Kabanata 29

86 10 1
                                    

Kabanata 29

"Thank you," nakangiting usal ko sa waiter.

Tinignan ko ang mga nakahain sa lamesa, ako ang may pinaka madaming order dahil siya ay pasta at drinks lang. Samantalang ako ay pasta, drinks, sandwich and salad. Gusto ko tuloy mahiya ng tignan niya ang order ko at mag angat siya ng tingin sa akin.

"Ah ano, hindi pa kasi ako kumaka—"

Pinutol niya ko. "It's ok, alam ko naman na ganiyan ka kalakas kumain," tumawa siya at uminom sa drinks niya.

Nanlaki ang mata ko. "Aba't," dinuro ko siya "Baka nakakalimutan mo binibigyan pa nga kita ng pagkain ko dati hindi ba?" sarcastic kong sabi.

Tumango siya. "Oo, kapag busog ka na. Para nga akong aso na kumakain ng tira-tira."

Napasinghap ako at humampas sa lamesa. Nahiya naman ako ng mag tinginan sa amin ang ibang customer. Yumuko ako at inirapan siya. "Ang kapal mo din e no? Feeling close ka brad."

Nag-angat siya ng kilay. "Bakit hindi ba?"

Umismid ako. "Hell no. Matagal na tayong tapos."

Tumingin siya sa plato niya at umiling at saka nag angat ng tingin sa akin. Umirap lang ako at saka ininom ang drinks ko. "Hindi pa, hindi pa nga tayo nagsisimula."

Nasamid ako sa sinabi niya, tumawa siya at saka nag abot ng tissue. Kinuha ko 'yon at nilingon ang mga katabi naming customer. "Shit nakakahiya..." usal ko.

"Wag ka masyadong kiligin," tatawa-tawa niyang sabi.

Natigilan ako at seryosong tinignan siya. Bakit Vio? Bakit mo 'to ginagawa? Nag-angat siya ng tingin sa akin at sumeryoso ng makita ang tingin ko sa kaniya. Umiwas na lang ako at nagtuloy sa pagkain, naging tahimik ang lamesa namin dahil doon.

Nagpunas ako ng bibig at tumayo. "I'm full, thank you sa breakfast," saad ko bago tumalikod.

Natigilan ako ng hawakan niya ang braso ko. "Can we talk?"

"May dapat pa ba tayong pag-usapan?" pagsusungit ko.

Tumingin siya sa'kin. "Marga naman."

Tinignan ko ang mga kamay niya na nasa braso at huminga saka inalis 'yon. Naglakad ako palabas ng hindi siya nililingon, dumiretso ako sa kuwarto na tinutuluyan at doon inubos ang oras.

Habang nakahiga ay napa-isip ako. Oo tama naman na sinabi ko, na nakalimot na ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Pero hindi naman tama na maging ganoon ang asta niya, feeling ko pinaglalaruan niya ako.... ang nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim, hindi ko na alam kung ano dapat ang isipin ko. Basta ang alam ko lang, ayoko na. Ayoko ng umasa sa kaniya, tama na 'yong dati.

Nang makababa sa barko ay inilibot ko ang tingin ko sa lugar. Madaming pasahero ang katulad ko na bumaba din dito, naalala ko ang sinabi ni Mommy na mula dito ay kailangan kong sumakay ng bus, tapos sasakay ng tricycle.

"Pero saan ang sakayan ng bus?" tanong ko sa sarili. Naghanap ako ng puwedeng tanungan, nilapitan ko ang Aling nagtitinda sa may gilid.

"Ahh, Ale, puwede po bang mag tanong?"

Nag angat siya ng tingin sa akin, hinagod ang kabuuan ko bago ngumiti. "Turista ka ba?"

Napangiwi ako. "Ahh, parang ganoon na po, gusto ko lang po itanong kung saan ako puwedeng sumakay ng bus?"

Tumango siya. "Ahh, bus ba kamo," tinuro niya ang kanan na parte. "Doon, pumunta ka sa lugar na 'yon pumasok ka sa may kanto at makikita na ang terminal ng bus."

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon