Run away
SHE woke up in the same room. The room where she woke up last time.
Muli, Inilibot nya ang paningin sa paligid. Nandito nanaman pala uli sya.
Ipinilig nya ang ulo bago bumaba muli sa mataas na queen size bed.
There's no one.
Tatakas nanaman ba sya muli?
Syempre naman!
Hindi pu-pwedeng manatili pa sya rito dahil hindi naman nya kilala ang estranghero na iyon.
Malay ba naman nya kung masamang tao pala iyon.
Pero alam nyang kilala nito si Lewis.
Ng marating nya ang pinto ay marahan nyang pinihit ang seradula. Magagaang mga hakbang lamang ang ginawa nya upang hindi makalikha ng malakas na ingay.
Maganda ang design ng Mansion na ito pero mas malaki ang kay lewis.
Masasabi nyang mayaman talaga ang Estrangherong iyon pero kailangan na muna nyang tumakas ngayon bago pa sya mahuli nito.
Tahimik syang nagpalibot-libot upang mahanap ang labasan ngunit halos mapatalon sya ng biglang may magsalita sa bandang likuran nya.
"Tsk You're escaping again? Aren't you tired yet?"Nanlalaki ang matang nilingon nya iyon at bumungad sakanya ang gwapo nitong mukha.
Oh shoot!
Matagal sya nitong tinitigan gamit ang matiim nitong mga tingin dahilan upang mailang sya.
"A-Ahm s-saan ang kusina mo rito? Nagugutom na kasi a-ako."Hindi nya alam kung bakit sa rami ng pwede nyang masabi ay iyon pa talaga.
"Stay in your room. I'll get you food myself. Rest. That's all you have to do."Matapos nitong sabihin iyon ay nagmamadali na itong iniwan sya ni hindi na rin nya nagawa pang magsalita.
Ano kayang nangyayari dun at parang masyado namang nagmamadali.
Pero mukhang mabait naman ito.
Ganon ba talaga ang mga kidnappers?
Nararamdaman nyang hindi sya nito sasaktan. Kung ganon mananatili nga ba sya dito?
Pero delikado parin ang buhay nila ng anak nya rito dahil bali-baliktarin man ang mundo ay Estranghero parin ito para sakanya.
Ngunit kung tatakas man sya ngayon ay baka muli nanaman sya nitong mahuli at baka tuluyan na syang mayari rito. Mabuti na nga lang at wala itong ginawang masama sa kanya kanina ng mahuli sya nitong tumatakas. Instead kinuhaan pa sya ng pagkain.
Lihim nalang syang napangiti ng maalalang kikuhanan nga pala sya nito ngayon ng pagkain. Mukhang may itinatago nga talaga itong bait.
Walang magawang sinunod nalamang nya ang sinabi nito.
Ng makabalik sya sa silid kung saan sya nagising kanina ay marahan syang naupo bago ilibot ang paningin upang i-appreciate ang silid.
Maganda ang silid dahil para itong pinaghandaan. Puno ng ginto na para bang isang reyna ang magkukwarto rito.
Muli ay nagbalik sa kanyang alaala ang huling naging pag-uusap nila ni Lewis.
Pakiramdam nya ay biglang parang ang bigat-bigat ng dibdib nya. Daig pa nya ang pasan-pasan ang mundo.
Marahan syang nahiga sa malambot na higaan bago ipikit ang mga mata.
Siguro nga talaga ay hindi sya minahal ni lewis.
BINABASA MO ANG
My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1 (COMPLETED)✓
Romance(COMPLETED) [WARNING: R-18 MATURE CONTENT] It all started with a simple one night stand and later on she found out that the guy she slept with is the one who'll be her new boss Making her simple life and heart into chaos ---- Imarra Celestine is j...