19

43 0 0
                                    

19, Still I kept

Huli na nang maisip kong mali ang pagsama sa kanya.

If I was his girlfriend, I would get mad if he just made another girl ride on his bike, tapos hinatid niya pa pauwi. Buti sana kung magka-ano-ano kami pero hindi naman.

Wala namang malisya ang pagsama ko sa kanya pero mayroon man o wala, mali pa rin. Pareho lang.

I could've thought about it more but the rain started to pour from the gloomy sky so I didn't get to do that. Agad akong napasinghap. Malalaki ang mga patak nito habang nasa likuran ako ni Safe, nakasakay sa kanyang motor.

I politely told him to drive to Golden Gates. Tumango lang siya at tila alam na agad kung saan iyon. He made me wear his helmet although I firmly declined at first. Masyado na lang talaga akong nagmamadali kanina habang paalis kami kaya napapayag na niya ako.

So, now walang proteksyon ang mukha niya habang rumaragasa ang ulan. Gamit ang isang kamay ay idinikit ko sa sarili ang bag ko. Ang isa naman ay ginamit ko upang humawak sa motor. He drove faster.

Malapit na kami at medyo nababahala na ako dahil nababasa na kaming dalawa. Maraming sasakyan sa highway kaya doon bumagal ang takbo namin. Safe looked up a bit before tilting his head to the side. I felt so guilty about what's happening.

Dapat talaga, hindi na ako pumayag! Parehas pa tuloy kaming nabasa. I know, nagmagandang-loob lang siya kaya nasa akin ang sisi dahil ora-orada ang pagpayag ko!

I held my breath when he drove his motorcycle again. Nakalampas kami sa main road at nakarating kami sa bayan. Maraming mga stranded na tao sa mga nakabukas na shops sa palengke at nakita ko iyon nang madaanan namin. The rain became stronger and heavier. Basang-basa na ako. Maging si Safe. Halatang-halata sa suot niyang puting uniform.

Mas binilisan ni Safe ang pagmamaneho. Bumundol nang husto ang kaba ko at kung anu-ano na rin ang pumasok sa isip. Nanlalabo ang helmet na suot dahil patuloy ang pagbagsak ng ulan. Nang matanaw ko na ang mga magkakasunod na puno sa highway, nasiguro kong malapit na kami. Bumalandra sa mga mata ko ang signage ng subdivision at kalaunan ay agad namang iniliko ni Safe ang motor papasok doon.

It was a big silver plated signage with bold golden letters saying, GOLDEN GATES COMMUNITY. I can remember my father just by simply seeing that.

Umuulan man ay naharangan pa rin kami ng mga gwardiya. Hindi itinaas ang dilaw at itim na harang para makapasok. I groaned. Because of the helmet, my face won't be seen first thing by them to clarify that I'm a resident here. Hindi kilala si Safe at hindi rin pamilyar ang motor niya, hindi gaya ng sasakyan ko.

It was raining so hard but I had to raise the clear plastic lid of the helmet just to make the guards see my face.

"Ay, si ma'am! Sige, ma'am!" sambit ng isa at inangat na ang harang. Mabuti pa siya ay nakapayong nang lumabas sa guard house.

I exhaled, letting all of my troubled emotions out. Nagmaneho ulit si Safe nang tapikin ko ang balikat niya atsaka itinuro ang daang papasukin. I pointed at the left side.

Basang-basa ang polo niya at inalis ko ang kamay doon. His guitar bag looked so wet, too. I felt so bad.

Dahil may kabilisan ang takbo niya ay nakalampas kami sa bahay. I had to pull his top a little and pointed at my house. Bumagal ang motor dahil doon. Hindi rin tumagal ay huminto kami sa mismong harapan ng bahay.

Hindi naman magkakamukha ang mga bahay rito. Halos parehas lang ang mga kulay at laki pero ang disenyo, hindi.

Nawalan ng ingay ang motor dahil pumarada iyon sa labas. Nagmamadali akong bumaba at ganoon din si Safe. Manginginig na nga yata ako sa lamig.

Lullabies in December (Behind The Month #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon