Kabanata 19
Wala ng mas sasakit kapag nakita mong umiiyak at nasasaktan ang magulang mo. Mas masakit 'yon kaysa sa ginawang pag tanggi ni Vio. Suminghap ako at tumingala upang buuin ang sarili. Walang magagawa ang pag tayo at iyak ko dito. Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Mom..."
Sabay silang natigilan ng marinig ang boses ko pasimpleng nag punas ng luha si Mommy gayundin si Dad na natiling nakatalikod sa akin. Nang lingunin ko si Mommy ay nakatingin na ito sa'kin na may pilit na ngiti.
"Aubry anak," sambit nito at minuwestra ang tabi.
Lumapit ako at agad siyang niyakap, na ginantihan rin niya, hinaplos-haplos niya ang likod ko.
"Kailan ka pa nakauwi? Bakit hindi ka nag sabi para nasundo ka namin."
"Gusto ko po sana kayong surpresahin," bumuntong hininga ako at pekeng tumawa.
"Kaso mukang ako ang nasurpresa, ganito ang nadatnan ko."
Humigpit ang yakap niya at naramdaman ko na lang ang pag-alog ng mga balikat niya.
"Sorry anak... sorry. Pagpasensiyahan mo si Mommy."
Gaano ba kasakit na marinig ang magulang mo na nag kakaganito? Masakit, walang katumbas ang sakit.
Pinunasan ko ang luha ko at maingat na umalis sa yakap niya."Mom? Hindi niyo kailangan mag sorry naiintindihan ko po, kung 'yon lang ang paraan, para sayo, kay daddy, Audrey," peke akong ngumiti at pinunasan ang luha niya.
"Gagawin ko, Mommy," sambit ko na lalong kinaiyak niya at muli akong niyakap. Si daddy na kanina ay nakatayo lang at nanunuod ay tumabi sa amin at nakiyakap.
Gagawin ko, magpapakasal ako. Kahit hindi na kay Vio basta para sa inyo.
"I'm sorry Aubry anak," usal ni daddy habang nakayakap.
Natawa ako, humiwalay at pekeng tumawa at tinignan sila.
"Ano ba? Mom, Dad ako lang 'to," pagpapagaan ko. Kahit sila man lang umayos ang pakiramdam, kahit hindi na ako. Okay na ako doon.
"Salamat Kuya Arthur 'wag niyo na po akong hintayin."
Bumaba ako sa sasakyan at tiningala ang university na kinalakihan ko. Halos isang taon na rin ng makapasok ako dito. Inayos ko ang shades na suot na nagtatakip sa mata kong namamaga mula sa pag-iyak kagabi. Hindi naman ako parang tanga sa suot ko dahil maaraw naman. Pinapasok ako ng guard ng makilala ako. May klase pa sila sa oras na 'to ayon na din kay Asenna na kausap ko kanina.
Nagtungo ako sa cafeteria at namili ng maiinom habang nag hihintay. Napag pasiyahan ko na maghintay na lang sa may bench sa may field. Habang nag hihintay ay hindi nakaligtas sa akin ang tingin ng ibang mga students dahil siguro hindi ako naka uniform na katulad nila.
Inubos ko ang oras sa pag tunganga at panunuod sa mga nag lalaro sa may field. Umayos ako ng upo at tinapon ang inumin na wala ng laman sa malapit na basurahan. Pinagmasdan ko ang mga students na nagsisimula ng maglabasan. Nag sabi ako kay Asenna na dito na lang ako maghihintay sa kanila. May isang linggo pa silang pasok. Hindi katulad sa university sa ibang bansa na naunang matapos.
"Aubrielle! Best!"
Tumayo ako at kumaway sa dalawa na agad akong dinamba ng yakap.
"Grabe namiss kita!"
"Girl! Grabe ang ganda ng kutis! Hiyang sa ibang bansa ah?"
Salubong nila sa akin na tinawanan ko na lang at saka sila inayang maupo.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
Storie d'amoreHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...