Kabanata 5

103 15 0
                                    

Kabanata 5

"Girl! Ano mag salita ka naman diyan! Ka loka ka lagi kang tulala, kaunti na lang iisipin ko na may disorder ka!"

Inirapan ko si Charls at hindi na pinansin. Pinag patuloy ko ang pagbabasa habang nag kukwentuhan silang dalawa ni Asenna. Free time namin ngayong last period dahil absent daw ang aming prof. Hindi rin kami pinayagang lumabas, kaya inuubos ko ang oras sa pag babasa samantalang sila ay sa daldalan.

"Hayaan mo nga siya Charlie! Napaka bad influence mo, hindi ka pa nakuntento noong hawaan mo ako ng pag ka BI mo at gusto mo rin hawaan si Aubry!" Asenna said

Natawa ako doon lalo na ng tumili si Charls mabilis kong binigay sa dalawa ang aking atensyon.

"Gaga ka talaga! Namumuro ka na sa'kin girl! Halika nga dito!" sabi ni Charlie, kinuha ang mahiwaga niyang pamaypay sa bag at akmang ihahampas ito kay Asenna ng bigla itong tumakbo.

Natatawang napailing na lang ako sa kanila, nang parehas silang mawala sa paningin ko, itinabi ko ang aking book at binder at inikot ang paningin sa kabuuan ng classroom. Napansin ko ang katabi ko'ng table, wala si Harvey doon, halos isang linggo na rin siyang hindi pumapasok ang sabi ay may shooting ito, hindi ko man lang alam na isa pala itong modelo kaya ganoon ka sikat. Ang akala ko ay dahil kasali ang siya sa dance troupe, at sa galing niyang sumayaw.

Bumuntong hininga ako at ginawang higaan ang dalawang braso. Wala pa din ang dalawa, hindi ko alam kung saan na naka abot ang kaharutan nila.Hindi pa'ko nakakatagal sa ganoong puwesto, nang may mag lapag sa table ko ng tubig.

Sinundan ko ito ng tingin at napangiti ng makitang si Vio 'yon. Kanina ay umalis siya upang mag punta sa cafeteria, dahil nagugutom daw siya hindi na'ko sumama dahil nakita ko'ng may ka text siya, at baka iyon ang kaniyang kinita.

"Binili kita ng tubig, inumin mo na," sabi nito ng makita ang nag tatanong ko'ng tingin.

Hindi nakalagpas sa'kin ang mapaglarong ngiti nito. Nag tataka man ay hindi ko na lang 'yon pinansin at binuksan ang tubig, hindi pa ito nakakaabot sa aking lalamunan ay mabilis ko itong binuga sa kaniya.
Na gulat rin siya ng saktong sa muka niya tumalsik ang tubig pero mabilis din siyang naka bawi at humagalpak ng tawa.

"Bwisit! Siraulo ka talaga!"

Kaya pala ngiting demonyo dahil may binabalak bwisit talaga siya! inis kong pinunasan ang bibig at tumayo mabilis ko siyang hinabol ng bigla siyang tumakbo. Hinablot ko ang dustpan sa may gilid ng pinto at saka siya sinundan. Tawa lang siya nang tawa habang tumatakbo sa hallway. Naka salubong pa namin sila Charls at Asenna na mayroong nagtatanong na tingin kung bakit kami nag hahabulan.

Hindi ko sila pinansin kahit tinatawag ako ni Charlie, wala akong paki sa mga estudyanteng nakakasalubong kahit na parang sila ang nahihiya sa ginagawa naming habulan. Basta! hindi ako titigil hangga't hindi ko na sasampolan ang gagong to! Ang lakas mang trip hindi ako natutuwa sa kaniya.

"Huwag kang mag papahuli sa'king tarantado ka!"

"Habulin mo ko!"

Tawa lang siya nang tawa at halos magkanda subsob pa siya. Sana nga madapa siya! Hindi ko na napansin na nasa may field na kami at lalong dumadami ang tao. Saka lang ako nakaramdam ng hiya at tinago ang dalang dustpan sa aking likuran hindi ko na makita si Vio at mukang nag suot na sa kung saan-saan. Nag lakad na lang ako habang hila-hila ang dustpan, sinisipa ko ang mga bato na aking nadadaanan habang inililibot ang tingin.

Nasaan na 'yon? Hindi naman siguro siya maliligaw dahil sobrang ka tangahan niya na yon.

Nalibot ko na ang field ngunit hindi ko pa din siya makita, babalik na sana ako sa building namin ng makita ko siyang nakatayo malapit sa poste, dahan-dahan akong nag lakad papalapit sa kaniya ng maka lapit ay gugulatin ko sana siya ng makitang seryoso siya. Sinundan ko ng tingin ang kaniyang tinitignan ng makita ko don yung babae.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon