Chapter.32

2.2K 50 20
                                    

It's okay

"PWEDE bang ikaw na muna ang maghugas ng pinggan hija? Masakit kasi ang kamay ko."Tanong ni Nanay Selsa matapos nilang kumain.

Agad naman syang tumango. Noon kasi tuwing magpiprisinta syang maghugas ay senesermonan lamang sya ng matanda dahil kaya naman daw nito, Masyado daw syang paranoid pero hindi naman sa ganon. Sadyang nag-aalala lang sya na pakilusin ito masyado dahil may katandaan na rin ito.

"Hala at tulungan mo si Celestine doon Zest at kukuhanin ko lang muna sila sunny."Walang imik naman na tumango ang binata na nasa harapan lamang nya na tutok na tutok parin sakanya ang tingin. Kinakabahan tuloy sya dahil sa matiim nitong mga tingin.

Bakit ba kasi ito tingin ng tingin?

Mamaya ay tuluyan ng maghinala si Nanay Selsa dahil dito.

Agad ng umakyat ang matanda kasunod si Lukas sa itaas. Naiwan naman silang dalawa ni Lewis sa mesa. 

Ito nanaman ang panginginig ng katawan nya dahil lang sa nasa malapit ito.

Ano bang nangyayari sakanya? Matagal na silang tapos kaya dapat ay wala na rin ang epekto nitong ito sakanya.

Hindi na sya naglakas pa ng loob na tapunan ito ng tingin ni isang beses hanggang sa madala nya ang mga plato sa kusina tahimik naman itong sumunod sakanya.

"A-Ah kahit hindi ka na tumulong. Kaya ko naman na to. Magpahinga ka nalang muna."

"No, I insist."He said as he looked intently at her. "You changed a lot. You look lovelier."He run down his gaze upon her neck. "I missed the feeling of my face being buried on that delicate neck of yours."His eyes darkened dahilan upang mapalayo sya rito. Sa tagal ng pinagsamahan nila ay alam na agad nya ang ibig sabihin sa tuwing nagdidilim ang mata nito.

"S-sige tulungan mo na ko dito L-Lewis."Pagbabago nya sa usapan and she think she succeed ng magpakurap-kurap ito.

"You call me by my name."Nangunot naman ang noo nya dahil sa ibinulong nito sa sarili.

Ano namang nakakagulat doon?

"C-can you call me that way again?"Nagtataka man ay sumunod nalang sya upang manahimik na ito.

"Lewis."

"Damn, My name still sounds good even more whenever it's you who's saying it."Napasimangot nalang sya dahil sa pambobola nito.

"Halika na nga lang at tulungan mo nalang ako dito ang dami mo pang sinasabi dyan na kung ano."Walang reklamo naman sya nitong sinunod dahilan upang lihim syang mapangiti. Mukhang mas naging masunurin nga ito nitong mga nagdaang buwan.

Ganon nalang ang tili nya ng kamuntik na syang madulas dahil sa hindi nya napansing pumatak na sebo sa sahig mabuti nalamang at nahawakan sya ni Lewis. Iiling-iling pa ito bago sya maingat na inalalayan.

"Be careful next time."

"S-Salamat."She felt her heart skip a beat when she realized how close his face to hers.

Pasimple syang lumayo rito bago pinunasan ang lintek na sebo na syang dahilan ng kamuntikan nyang pagkakadulas.

Tuloy parin sa mabilis na pagtibok ang puso nya dahilan upang hindi sya mapakali sa takot na baka marinig iyon ni Lewis.

Lalo lamang syang kinabahan ng hawakan ni Lewis ang kamay nyang may sabon bago iyon pinatuluan ng tubig sa gripo at kinuskos na parang hinuhugasan.

Teka nga at bakit nga ba kamay na nya ang hinuhugasan nito at hindi ang plato?

Kunot ang noo nya itong tinignan ngunit ni hindi manlang sya nilingon nito habang focus ito sa ginagawang pag huhugas sa kamay nya.

"Bakit mo hinuhugasan ang kamay ko?"

My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon