Chapter 5

1.1K 37 3
                                    

Maghapon na kinukulit ko si Mikel dahil wala na namang time sa akin ang asawa ko, hanggang inabot na ng ilang linggo.

"Isang beses lang akong nag-request sa'yo, naabot pa ng halos isang linggo." Sa totoo lang, masama ang loob ko at nagtatampo ako sa kanya.

Noong sabado ko pa kinukulit si Mikel na mag-movie marathon kami. May napili na rin akong magandang movie na panoorin sana naming dalawa.

"Can't you see, Baby? I'm busy." Malumanay na sabi nito. Halata sa mata niya ang puyat at pagod. Nawala tuloy bigla ang tampo ko at napalitan ng awa para sa gwapong asawa.

Sobrang busy ni Mikel nitong nagdaang mga araw. Tulad ng karaniwang ginagawa, subsob siya sa pag-aaral. Hindi biro ang maging isang engineer student. Mabuti na lang at nakakaya niya.

Hindi na bago sa akin na makita siyang magsumikap sa pag-aaral. Hindi maikakaila na masipag siya, matalino, at gwapo pa. Ideal man kumbaga. Kaya labis ang paghanga ko sa kanya at para sa akin ay masarap mahalin ang asawa ko.

"Okay po, marami pa namang next time. Mauuna na akong matulog. Good night, El!" ngumiti ako sa kanya para hindi siya masyadong ma-guilty dahil tinanggihan niya ang magandang ako.

"'I love it when you call my name, huh." paglingon ko sa kanya ay nakangiti na siya at may pa-iling-iling pa.

Ang hilig talaga niyang bumulong. Iniisip ko na baka sinusumpa na niya ako dahil ako ang napangasawa niya. Naku, huwag naman sana, kukulamin ko naman siya kapag nagkataon. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa naisip ko.

❃❃❃

Nagising ako ng may maramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod. Sa sobrang pagkaantok ay hinayaan ko na lamang siya at nagpatuloy sa pagtulog.

PAGKAGISING ay napabangon ako bigla, tumingin ako sa orasan na nasa gilid lang ng kama namin. Mabuti na lamang at alas-siyete pa lang ng umaga.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko siyang nagluluto.

"Good morning, my beautiful wife," nakangiting bati ni Mikel na lumapit sa akin para halikan ako sa aking pisnge.

Hindi ko mapigilan ang mangiti kaya itinago ko ang mukha sa kanya. Alam ko kasing namumula na naman ang traydor kong mga pisnge.

"Eat first, before you go upstairs para mag-ayos," nakangiting sabi niya, inabot niya sa akin ang plato at sinandukan ito ng pagkain. Princess treatment si ate mo girl.

"Ha? May pupuntahan ba tayo na hindi ko alam?" Naguguluhang tanong ko at nilunok ang pagkain na nasa bibig ko.

"Yes. So, eat first, baby" Sabi ni Mikel at tumabi sa akin.

Tahimik lang kaming kumakaing dalawa, sinusuway niya ako kapag nag-iingay ako. Bawal daw ang ganon. Pagkatapos kumain ay pinaakyat niya na ako para mag-asikaso, siya na raw ang maghuhugas ng plato. Sweet.

❃❃❃

Nang makapag-ayos ako, tiningnan ko muna ang kabuuan sa salamin. Pinatungan ko ng pulbos ang mukha at lip gloss sa labi. Naglagay ako ng hairband sa ulo at kinulot ang dulo ng aking buhok.

Sa aking kasuotan, pinili ko ang pink na floral dress na pinatungan ng pink na cardigan at nagsuot lang ako ng white shoes na babagay sa aking dress.

Nang makababa ako ng hagdan, Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig si Mikel sa akin. Tiningnan ko siya ng deretso sa kanyang mata.

"Ang ganda ko 'no?" pang-aasar ko nang mapansin ang paraan ng kaniyang titig sa akin. Gandang- ganda sa akin ito.

Ngunit sa totoo lang, gusto ko nang tumakbo at mauna nang lumabas dahil nahihiya ako sa paraan ng pagtitig ng asawa na nasa harapan ko.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon