Kabanata 1

243 19 1
                                    

Kabanata 1

"Aubrielle! Come here!" I heard Jillian screaming while waving her hand at me

I smiled and nodded, mas binilisan ko ang paglalakad patungo sa kaniya sa may bulletin board. Nasa may bandang unahan siya at sobrang daming students ang nasa harapan upang makita rin ang kani-kanilang room number. Ngayong araw ang simula ng buhay kolehiyo namin, wala namang klase ngayon dahil may opening program. Pero sadya yatang excited ang iba at dito agad dumiretso.

Hindi muna ako nakisiksik sa kanila kahit tinatawag ako ni Jillian sinabi ko na maghihintay na lang ako na mabawasan ang mga students hindi rin naman na siya nangulit at hinayaan na lang ako. Nang mabawasan ay inilabas ko ang aking cellphone at nagtungo sa unahan. Mabilis kong hinahanap ang aking pangalan.

Medicine Field, Room 3A
Aubrielle Margarette Mondragon

Nang makita ay tinapat ko ang aking cellphone at kinuhanan iyon ng litrato para hindi na ko roon mag tagal. Hindi pa naman nag uumpisa ang program kaya na pag pasyahan ko munang magtungo sa kabilang building, ayon sa student na naka salubong ko ay doon raw ang medicine field. Sobrang lawak pala talaga ng PU lalo na itong sa College na katapatan lang ng building ng high school. Hindi na ko nag aksaya na lumipat pa ng ibang University lalo na at mayroon naman ang PU ng gusto kong kurso.

Pagtuntong pa lang sa building ay binalot agad ako ng kakaibang pakiramdam. Ang Building na ito ay mayroong limang floor nabibilang ito sa mataas na building dito sa college dahil na rin siguro madaming estudyante na gustong kumuha ng medisina. Sa pag-iikot natagpuan ko rin ang aking hinahanap nasa 3rd floor ang room ko hindi naman abala yon dahil may elevator dito.

"Saan ka ba nagpunta? Nagsisimula na oh," bungad sakin ni Jillian ng makarating ako sa open auditorium, masyado yata akong nalibang sa pag-iikot at hindi ko na namalayan ang oras.

"Diyan lang nag ikot-ikot," saad ko.

Si Jillian ay isa sa mga kaklase ko noong Senior High hindi kami close pero nag uusap kami kapag kailangan, hindi ko rin tipo na makisama sa kaniya dahil hindi ko hilig ang mga trip niya at ng mga kaibigan niya. Kinausap niya lang ulit ako noong makita niya akong kasabay niya'ng mag enroll at ngayon. Wala rin naman akong kakilala dito kaya nakisama na lang din ako sa kanila.

Itinuon ko na lang sa may stage sa harapan ang aking atensyon. May dance troupe doon na nag peperform at tunay ngang nakakalibang at agaw atensyon sila doon sa harapan.

"Oh my god! Go Sean!"

"Harvey, You're hot!"

"Calvin! Go Baby!"

Mas lumakas ang tilian ng magpunta sa harapan ang tatlong lalaki at sabay sabay na sumayaw don. Gulat akong napatingin kila Jillian sa aking tabi ng malakas itong tumili, at muntik na 'kong matumba sa biglaang pagtulak niya. Mukang hindi niya yon pansin at patuloy sa pagtalon at pagtili sa mga lalaking nasa harapan.

Inis akong umayos ng tayo at umalis sa tabi nila, dahil naiirita ako sa pagtili nila at pagiging manhid sa mga katabi. Patuloy pa rin ang pagsasayaw ng mga dance troupe habang sinasabayan ng mga audience, hindi mo mapagkakamalan na opening program to dahil sa kanila mas nagmukha pa nga itong concert ng isang sikat na banda sa sobrang ingay.

Sa kalagitnaan ng program nakaramdam ako ng pag ka bagot, at umalis sa auditorium hindi ko talaga hilig ang ganoong kasiyahan. Kung hindi ko lang gustong malaman kung anong section at room number ako, hindi ako mag aaksayang magpunta dito dahil bukas pa naman ang umpisa ng klase.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likod ng auditorium, buti pa dito ay tahimik kahit na medyo rinig ang tugtog na nagmumula sa mga malalaking speaker sa bawat gilid ng stage. Sa likod ng auditorium ay mayroong tambak na mga classroom chair, puro itong kahoy at may mga kung ano-anong nakasulat sa table non. Patong-patong din ito dito, na para bang bigla na lang hindi kinailangan at itinambak dito.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon