Kabanata 12

79 16 0
                                    

Kabanata 12

"Kaloka talaga 'yong si Rina. Kahit alam na niyang hindi siya mahal ni Kyle pero sige pa din ayan nako ekis talaga sa 'kin 'yong mga ganiyang martir," saad ni Charls

Friday ngayon at halfday lang kami. Nag aya si Charls na lumabas dahil mag mo-move on daw siya sa McDo kaya bilang ulirang mga kaibigan suportado namin siya doon sa pag momove on niya kay Jumbo. Kalalabas lang namin galing sa Cinema at ang sinasabi niya ay ang bida sa napanuod naming movie.

"Wow! Hiyang hiya mahiya ka naman sa sarili mo!" pambabara ni Asenna.

"Duh! As if naman mag papaka martir ako? Kaya ko nga hiniwalayan si Jumbo kahit masakit sa heart dahil ekis nga 'yon sakin," depensa nito.

"Oo na lang tara doon tayo. Bakla dito ka sa'kin!" sabi ni Asenna at hinila si Charls papasok sa shop. Puro mga dress ang nandoon kaya gora ka agad ang bakla.

"Ikaw? May bibilhin ka ba doon?" tanong ni Vio, na inilingan ko.

"Parang hindi mo 'ko kilala," sabi ko.

"Nakalimutan ko manang ka nga palang manamit," pang iinis niya.

"Hindi naman, sakto lang sa'kin ang mga sinusuot ko. Hindi pa kami naghihirap para magsuot ako ng mga kapos sa telang damit," ismid ko sa kaniya.

"Oo na lang, tara pasok tayo," sabi niya at hinila ako papasok.

Nang makapasok ay piningot ko ang tainga niya kaya mabilis siyang lumayo sa'kin.

"Sabi ko ngang ayoko, dahil hindi naman ako bibili," mahina kong sabi sa kaniya.

"Bakit ba ayaw mo? nandito rin naman sila Charlie," sabi niya habang hinihimas ang masakit na tainga.

"Lagot ka pag narinig ka noon!" pananakot ko sa kaniya.

Ayaw pa naman ni Charls na tinatawag siya sa totoo niyang pangalan buti nga at nasanay na siya sa pagtawag ko sa kaniyang Charls dahil hindi ko talaga bet na tawagin siyang Chelsea sa itsura niya.

"Hindi 'yon, dahil binigay ko sa kaniya si Rabis," sabi nito sabay ngisi. Hindi makapaniwalang tinignan ko lang siya. Bagay ba si Harvy at ipapamigay niya?

"Siraulo ka talaga! Tara na sa labas hindi naman ako bibili," sabi ko sabay hawak sa kaniya.

"Sigurado ka?" tanong niya

"Oo nga tara n-"

"Libre ko," sabi niya na nakaputol sa sasabihin ko.

"Talaga?" pag sisigurado ko.

"Oo nga basta ako pipili," sabi niya. Saglit pa akong nag isip.

"Ayaw mo b-"

"Tara doon tayo!" mabilis kong sabi at hinila siya.

"Tignan mo na kuripot ka lang talaga, grabe!" hindi makapaniwalang sabi niya habang hila-hila ko siya tinawanan ko lang siya.

Hindi naman talaga ako mahilig sa dress pero dahil libre sino ba naman ako para tanggihan 'yon diba? Tao lang din ako, natutukso.

"Heto bagay sayo."

Inilingan ko siya at binalik ang kinuha niyang dress. Sabi ko nga hindi ako nagsusuot ng mga kapos sa telang damit pero grabe naman siya! Isang turtle neck, longsleeve na dress na may habang aabot sa talampakan ko ang binibigay niya.

"Ano ka ba! Baka di na ako makahinga diyan!" reklamo ko.

"Bakit? okay naman 'to, maganda naman ah? sus, ang arte mo," sabi niya pa kaya't mabilis ko siyang binatukan.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon