Kabanata 23
Eight years later. . . .
Humikab ako at inayos ang dyaryo na nakatakip sa mukha ko. Ilang oras na ba akong nasa biyahe at nasa himpapawid pa din kami? Ilang minuto rin akong ganoon ng mauhaw, inabot ko ang tubig na nasa upuan ko at uminom doon matapos ay muli akong bumalik sa dating puwesto. Hindi pa ako nakakatagal ng makarinig ng ingay.
"We'd like to inform all the passengers. If there's a doctor, nurse or a member of a medical team on board. Please let the flight attendants know."
Napaayos ako ng upo ng umugong ang boses na 'yon sa kabuuan ng eroplano. Tinanggal ko ang earphone na nakakabit sa isa kong tainga.
"Excuse me Miss."
Nag angat ako ng tingin ng may lumapit sa akin na Flight Attendant saglit akong natigilan sa sobrang amo ng kaniyang mukha.
"You're a doctor, right?" tanong niya.
Umayos ako ng upo at seryoso siyang tinignan. "Why?"
"We have a patient on the plane who needs medical help."
Hindi ako nakasagot at nilingon ang kabuuan ng erplano natigil ako ng makita ang umpok ng tao sa may gilid.
"Aren't you a doctor?" tanong niya at sumulyap sa book na hawak "On the passenger list, it states that you are—"
Hindi ko na siya pinatapos, kinuha ko ang aking bag at saka siya nilagpasan. Mabilis ang lakad na nagtungo ako sa mga nagkakagulong tao. Tinabig ko ang ilan na nakaharang. Umupo ako sa may gilid ng lalaki."Sir, are you all right? Can you hear me?"
"Doc, ano po ang nangyari sa papa ko?" nalingon ako ng may lumapit na bata sa akin.Hindi ko siya sinagot at pinagtuunan ng atensyon ang pasyente. Inilapit ko ang mukha sa kaniya upang tignan kung humihinga pa siya. Nang masigurado ay itinaas ko ang paa niya.
"Kumuha ka ng puwedeng pagpatungan ng mga paa niya," utos ko.
Nang maipatong ay binuksan ko ang coat na suot at ilang butones ng suot nitong polo, gayundin ang belt nito. Tumingin ako sa relo upang makita ang oras. Nang mag isang minuto ay hindi pa rin ito nagigising ay binuksan ko ang kaniyang bibig at sumilip doon. Hindi din nag tagal ay isinara ko 'yon.
Hinanap ng mata ko ang anak ng pasyente. "Sumuka ba siya?"
"Hindi po," sagot nito. Tumango ako, hinawakan ko ang mga kamay nito upang tignan kung gumagalaw, naghintay pa ako ng ilang saglit at nakahinga ng maluwag ng gumalaw ito.
Nilingon ko ang anak ng pasyente at nginitian, mukang nakahinga naman siya ng maluwag dahil doon. "Okay na siya. Para makasigurado pagbaba natin ay dalhin mo siya sa pinaka malapit na hospital."
Matapos noon ay iniiwas ko ang mukha ng mapansin ang isang passenger na nag bi-video. Kinuha ko ang bag at saka saglit na nagbilin sa anak ng pasyente ng mga dapat nitong gawin. Matapos ay bumalik na ako sa pwesto ko hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa Pinas.
Nang makalabas ng Airport ay tinanggal ko ang suot na shades at inilibot ang paningin, tipikal na itsura ng manila . Mainit at masakit sa balat na sikat ng araw, usok at alikabok na nanggagaling sa kalsada ang sumalubong sa akin.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomanceHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...