Chapter.43

1.8K 42 20
                                    

Living together

HINDI na rin talaga umalis pa si Maxine sa bahay nila. Nakalipas na ang tatlong araw. Hinayaan nalamang ito ng mama nya dahil sa buntis ito at kaylangan rin ng makakasama. Maging sya ay ganun din naman ang gagawin pag nagkataon pero kahit pinayagan ng mama nya na tumira ito sakanila ay medyo sinusingutan pa rin nito ang babae maging sya naman ngunit mas nangunguna sakanya ang pag-intindi.

Nanatili syang walang imik kay Lewis sa tuwig susubukan sya nitong kausapin. Sadyang hindi talaga ito kaagad sumusuko tulad ngayon na naglalakad nanaman ito palapit sakanya habang karga si Death.

"Baby please.. Let's talk."Nagkunwari syang walang narinig at tumungo nalamang sa kanyang kapatid na papalapit narin sakanila habang may seryosong mukha parin. Katabi nito ang lalaking napangasawa na masasabi nyang mabait naman. Ilang araw din ang nagdaan na napapadalas ang pagdadala ng papa nila kay Miracle kaya medyo nasanay na ito. Lagi itong inaalalayan ng asawa nito. Nabalitaan din nyang may magandang balita tungkol sa kalagayan nito. Posible pa itong gumaling at makalakad muli.

"Kumain na ba kayo?"Tanong nya sa mag-asawa. Naramdaman nyang tumabi sa kanya si Lewis. Panigurado ay bababa narin mamaya si Maxine mula sa silid nito.

"Kakatapos lang rin namin. Pinakain kami ni tita Elaine kanina."Nakangiting sabi ng asawa ni Miracle. She felt Lewis's hand snake around her waist.

"You're husband?"He kindly asked. Miracle remain quiet.

"Yes--"

"No."Tanggi nya dahil totoo namang hindi pa sila kasal. Magnobyo't mag nobya pa lamang sila at hindi nya na alam base sa estado nila ngayon.

She felt his hand on her waist tightened.

"Excuse us. We'll just have to talk some important matter. Nice to meet you."Mariin ang pagkakatikom ng labi ni Lewis at hindi na sya nakasagot pa dahil inakay na sya nito palayo. Hindi naman sya nito kinaladkad dahil kung tutuusin ay kahit mukhang masama ang timpla ng mood nito ngayon ay hindi parin nawawala ang pagiging maingat nito sakanya na mukhang nakasanayan na talaga nito. Never naman sya nitong nasaktan sa pamamagitan ng pwersa nito dahil konting lagnat nga lang ay agad-agad na sya nitong isinusugod sa hospital at halos ideretso na sa emergency room. Ganon ito kaingat sakanya at sadyang desisyon na nya talaga ang magpahila nalang ng kusa.

"Ano bang gusto mong sabihin Lewis? What do you want to talk about?"

"About us! And why didn't you just let me tell that guy that we're already married?"She shook her head at him.

"I ain't a liar Lewis."

"Still you should have let me tell it instead."

Nangunot ang noo nya.

"What's this all about really? What is this even became a big deal?"Hindi nya lang talaga malaman kung ano bang kinaiinis nito. Totoo namang hindi sila kasal diba?

"Because i just want him to know that he can no longer smile at you like that because you're already married."

"It's just his nature to smile Lewis. He usually smile at everyone what's wrong with that?"Naguguluhan na talaga sya sa lalaking ito.

"That's wrong for me. I don't want him smiling at you that big."

"Then give me a reason why he can't do that."Hindi nya alam kung naitanong nya pa yun.

"Because... I'm jealous.."

"Then you better stop that jealousy as much as possible. You can't be always jealous in every guy okay? That's way too irrational."Naiinis nyang sabi rito. Masama naman syang nagseselos ito dahil ibig sabihin ay mahal talaga sya nito ngunit may pait parin sa dibdib nya at kahit gusto nyang ipagsawalang bahala na lamang iyon ay hindi nya parin kaya.

"I don't care whether it's irrational or what. I'm jealous and that's it! Why don't you just marry me so i can be at ease?"Parang dinaga naman ang puso nya dahil sa sinabi nito. Kasal daw? Ngunit ng maalala ang kasalukuyang sitwasyon ay agad nyang ikinalma ang sarili at bumalik na lamang sa pagiging tahimik at seryoso.

"With this situation? We can't marry each other this time. We still have to fix things up. Especially marriage is something we should be thinking a hundred times before we do. Who knows maybe you're still unsure about me and so do i?"Pain registered in his handsome face.

"So that explained everything. Of course I'm hella sure about you but seems like it's you who's unsure about me."

Kinabahan naman sya. Bakit ba kasi hindi nya muna inisip ang sasabihin bago ito sinabi?

"No it's not what i mean..."

"Nah,It's okay."Kinabahan sya ng umalis na ito sa harap nya. Nasasaktan sya dahil alam nyang nasaktan nya ito hindi man nya ginusto. Iniisip nya rin na baka kagaya noon na dahil nasaktan nya ito ay kay Maxine uli ito pumunta. Alam nyang hindi iyon magagawa sakanya ni Lewis dahil may tiwala sya rito ngunit hindi nya parin maiwasan ang mag-alala at matakot. Natatakot lang naman sya na baka maulit nanaman iyon.

Sinubukan nyang hanapin si Lewis sa buong bahay ngunit hindi na nya ito nakita pa. Mabigat ang puso at lutang ang isip syang pumunta sa Garden at naabutan duon ang nanay nya at si Maxine. Tahimik syang nagtago muna sa gilid upang hindi makaistorbo sa dalawa.

Nakita nyang tumaas ang Kilay ng mama nya rito ngunit nanatili paring tahimik. Nagdidilig ang mama nya ng halaman habang ito ay nakaupo lamang at kumakain.

Agad na syang pumasok sa eksena dahil baka tuluyan na itong awayin ng mama nya dahil sa medyo inis ito rito.

"Have you seen Lewis?"Tanong ni Maxine sakanya.

"Bakit mo sya hinahanap?"Singit ng mama nya.

"Of course he's the father of my child so i have the right to know where my child's dad at."Sabi nito bago sya nilingon.

Tama. Anak din naman ni Lewis ang dinadala nito kaya may karapatan rin ito. Tama lang rin naman yata ang ginawa nyang pag tanggi sa gusto ni Lewis dahil sa ganito kakomplekadong sitwasyon ay hindi nila pwedeng isabay ang ganoong mga bagay.

Kaylangan muna nilang mapag-usapan at ayusin ang gulong ito bago ang kung ano pa man.

Tahimik syang pumanhik sa loob habang malalim ang iniisip tungkol sa kanilang mga problema at kung paano nila iyon sabay na malalampasan pero bago yun ay Kaylangan nya munang malaman kung nasaan ba si Lewis ngayon.

-To be continue

Vote and comment will be appreciated by the author.














My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon