Chapter.8

4.5K 72 34
                                    

Still try to look for others?

TAHIMIK lamang sya habang binabaybay nila ang daan sakay ng sasakyan ng boss nya. Nagpasya na syang tigilan ang pagtawag dito sa pangalan nito dahil hindi naman tama iyon. Sapat ng sa bahay sya nito nakatira at dahil lang iyon sa upang mas mapadali ang mga i-uutos nito at mas tataasan pa daw nito ang sweldo nya. Yun lang ang dahilan nya at wala ng iba pa.

Her boss often look at her direction as if he's worried about something and she has no plan of finding whatever reason he has.

"You're too quiet.. Did i do something wrong?"He ask worriedly.

Ano naman ngayon dito kung may nagawa itong mali? She's just his mere assistant so why does he looks so bothered?

But since she don't want to entertain any silly thoughts or even assume anything she'll just think that maybe.. He's just worried because she's his p.a and she might make mistake if she's distracted about something.  

"I'm not.. I'm just not feeling well today."Tapos ay hindi na muli pa syang nagsalita dahil bilang p.a nito ang mga itatanong lang nito ang dapat nyang sagutin at wala ng iba pa. It's her only way to keep their distance and so.. She can finally stop herself from assuming.

Ngunit ganon nalang ang gulat nya ng umiba ito ng daan. Nakakunot ang noo nya itong pinagmasdan ngunit nanatili paring walang imik. It's her boss at ang tanging kaylangan nya lang gawin ay ang trabaho nya kaya yun lang ang gagawin nya.

Ngunit nagtataka sya ng huminto sila sa Ospital at inalalayan pa sya nito pababa ngunit hindi parin sya umimik.

"Come on.. Don't worry i'll just have the doctors to check you up."Tapos ay basta nalang sya nitong binuhat na parang bagong kasal. Para namang nagkagugulo pa ang isip nya kaya hindi pa sya agad nakapag-react.

kaya ba sila nagpunta dito ay upang ipatingin sya?Nagsisimula na syang mainis rito. Paano ba nya maiiwasang mag-assume ng kung ano-ano kung ganito ang mga pinapakita nito?!

He's messing with mind! A-and her heart!

Paano ba sya makakaiwas rito kung ganito ito sa kanya? 

"Kaylangan pa ba talaga yun? kahit naman hindi na.."

"Stop being hardheaded anymore. You know that won't work on me."Naiinis nitong sabi kaya natahimik na lamang sya.

Masyado na ba syang nagiging makulit?

May parte sa kanya na ayaw itong nagagalit siguro dahil boss nya ito at ayaw nya lang na matanggalan ng trabaho.

Pinagtitinginan pa sila ng lahat ng pumasok sila dahilan upang mapayuko sya at kung nakakamatay lang ang sama ng tingin ay baka pinaglalamayan na sya ngayon dahil ang sasamang makatingin ng mga babae sa kanya na parang may ginawa syang hindi katanggap-tanggap. Napatago tuloy sya sa dibdib ng binata bago iyon pasimpleng sininghot. Ano kaya ang pabango nito?

Pag nalaman nya iyon ay talagang pag-iipunan nya gaano man kamahal mabili nya lang para naman di na nya kaylangang singhot-singhutin pa ang lalaki. Nakakahiya naman...

Baka mahuli pa sya pero sadyang nakakaadik lang talaga ang amoy ng panlalaki nitong pabango.

Ngunit ng sumilip uli sya ay nakita nyang mas sumama ang mukha ng mga babae kaya maluha-luha muli syang nagtago.

Bakit ba sila ganyan makatingin?huhuhu..

"Don't mind them little girl. I can make them lose their job if you want just say the word and i will make them regret looking at you this rudely."May diin nitong sabi. May ngisi sa labi nito bago nagpatuloy na sa paglalakad na para bang hindi nabibigatan sa kanya. Hindi nya naman alam kung bakit parang kumalma naman talaga sya dahil lang sa sinabi nito. Nagiging masama na ba sya?

My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon