ang pinto at nagtungo sa mga anak nya na kanina pa gising at patawa-tawa manlang dahil sa hindi nanaman nya alam na dahilan. Mukhang ang kambal lamang ang tanging nagkakaintindihan.
Matapos nyang padedehin si death ay si sunny naman ang kanyang isinunod. Napasulyap sya sa matatabang pisngi ng kanyang kambal.
Ang dalawang ito, Ilang buwan palamang ngunit ang tataba na at parang mga nasa dalawang taon na agad kung titignan dahil sa kasibaan sa gatas.
May pinagmanahan.
Agad nyang sinaway ang sarili ng pumasok ang imahe ni Lewis sa isip nya.
Kung mananatili nga ito ng ilang araw dito ay papaano nya ito pakikisamahan?
Parang ayaw na nga rin nyang bumaba dahil alam nyang nandoon ito at naghihintay. Ayaw nyang makita uli ito dahil nagugulo nanaman ang matagal na nyang nananahimik na sistema.
Siguro magpapakagutom nalang sya wag lang itong makita. O pwede ding pag tulog na mamaya ang lahat ng tao ay tsaka na lamang sya bababa upang kumain. Siguro naman ay may matitira pa ang mga ito.
Pero ng pumasok muli sa isip nya ang tungkol sa ilang araw na pananatili rito ni Lewis ay agad syang napaisip.
Hindi ba ito nag-iisip at talagang sa bahay pa ni Dale na syang kalaban nito ito mananatili? Ni hindi ba manlang ito nababahala?
Lumalapit lang ito sa disgrasya.
Muli ay natauhan nanaman sya dahil sa sunod-sunod na katok. Marahil ay si Nanay Selsa iyon. Natagalan kaya bumalik.
Ngunit ang pag-aakala nya ay agad nyang napatunayan na mali. Napaawang ang labi nya ng bumungad sakanya si Lewis na halos magbuhol na ang kilay sa kakakunot habang nakatitig sakanya.
"What took you so long?"Iritable nitong tanong bago napasulyap sa mga anak nila dahilan upang lumambot ang ekspresyon nito ngunit ng bumalik iyon sa kanya ay muli itong bumusangot.
Hindi nya namalayan na matagal na pala sya ritong nakatitig.
Sa ilang buwan na hindi nya ito nakita ay masasabi nyang mas nag matured ito. Mas gumwapo at mas lumapad ang katawan. Ngunit mas bumangis ang feature ng mukha nito na syang mas nakadagdag naman sa kagandahan nitong lalaki.
He became hotter.
Ilang buwan narin pala mula noong masakit na gabi na nangyari sakanila. Ayaw na nyang maalala pa.
Masasabi nyang nung mga nagdaang buwan rin mula noon ay nagmature din sya kahit papaano.
A soft thing touched her lips na syang nakapagpagising sakanya.
Lewis kissed her!
Nanlalaki ang mata nyang tumingin rito.
"Why? You're looking at my lips so i assumed that you might want to kiss it."May ngisi sa labi nitong sabi bago kanda takbo na nawala sa harap nya bago pa man nya masampal ang peste.
Napailing-iling na lamang sya bago padabog na sumunod rito.
Ang bwisit na yun!
COMMENT,VOTE
BINABASA MO ANG
My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1 (COMPLETED)✓
Romance(COMPLETED) [WARNING: R-18 MATURE CONTENT] It all started with a simple one night stand and later on she found out that the guy she slept with is the one who'll be her new boss Making her simple life and heart into chaos ---- Imarra Celestine is j...