Kabanata 26
"Vitals?"
"Walang problema, stable po."
"Mag start na tayo."
Sinimulan kong umpisahan ang surgery, magaan at may ingat ang pag-galaw ng mga kamay ko upang hindi ma-damage ang ibang structures katulad ng major blood vessels at ang puso. Natigilan ako ng mag-ingay ang monitor. Nag-angat ako saglit ng tingin upang macheck 'yon at mabilis na nagbalik ng tingin sa ginagawa.
"Tension Pneumothorax 'to. Kailangan ng needle decompression," naglahad ako ng kamay sa nurse na katabi na agad nitong tinugunan.
"14 gauge needle."
Muli akong naglahad ng kamay habang ang atensyon ay nasa ginagawa. "28 french chest tube."
"Pakibilisan please," inip kong sabi.
"Sorry, doc," paumanhin ng nurse
Nilingon ko ang monitor at tinignan ang nurse na naka stand by doon
"10 joules.""Charge!"
"Clear!" nilakasan ko ang boses ko.
Matapos non ay saka tumigil sa pag-iingay ang monitor. Nag angat ako ng tingin kay Nurse Lea.
"Stable na ang vital signs ng pasyente doc," masayang saad ni Nurse Lea. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Muli kong pinagtuunan ng pansin ang ginagawa.
"Good job," saad ko habang tinatahi ang sugat ng pasyente.
Nang makalabas sa OR ay tinanggal ko ang mask na suot at gloves atsaka 'yon hinagis sa malapit na basurahan. Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay at naghilamos. Ipinatong ko ang mga kamay doon at saka malalim na huminga. Napalingon ako sa pintuan ng OR ng bumukas 'yon.
"Maganda na magaling pa. Para kang lumiliwanag kapag nag o-opera, iba ka talaga doctora."
Natawa naman ako sa sinabi ni Nurse Lea. "Sira, nambola ka pa."
Lumapit siya sa akin at nagtanggal din ng mask at gloves. "Totoo doc, hindi ako nagbibiro."
Napailing na lang ako at saka nagpunas ng mukha. "Ewan ko sa'yo, diyan ka na nga."
Dumiretso ako sa nurse station at nagsulat sa chart, matapos non ay nakisuyo ako sa nurse na iorder na lang ako ng lunch at dalhin sa office ko. Pagpasok sa office ay kinuha ko ang tubig sa may table at saka 'yon ininon. Naupo ako sa sofa at napatingin sa cellphone ko na naiwan ko pala sa may side table. Kinuha ko 'yon at binuksan.
Napaayos ako ng upo ng makitang madaming text message doon. Binuksan ko 'yon at halos mapapikit ako ng makita na sa iisang tao lang nanggaling lahat ng message na 'yon. Nakalimutan ko na ngayon nga pala ang uwi niya.
Ibinalik ko ang phone ko sa bag at mabilis na hinablot ang coat ko na nasa gilid. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaan na nakalaglag lang ang mga 'yon. Binuksan ko ang pinto ng office ko at nagmamadaling lumabas doon.
Nadaanan ko ang office ni Smut kaya naman kumatok ako. Ilang araw ko din kasi siyang hindi nakita, nalukot ang mukha ko ng walang sumagot sa loob kaya naman pinihit ko ang doorknob. Nagtaka ako ng malaman na naka lock 'yon.
"Ang tagal na niyang wala ah, saan na naman kaya nagsuot ang isang 'yon?" tanong ko sa sarili.
Naglakad ako papunta sa may elevator at sakto naman na bumukas 'yon. Mabilis akong pumasok at pinindot ang ground floor. Habang naghihintay na makarating sa baba ay napalingon ako sa reflection ko sa may salamin sa gilid. Hinawi ko ang buhok ko at humarap doon. Napanguso ako ng makita na maputla ang labi ko, kinuha ko ang liptint ko sa bag atsaka naglagay sakto naman na bumukas ang elevator na ikinatigil ko. Nasa labi ko pa din ang liptint ng lingunin ko ang labas.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomanceHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...