34

56 1 0
                                    

34, So I left

I don't know how long it was that I was sitting on the floor, in silence as I waited for his arrival. And in silence, came the other words I've been hearing from other people all the time. My insecurities... worries... all that's been kept in me were suddenly so loud inside my head. Ilang beses ko ng sinasabi sa sarili kong... ayos na ako tungkol sa mga iyan. Baka ayos na... kaya nang sarilihin. 

Kinaya ko naman. Iyon nga lang... hindi nagtagal. Marahil ay talagang napuno na ang salop at natapon ang tubig. Ang kahinaan ko ay tuluyan ng lumitaw at nailabas na nga ang mga bagay na dati'y ang sabi ko, dapat sa akin lang.

"Love..." tawag ni Safe sa marahang boses nang sawakas ay nasa harapan ko na siya, nakatalungko at ngayon ay inaayos na ang nagkagulo kong buhok. He's finally here. I spaced out so much that I wasn't aware that he already arrived. 

I let him fix my hair as I looked up a bit to meet his eyes. I am now a mess... or is this how I really am ever since?

Sa isang buntonghininga ay sumabay doon ang titig niya sa akin. This is the kind of look that I always tend to see in his face when I try to see his reaction, right after hearing the opinion of other people- calm and just normal or natural. Na para bang hindi niya narinig ang mga iyon. Na para bang para sa kanya, hindi mahalaga ang mga sinasabi ng iba. Kahit na alam niya mismong... tama naman sila.

"You came." I said, breaking the silence again. I smiled bitterly, bowing my head one more time.

"Of course..." aniya, tunog sigurado ang dating sa akin. Tumikhim siya at inabot ang kamay ko, masuyo nang humaplos doon. "Love... Anna..." bahagya siyang natigil nang mag-umpisa ulit ako sa paghahalungkat ng kung ano sa phone ko.

Hindi ako nagsalita upang magpatuloy siya.

 "I'm sorry." mababa niyang sabi. "It was... really my mistake that I didn't tell you about Sab's reaction to perfumes. Hindi ko rin inalam kung anong... ibibigay mo sa kanya."

Tumango lang ako, wala na ring gaanong pakiramdam tungkol sa nangyaring iyon kanina. Alam kong minsan manhid ako pero hindi ako tanga. I know of course that both Safe and I didn't want that to happen to his cousin, no one did, actually... but as I recalled what Sab has done to me... and to that perfume that I gave her, it has fully pierced through me that something about her treatment towards me wasn't right. Or perhaps there was nothing right at all. Alam ko naman na hindi niya ako gusto pero kahit ganoon, naging okay pa rin ang tungo ko sa kanya... sa kabila ng harap-harapang pag-uusap ng mga kaibigan niya patungkol sa akin. Mapait akong ngumiti sa naisip at patuloy na nagpindot ng ilang beses sa phone ko.

"She's now okay... Ilang beses na siyang nakaranas ng ganoon dahil sa asthma niya. Don't feel bad, alright? Hindi siya galit sa'yo... o sino man. Aksidente iyon."

Tumango lang ako ulit. 

"Hey... love..." sabay lapit pa nito sa'kin, ngayon ay nakaluhod na siya sa sahig habang ang palad ay idinampi sa pisngi ko. Sinalubong ko ang tingin niya, medyo nakatingala sa kanya. I gave him the coldest stare I could show this time. Muli kong nakita ang pagkatigil niya at sunod na binabaan ng tingin ang phone ko saktong pag-rehistro ng isang bagay na kanina ko pa hinahanap sa internet. Umawang ang bibig niya at halatang nagulat. "Anna..."

Sukat doon ay mabagal ko ring tinignan iyon. A bitter smile formed on my face again. Safe was quick to dart his stare at my face again- my real actual face... not that one which is seen in my video. 

"Anna, love, please," he stated as if calming me down. Kaya lang... kalmado pa ako sa lagay na ito. Napapikit siya saglit at maingat na hinawakan ang kamay ko bago ang pagtatangka niyang takpan ng palad ang phone screen ko. "Love... please, I know this day didn't turn out great but please, don't do th-"

Lullabies in December (Behind The Month #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon