Chapter.12

3.6K 78 12
                                    

Pregnant

MGa ilang oras lang ay nakarating na sila sa mansion ng wala namang nangyayari na kahit ano kaya grabe ang pagpapasalamat nya sa diyos.

Balak pa sana syang kargahin ni lewis papasok ngunit hindi na sya pumayag pa dahil natataranta na nga sya sa labis na pagduguro ng sugat nito ngunit ang lalaki ay gusto pang buhatin sya.

Inalalayan nya ito papasok ng bahay. Nakaakbay ang isa nitong kamay sa balikat nya. Nakikita nya ang labis na pamumutla ng mga labi ng binata ng makapasok sila.

"I'm glad that nothing happened to you little girl.."He said before losing consciousness. To her surprise napahiga pa ito sa sahig. Nagkalat na din pala ang mantsa ng dugo nito sa sahig dahilan upang maging sya ay manghina. Hindi na nya alam ang gagawin. Puno ng dugo ang puti nitong long sleeve agad naman syang tinulungan ng mga tauhan nito na kasama ang girlfriend ni lewis na sumalubong sakanila ng makapasok sila sa mansion.

Nilukob ng takot ang buong sistema nya ng makita ang babae na galit na galit ang itsura at tulad nya ay basa rin ng luha ang mukha nito.

Isang malakas na sampal ang isinalubong nito sa kanya habang may nanlilisik na tingin.

"How dare you!You're too shameless! Zest wouldn't be injured if not for you.. I-i told him not to go because he was shot but he was too stubborn saying he have to find you!What kind of woman are you?! You seduced him didn't you? Don't you know how to respect relationship huh!? Slut!"

Hindi na sya nakasagot pa at nanatili nalang syang nakayuko habang palihim na lumuluha. May point naman kasi talaga ito e. Bakit nga ba naman kasi nya nagawang pumatol sa lalaking may girlfriend na? Pero hindi naman kasi nya talaga alam na may girlfriend ito at hindi nya rin ito nilandi. Everyone knows how much she tried to keep their relationship as boss and employee. Only god knows how much she tried her best.

Pero sa ngayon ay ang kapakanan muna ni Lewis bago ang lahat.

"It's all your fault!"Tili nito.

"Don't shout at her."Isang kalmado ngunit malamig at mapanganib na boses ang pumukaw sa kanilang lahat.

It's lewis na mukhang nagising dahil sa ingay. Duon narin mismo ito ginamot sa mismong pwesto nito kanina dahil emergency na at baka maubusan pa ito ng dugo kung dadalhin pa sa ospital. Mabuti nalang at may private doctor pala ang pamilya ng mga ito.

"Come here."He softly said before patting his leg.

"It's alright sit here."Nag-aalangan man ay napilitan parin syang lumapit. Nag-aalala lang talaga sya dito dahil bawal itong mastress dahilan kung bakit ayaw nyang suwayin ito.

Nanghihingi ng pasensya syang napatingin sa girlfriend nito na inirapan lamang sya at ibinaling na ang tingin sa malayo. Marahil upang hindi sila makita dahil paniguradong masakit iyon sa part nito. Kahit naman sya ganon rin ang magiging reaksyon pag nagkataon. Hindi nya naman maintindihan si lewis kung bakit nito iyon ginagawa. Hindi ba dapat ay ang kasintahan nito ang palapitin at hindi sya? Ayaw nyang makasira ng relasyon pero hindi nya rin naman kaya na makita itong may yakap na kahit na sinong babae... Kahit pa wala syang karapatan.

Ng makaupo sya sa binti nito ay isinuksok nito ang ulo sa leeg nya at mariing ipinikit ang mata habang patuloy parin ang doctor sa pagtatahi ng sugat sa likod nito.

My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon