44

59 2 0
                                    

44, Above everything

Umupo kami roon sa mismong likuran ng sasakyan niya, ang mga paa ay nakababa sa lupa habang magkaharap kaming dalawa. Pumagitna sa amin ang maliit na lamesa.

Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, tila may hinahabol kahit na ang totoo'y kasama ko naman si Safe at mukhang... malabo naman akong iwanan ngayon.

"I still can't believe... that you met your real mom." sabi ko, mula sa mesa ay umakyat ang tingin sa kanya.

He was looking at me with his hands clasped a bit with each other and were peacefully staying above his legs. Naka-cross nang kaunti ang mga paa niya. Tumango siya, may tipid na ngiti.

"I understand. Mahirap ngang paniwalaan."

"A-" I paused, but ended up sighing. Tumango rin ako. "Yeah, I mean... kasi 'di ba... ang tagal na. Naaalala ko... ang sabi mo dati, hindi mo na matandaan kung nakasama mo ba siya dahil siguro'y sobrang bata mo pa noon, and... you said you only knew her name. So it's surprising that you met her still... despite that."

"Yeah..." tahimik niyang sagot at bumaling sa harap. Nanatili ang mga mata ko sa kanya, tahimik pa ring namamangha sa nalaman. "I never thought I'll meet her again too. Wala na 'yon sa isip ko. Matagal na... 'saka matanda na rin ako. Parang... okay na rin naman na ako kahit hindi ko siya makilala."

Lumunok ako at tulad niya'y bumaling na lang din sa harap.

"How'd you meet her?"

"Well..." aniya, sa loob ng ilang segundo ay nahinto muna bago nagpatuloy. "May... lupa na in-offer sa akin ang isang kakilala ko two years ago. He knows me so he agreed to let me pay... little by little... hanggang sa mabayaran ko nang buo. Sa Ilocos 'yon. May kalayuan pero... naisip kong hindi na rin masama. Doon din sa lugar na 'yon... alam kong may mga kamag-anak akong nakatira roon. But the whole region was too big for me to be able to find them in an instant. Ni pangalan ay wala akong alam sa kanila maliban na lang sa ginagamit kong middle name. But... I tried my luck, at least... I tried to find them and somehow, I guess it was worth it."

"It is..." bulong ko at nagkatinginan kami.

He smiled. "Hindi ko man alam na... bukod sa mama ko, may kapatid pa pala akong isa na makikilala. Medyo... mahabang pag-uusap din ang nangyari during that time but... now we're all good."

I smiled. He cleared his throat and moved his body a bit to face me. He motioned me the food on the table, and I nodded gently. I could really feel my cheeks heating up. He started opening the clear containers. They were filled with food and I can easily tell what they are.

As they got opened, the smell that came out from each of them reached my nose. Lahat ay mukhang masarap... kahit sa amoy pa lang. Para ring... lalong uminit ang dibdib ko dahil dito.

Bigla kong naitanong sa isip kung... siya kaya ang naghanda at nagluto sa mga ito?

May isang lalagyan na ang laman ay lasagna... habang ang isa naman ay carbonara, tapos may garlic bread pa. May wine rin siyang dala, nakita kong nakasilip doon sa paper bag sa bandang likod niya. Kinagat ko ang labi at uminom na muna sandali ng tubig. He prepared enough, I guess. May nakahanda pa nga kaming tig-isang plato sa harap namin at may mga kubyertos na rin. Heto nga't gamit ko na rin ngayon ang babasaging baso na dala-dala niya.

Sinalinan niya ako ng pagkain sa plato ko at hinayaan ko siya. Hindi ko pa naibababa ang baso at iniwan ko lang ito sa labi ko habang pinapanood siya sa ginagawa. His eyes were on the table as he continued giving me some of the carbonara on my plate.

Ibinaba ko lang ang baso ko nang ibalik na niya sa mesa ang container ng carbonara at sunod namang nilagyan ng garlic bread ang plato ko. He looked at me shortly, his brows raised as if waiting for my comment about this but I only nodded my head slowly, smiling a bit.

Lullabies in December (Behind The Month #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon