42

85 1 0
                                    

42, And the good

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang sinaulo kong reaksyon sa ganitong pangyayari ay nalimutan ko na at mas sumibol lang ang malakas na kabog sa dibdib ko.

"You're so beautiful! My! Can I take a picture with you?" saved by the woman's glee, I was able to tear my eyes from looking at Safe.

"Y-Yeah... sure."

May kagiliwan itong pumwesto sa tabi ko at kinailangan kong ngumiti sa camera nang iniabot ng babae ang phone niya kay Safe. He was just standing and I couldn't understand his facial expression. Nakatiim ang bagang nito at bahagyang tumalon ang puso ko nang mula sa phone na hawak niya'y tumaas ang tingin niya sa mukha ko mismo.

"Done?" the woman asked after a couple of seconds and his eyes automatically darted to her. He nodded. "Oh my. Thank you! Thank you!" she then happily turned to Safe, hooking her hand around his arm. I bit my lips a bit and my eyes followed her move. "She's a famous artist! I'm sure you heard about her!"

"Oo, kilala ko siya." si Safe sa malalim na boses at muli kaming nagkatinginan.

Kumalabog ang puso ko sa loob.

"U-Uh... uhm..." hindi na ako makatingin nang diretso sa kanila. Pakiramdam ko mapapaupo na ako dahil sa sobrang kaba. Minabuti kong tumawa nang mahina at tapusin na ito. "Nice meeting you. Uh, I'm a friend of the bride. Uhm.. if you'll excuse me..." I tried to smile. "I just need to call someone."

Humigpit ang hawak ko sa phone ko sa may hita ko at nang ngumiti nang matamis ang babae, naglakad na ako palampas sa kanila.

"It was nice meeting you, Miss Hiraya! Thank you so much!" pahabol pa ng babae.

Nang makalabas ng function hall ay doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. My eyes felt warm and I only stood up, closing my eyes a bit. Maka-ilang ulit akong huminga nang malalim.

Bakit ganoon? Ang hirap namang paniwalaang hanggang ngayon, siya pa rin talaga at nasasaktan akong may iba na siyang kasama.

Hindi rin ako nagtagal sa labas dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang pa-games sa reception. Ayoko na ring magtagal mang mag-isa ako dahil baka kung saan-saan pa ako dalhin ng isip ko.

Thankfully, I didn't cry and I looked very normal during the program. Nakaupo lang ako at bahagyang natatawa sa mga games. I couldn't appreciate them that much though, I was conscious for some reason.

Nagkaroon ng trip to Jerusalem na laro at ang mga nasa nakapaikot na upuan ay mga lalaki. I heard they're all bachelors. The host knew I was also single so she called me to participate in the game. Ang mangyayari ay sasayaw ang mga babae sa mga nakapa-ikot na mga lalaki at kapag huminto ang music ay unahan sa pag-upo sa kanila. That's the catch in this game. You'll basically sit on a guy's lap.

It was so embarrassing when I was called for it. I could feel my cheeks heating up but I didn't wanna act like a K.J so joined. Kabado ako at nahihiya rin, ayaw kong nasa akin kung sakali ang tingin ng iba kaya naman nagpatalo ako upang makaupo rin agad.

"Bakit ka raw nagpatalo, Miss Hiraya? Disappointed tuloy 'tong si Jared!" kantyaw ng isa sa mga pinsan ni Olga, tinutukoy ang isa pang lalaking katabi niya sa upuan.

"Tanga. Ako na naman. Baka ikaw, gago."

Lalong uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko pa, may nakatitig sa akin ngunit ayaw kong kumpirmahin. Ayaw ko ring magpaka-assuming. Hindi maganda lalo pa't may partner na iyong tao.

"Sabi mo type mo!"

Nagtawanan ang mga tao dahil sa pang-aalaska nila sa kasama.

"Gagago niyo." pailing-iling ang Jared na iyon. Umismid pa ito sa ginagawa sa kanya.

Lullabies in December (Behind The Month #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon