This is where your journey ends...

4.7K 117 46
                                    

Tumunog ang maliit na bell sa pinto nang pumasok ako kaya nakuha ko ang atensyon ni Tita Baby. Binati nya ako at ganon din ako tapos ay mabilis nyang inihanda ang palagi kong binibili na bulaklak.

Binigay na nya ang dalawang basket ng bulaklak kaya nag-paalam na ako. It's been a year now since I started buying two baskets of flowers kaya kabisado na ni Tita Baby ang gusto ko. Dalawa na kasi ang pinag-bibigyan ko ngayon.

Pagka-rating ko sa sementeryo ay naabutan ko si Mama na nag-titirik na ng kandila kaya mabilis ko syang yinakap.

"Isang taon na rin pala." Malungkot nyang sabi.

Inilapag ko ang basket at nag-sindi rin ng kandila bago tumayo sa tabi ni Mama.

"I miss him. I miss his grumpiness. Nakaka-miss rin pala yung palagi nyang pag-sermon sa akin." Pabiro kong sabi kaya pareho kaming natawa.

"He's not perfect but he loves you, very much." Mahinang sabi ni Mama kaya tinignan ko sya at maliit na ngumiti.

"Mahal ko rin sya, Ma. He was the reason for who I am today." Sagot ko.

"He may not be perfect but he is still the best." Dagdag ko pa at narinig ko ang pag-iyak ni Mama kaya inakbayan ko sya at sinandal naman nya ang ulo nya sa akin habang pinipigilan ko ang sariling umiyak din.

"Muntik ko nang hindi kayanin ang pagka-wala nya. Lalo na't marami kaming hindi pagkaka-intindihan. I never even had the chance to say how much I love him." Iyak ni Mama so I rubbed his upper arm, hoping it can calm her.

"He knows you love him. He knows." Mahinang sabi ko.

Ilang minuto rin kaming tahimik ni Mama hanggang sa mag-paalam sya sa akin mauuna nang umuwi. I stayed for a few minutes then I went to Doreen.

"Hi there, princess." Mahinang bati ko nang ilapag ang bulaklak tapos at sinindihan ko na ang kandila bago umupo sa harapan ng puntod nya.

"Magkasama ba kayo dyan?" Tanong ko bago yinakap ang mga tuhod ko.

"I'm sure he is so happy kasi nakita at nakasama ka nya dyan." Dagdag ko pa.

"Pakisabi naman sa kanya na patawarin nya ako." Sabi ko pa makaraan ang ilang minuto. "How I wished I was there with him so please, princess, tell him I am sorry." Naiiyak kong sabi bago ko isinandal ang ulo ko sa mga tuhod ko.

I offered Doreen a little prayer before I decided to go home. I sighed when I went out of my car then I looked at my new home.

Ang hirap iwan ang condo unit namin dahil marami kaming alaala doon but like what I've said, they're memories so they stay in my mind and my heart.

I opened the front door and went straight to the kitchen. Inihanda ko na ang rekados para sa hapunan tapos ay nag-simula na akong mag-luto.

I was currently preparing the table when I heard a loud cry kaya kumunot ang noo ko bago mabilis na sinundan kung saan nanggagaling ang iyak.

Natigilan ako nang makita ang eksena.

Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinanuod ang pag-hele ni Danae sa anak namin. Mapupungay pa ang mga mata nya at halatang nagising lang sya sa iyak ng anak namin.

Hindi talaga ako mag-sasawang titigan si Danae habang hawak nya ang anak namin. This is her dream and it became my dream too and I feel extremely satisfied whenever I thought that we both achieved it.

Another cry made Danae jump so I stopped daydreaming and went towards the crib. Patuloy pa rin sa pagpapa-dede si Danae kaya dahan-dahan kong kinuha ang isa ko pang anak.

WRATH | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon