"Bibili lang ako ng kape. In 15 minutes nandyan na ako."
Mula sa laptop ko ay umangat ang tingin ko dahil sa malakas na pan-lalaking boses na naka-bura sa ideyang iniisip ko. Hindi kalayuan sa akin ay naka-tayo ang isang lalaki sa gilid ng entrance ng coffee shop.
Naka-business suit sya habang kunot-noong naka-tingin sa daan. Inipit nya ang cellphone sa pagitan ng balikat at tenga nya habang tinitignan ang relo tapos ay inangat nya ang strap ng laptop bag nya at ganoon din ang ginawa nya sa blueprint carrier na naka-sabit naman sa kabilang balikat nya.
Iniwas ko ang tingin ko nang ibaba na nya ang cellphone nya. Pa-simple ko ulit syang sinilip at nakita ko kung paanong hindi pa man nya naitatabi ang cellphone nya ay may tumatawag na naman dito.
Lalong kumunot ang noo nya habang kausap ang sinuman na nasa kabilang linya. Mula sa mga mata nya ay lumipat ang tingin ko sa mga labi.
I unconsciously bit my pen as I watch how his lips move because of his fast talking. There are few stubbles on his jaws going to his chin and up to his upper lips but they just made his perfect lips stand out.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang lumingon sya sa pwesto ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko at sandali pa akong napa-pikit dahil hindi ko akalain na tinitigan ko sya nang husto.
Hindi naman kasi mapagkaka-ila na gwapo sya. Hindi lang sya gwapo, gwapong-gwapo. Tapos halatang matinong lalaki at mukhang isa syang engineer o architect.
I cleared my throat bago pa-simple ulit syang sinulyapan. Bahagya akong nagulat nang makitang malapit lang sya sa akin. Dalawang mesa lang ang pagitan namin.
May kausap pa rin sya at halatang frustrated na sya dahil sa kunot ng noo nya.
"Tell him I'm on my way. I didn't even had my lunch!" Inis nyang sabi bago pinatay ang tawag kaya inalis ko ulit ang tingin ko.
Bahagya kong inangat ang tingin ko kaya nakita kong pumasok na sya sa coffee shop. May kausap na naman sya sa telepono kaya naisip kong napaka-busy naman nyang tao na halos hindi na sya makaka-kain ng tanghalian.
Binalik ko ang tingin ko sa laptop ko nang makitang palabas na sya pero sinigurado kong naka-silip pa rin ako sa kanya.
He placed his laptop bag on top of the table while he is still talking to someone on the phone. Luminga-linga sya kaya bahagya akong yumuko at nang masigurong hindi na sya naka-tingin sa banda ko ay sinilip ko ulit sya.
Ang pag-talikod nya ang tangi kong nakita. He jogged his way to the parking lot at sinundan ko sya ng tingin hanggang sa maka-alis sya.
I sighed and slightly slapped my forehead. Hindi ko lubos akalain na magiging observant ako dahil lang sa isang lalaki. No one can blame me because he is really an attention-seeker.
Sinara ko na ang laptop ko dahil oras na para bumalik sa opisina. Hindi ko tuloy natapos ang ginagawa ko dahil sa pag-titig sa lalaking iyon.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang wallet sa mesa kung saan naka-pwesto ang lalaki kanina. Wala naman iyon kanina doon at wala namang ibang tao sa labas ng coffee shop bukod sa akin. Ang huling taong pumwesto sa mesang iyon ay ang gwapong lalaki kaya baka sa kanya ang wallet.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang wallet. Excited ko itong binuksan, hindi dahil gusto ko itong nakawin, kundi gusto kong malaman ang pangalan ng lalaking iyon.
Bumungad sa akin ang isang professional ID kaya kinuha ko ito.
Hades Valiente
Bagay sa kanya ang pangalan nya. Mala-greek god kasi ang ka-gwapuhan nya. Napa-ngiti ako nang makitang isa pala syang civil engineer. Kaya naman pala busy syang tao.
Pero mabilis nawala ang ngiti ko nang maalalang nawala nya ang wallet nya. Marami itong lamang ID at cards kaya sigurado akong kakailanganin nya ito.
Agad namang nag-init ang mukha ko nang maisip na mag-kikita kami dahil isasauli ko itong wallet nya. Dapat ko itong i-turn over sa mga authorities pero ayoko. Basta ayoko.
~~~
This is the fourth story of Seven Deadly Sins Present entitled GREED. Sana i-support nyo ito gaya nang pag-support ninyo sa mga nauna kong stories. I will assure you that GREED is gonna be exciting, heart-touching and entertaining .
Thank you in advance for reading. Keep safe. ♡
BINABASA MO ANG
WRATH | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionWrath is an intense emotional state involving a strong uncomfortable and hostile response to a perceived provocation, hurt or threat. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expect...