chapter.38

1.8K 43 21
                                    

Fact



Time of death: 1:00 am

He disappeared. 

Umalpas na ito at ngayon ay malaya na. Eksaktong 1:00 ito ng binawi sakanila.

That's the time she'll hate for the rest of her life. Leo died in that certain time. The man who saved her. Utang nya rito ang buhay nya. Binigyan sya nito ng isa pang pagkakataon para makasama pa ang mga anak nya.

Kapalit pa man ang sarili nitong buhay.

Padaus-dos sya ng umupo sa sahig ng ospital habang tinitignan ang walang buhay na na katawan ni Leo. Wala naman itong ginawang iba kundi ang mahalin sya at bukod sa hindi na nga nya iyon nasuklian ay ito pa ang nangyari. Hindi ito deserve ni Leo.

Sya kaya? Deserve nya pa kayang sumaya? Sobrang daming tao na ang nasaktan ng dahil sa kanya kaya hindi nya maiwasang mapaisip kung talagang may karapatan pa ba syang sumaya.

"Hush everything's gonna be okay."Alo ni Dale sakanya.

Agad nyang iniangat ang tingin nya rito bago ito matatag na tinitigan.

"I want to go home."

"Alright we'll go home--"

"Sa bahay ni mama."Putol nya sa sinasabi nito. Nakapagdesisyon na sya. Uuwi lang muna sya ngayon sa mansion ni Dale para kunin ang kambal at isasama nya na ito sa bahay ng mama nya. Permanente na talaga ang pag-alis nila dahil matagal din naman syang nanatili sa bahay ni Dale at tiyak na mamimiss nya ng husto ang mansion na iyon.

"What?"Kunot noo nitong sabi.

"Dale i think kaylangan na naming umalis ng mga anak ko. It's not that i don't like the house it's just that i know it's the right thing to do. Hindi habang buhay pwedeng makitira kami sayo you know that right?"

"Yes i know that. It's just that i'm already used with you and the twins presence also i see the twins as my own child so for sure it'll be hard for me since i'll miss you all but i'll still respect your decision."

"Thank you."She mouthed. Dale helped her to stand up. Pakiramdam nya ay wala parin syang lakas dahil sa nangyari kanina. Ang pagkawala ni Leo. That gave her a big impact. Pakiramdam nya kanina ay para syang matutumba ng ianunsyo ng doktor na wala na ang lalaki. Napaka sakit nito para sakanya.

Bago nila nilisan ang ospital ay inayos muna lahat ni Dale ang mga dapat ayusin. Her heart broke when she looked at Leo's lifeless body for the last time. Napaka bigat ng bawat mga hakbang na ginawa nya at pakiramdam nya na sa bawat hakbang na iyon palayo mula sa taong nagsakripisyo at nag-alay ng buhay para sakanya ay para rin syang pinapatay.

Tulala sya habang tinatahak ng sasakyan ni Dale ang daan. Ang sasakyan nya ay maayos naman at nauna ng naiuwi ng isa sa mga tauhan ni Dale pabalik sa mansyon nito.

"I'm sorry for your loss."Basag ni Dale sa katahimikan. nanatiling sarado ang mga mata nya.

"I know you're tired. Take a little rest first."

"Thank you."She just said. Hindi na nya alam kung ano pang sasabihin dito. Mula sa pananakit nya sa puso nito dahil hindi matutuloy ang pinaplano nitong kasal. Oo at tinanggap na nga nito ang lahat pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na manlang ito nasasaktan. Alam nyang masakit ang damdamin nito dahil kahit hindi nya sabihin ay alam na pala nito, ramdam pala nito na si Lewis parin ang mahal nya at ito parin ang pinipili nya.

Luckily she fell asleep while they're on their way kaya't wala na silang masyadong napag-usapan. Mabuti na iyon dahil paniguradong magiging awkward lang sakanila at isa pa ay wala muna syang panahon para sa ganon ngayon. Labis nya pang dinaramdam ang pagkawala ni Leo.

Ng pumasok sila sa loob ay hindi naiwasan ng mga mata nya ang mga iyon na tila ba ay may hinahanap. Na guilty sya sa paninisi nya kay Lewis pero naniniwala parin sya na tama naman sya. Ng oras na pumasok ito sa Cr ay alam naman nito na engaged na sya kay Dale kaya dapat ay hindi nito ginawa ang bagay na iyon. May kasalanan din naman ito kaya nya nasabi iyon siguro nga ay tama lang talaga ang pagiging harsh nya.

O hindi?

Bigo syang makita ito. Wala na ito sa buong mansion. Hindi nya alam kung papaanong sa laki ng mansion na ito ay wala sa sariling naikot nya talaga ito at talagang pagod pa sya sa lagay na yun. Wala ito kaya't hindi manlang sya nakapagpaalam na aalis na sya kasama ang mga anak nila.

Tama na rin siguro na wala ito. Gusto nyang sa gagawin nyang pag-alis ay kasabay na niyon ang pag-iwan nya sa lahat ng kanyang mga masasakit na ala-ala. Kagaya nga ng sinabi nya na ang pagkamatay ni Leo ay nag-iwan ng malaking impact sakanya.

Gusto nyang sa pag-alis nya ay mag bagong buhay na sya kasama ang mama nya at mga anak. kakalimutan na nya lahat ito. Including Lewis.

Specially that night kung kelan namatay si Leo dahil sa pagliligtas sa kanya. Maging sya ay naguguluhan kung bakit nga ba ganon ang gusto nyang gawin pero sadyang gusto nya na lang talagang kalimutan ang lahat ng makapagpapaalala sakanya sa nangyari kay Leo.

"He's still not here. Aren't we going to wait for him to return? He's still unaware that you're leaving."Nag-aalalang tanong ni Dale sakanya but she just shook her head. Napabuntong hininga ang lalaki bago binuhat ang mga bagahe nya papasok ng sasakyan kasunod ang mga anak nya sa magkabilang braso nito. "Alright, Let's get going then hon."Napansin man nya ang sinabi nito ay hindi na nya pinansin. Mukhang nasanay lang yata ito sa tawag nito noon sakanya.

For the last time she glanced at the mansion before they drove away.

They stopped right in front of a minimalist house. Hindi ito ganon kalaki ngunit hindi rin ganon ka liit. Simple ito na may pagkaelegante. Moderno din at malinis. Puro naman din halaman kaya medyo fresh ang hangin na malalanghap doon. Relaxing ang paligid at parang napakapeaceful. Parang ang sarap tuloy mag meditate doon.

Ito nga ang bahay na ineregalo nya rito. Tulad ng inaasahan ay mas napaganda nga nito ang simpleng bahay at lupa na ibinigay nya. Nagmukha tuloy iyong may kaliitan pero elegante. Simple't elegante.

Mukhang peaceful at makanature ang vibes dito dahil puro green gawa ng mga halaman.

Tamang-tama nga lang ang pinili nya noon, parang para dito talaga ito. Kilala nya rin ang mama nya kaya ito talaga ang pinili nya para rito. 

May ngiti sa labi syang pumasok kasunod si Dale na buhat at nilalaro ang kambal.

Naabutan nila sa maliit na garden ang mama nya na nagdidilig. Himala at parang wala yata ang mga buntot nito na sila Marphy.

"Ma!"Parang biglang nagulat ang mama nya na kanina pa pala wala sa sarili. Mahina syang natawa sa itsura ng mama nya na parang gulat na gulat.

"Anak!"Masaya rin naman nitong bati ng matauhan. Nginitian nito si Dale bago kinuha ang isa sa mga apo nito.

"Buti naman at naisipan mo kong dalawin. Hulaan ko uuwi ka rin agad mamaya tama ba?"Medyo malungkot na tanong nito. Naglalambing nya itong inakbayan bago maya-maya ay parang batang yumakap dito.

"Hindi po ma. Dito na ako titira sayo."Nanlaki ang mata nito sa pinaghalong gulat at saya.

"Naku mabuti naman! Maraming salamat sa diyos."Malaki ang ngiti nitong turan. Maya-maya ay biglang may pamilyar na boses ang tumawag mula sa likuran nila.

"Papa.."Gulat nyang sabi bago nabura ang ngiti sa labi.

COMMENT,VOTE


My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon