Kabanata 10
"Oh iha saan ka pupunta? Wala naman kayong klase ngayon hindi ba?" tanong ni Manang Aida ng makasalubong ko siya sa sala.
"May lakad po ako ngayon Manang sasamahan ko po si Vio, sige po mauuna na'ko," paalam ko sa kaniya.
Halos liparin ko ng garahe namin dahil sa pagmamadali. Alas diyes ay dapat nandoon na'ko sa Mall sabi ni Vio pero nakalimutan kong mag alarm kagabi at weekend kaya hindi ako ginising nila Mommy. 9:50AM na pero nasa bahay pa din ako. Patay kang bata ka!
"Kuya Arthur tara na po," sabi ko habang chine-check ang bag ko at baka may naiwan ako.
"Ah ma'am wala po 'yong kotse at dinala nila Sir."
Gusto ko na lang bigla matumba sa sinabi niya.
"Ho? Eh paano na po 'yan?"
"Kung gusto niyo po ay 'yong isang kotse na lang po ang gamitin niyo. Ako na lang po ang magsasabi kay Sir na ginamit. Sandali ho at hahanapin ko sa taas ang susi," sabi niya at akmang papasok sa bahay.
"Huwag na kuya, ako na ang bahala sige," pigil ko sa kaniya at lumabas ng bahay.
Halos sampong minuto ko din nilakad ang subdivision bago makalabas ng gate. Sakto namang may taxi doon kaya hindi na ako nag hintay pa ng matagal.
"Salamat po kuya!" sabi ko at nag bayad.
"Ma'am yung sukl—"
"Keep the change na lang po!"
Patakbo akong pumasok sa loob ng Mall at tinignan ang oras.
10:26 AM
Patay na talaga! Imbis yata na magkakabati kami ay lali pa kaming mag-aaway baka isipin non dinedma ko siya. Pigil hininga kong binuksan ang dalawang text niya roon.
Baby Damulag : Anong oras na wala ka pa din.
Baby Damulag : 'Wag ka na pumunta baka maka istorbo ka lang.
Baksang ang balikat na itinabi ko ang cellphone. Bumuntong hininga ako at inikot ang paningin sa buong Mall.
"Paano na ngayon? Saan naman ako pupunta."
Naglakad-lakad lang ako sa loob ng mall dahil sayang naman ang effort ko kung uuwi lang din ako. Inaya ko sila Charls pero hindi raw sila puwede kaya no choice ako kung hindi maging loner dito sa malaking mall na'to. Siguro hahanapin ko na lang sila Vio para hindi na masayang ang pagpunta ko tutal 'yon naman ang plano.
Nag simula ako'ng maghanap sa mga mamahaling restaurant ng hindi ko sila makita ay sa Fastfood pero wala din sila. Baka naman sa mga shops. Kaya pati 'yon ay pinasok ko. Napasok din ako sa bookstore kaya bumili na din ako ng aklat na may kinalaman sa aking kurso. Paglabas sa shop ay saktong tumunog ang aking tiyan hiyang inikot ko ang aking paningin at baka may nakarinig noon at talaga naman nakalahiya 'yon kung sakali.
Nakahinga ako ng maluwag ng walang makapansin noon. Lumabas ako ng mall dahil puro restaurant at fastfood lang doon, hindi ako sanay kumain doon ng walang kasama kaya naman nag hanap na lang ako ng malapit na coffee shop. Sakto hindi pa ako nakakalayo ay tanaw ko na 'yon. Pumasok ako at dumiretso sa counter upang bumili. Hindi na'ko nag tagal doon dahil punuan sila. Kaya naman ng iabot sa'kin ang aking order ay umalis din agad ako.
Naglakad-lakad lang ako habang inililibot ang tingin sa kung saan. Habang hawak sa kaliwang kamay ang paper bag na may lamang medical books, sa kanan naman ay ang cup ng Ice Coffee. Naalala ko tuloy si Vio dahil dito. Nasaan na kaya sila?
Sa pag-iikot ng tingin ay di sinasadyang mapunta ang aking atensyon sa isang restaurant, salamin ang paligid nito kaya naman kitang-kita ang mga customer sa loob. Natuon ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomanceHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...