Kabanata 2

166 18 1
                                    

Kabanata 2

Malakas na ulan at hangin, ang gumising sa akin sa umaga. Hindi ko pala na isarado ang bintana, kaya nag sanib ang lamig ng panahon at ng aircon. Tinignan ko ang wall clock at ng makitang 7am na, ay mabilis akong nag ayos ng sarili, ngayon ang unang araw ng klase at ayoko namang ma-late sa kauna-unahan.

"Oh Aubry gising ka na pala. Gigisingin pa sana kita, at handa na 'yong almusal," Manang Aida said

Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti, matapos ay bumaba ng hagdan, habang naglalakad ay binati pa ako ng ilang kasambahay at binati ko sila pabalik, nang maka pasok sa dining area ay nakita ko ang aking buong pamilya. Si Daddy ay umiinom ng coffee sa kaniyang tasa, habang nakikipag kuwentuhan kay mommy. Si Audrey naman ay nagsisimula ng kumain, naka uniform na din ito. Dalawa lang kaming magkapatid at habang nasa college ako first year high school naman si Audrey.

Gulat akong napatingin sa katabi nito, dahil nandoon si Vio na naka uniform din. Anong ginagawa nito rito? After kasi ng graduation nag vacation ang pamilya nila, halos dalawang buwan din sila doon, at hindi ko man lang nalaman na naka uwi na sila, dahil wala rin namang nababanggit sila mommy tungkol kila Tita Clarisse.

"Good morning dad, mom, baby Audrey," bati ko at dumiretso sa kanila para humalik

"Good morning baby," mom said at tinanguan lang ako ni daddy.

"Duh! Ate malaki na 'ko!" reklamo ni Audrey, tinawanan ko lang siya, at hindi na pinansin ang pag iinartd niya.

"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Vio matapos ma-upo sa tabi ni Mommy.

"Ano ba namang tanong 'yan?! Hindi mo ba 'ko na miss?" inis na tanong nito habang naka nguso.

Wala pa ring pinag bago akala ko pag balik niya galing Korea, ay matino na siya pero ganoon pa din. Siya pa din si Luhence Vio Sperbund, ang baby damulag ko.

"Kidding, halika nga dito pa-hug ako baby ko," ibinuka ko pa ang magkabilang kamay upang mayakap siya. Mabilis itong tumayo, at naka ngusong lumapit sa'kin bago yumakap

"I miss you," saad niya, nako naglalambing na naman ang kumag.

"I miss you too," ganti ko at tinapik ang balikat niya.

Nang mapatingin ako sa pamilya ko, ay natawa na lang din ako. Si Mommy at daddy ay iiling-iling habang tumatawa, si Audrey naman ay busangot ang mukha at nandidiri sa amin.

"Nakakagulat naman at hanggang college ay mag kaklase pa rin kayo," panimula ni mommy habang nasa kalagitnaan kami ng breakfast. Napahinto ako sa pagkain at nag angat ng tingin sa kaniya. Hindi sigurado sa narinig. Ano daw?

"Syempre naman tita, kailangan lagi kaming mag ka-klase ni marga para mabantayan ko po siya," saad ni Vio

Lalong nalukot ang noo ko sa sinabi nito, mag kaklase nanaman kami? Panibagong bangungot na naman kung ganoon! At ang kigwa ako pa nga daw ang babantayan, ang kapal talaga ng pag mumukha niya.

"Mag kaklase nanaman tayo?" nanliliit ang mata na tanong ko sa kaniya.

"Yes babe!" ani nito habang nag ta-taas baba ang kilay.

Impakto!

"Kailan ka pa nag ka interes sa medisina aber? Puwede ba Vio, kahit ngayong College lang tantanan mo 'ko ha!" taas kilay ko'ng sambit sa kaniya, at ang kumag hindi ako pinansin at tatawa-tawa lamang habang bumubulong.

"Mommy oh!"

"Hayaan mo na Aubry anak, mabuti nga 'yon at mababantayan ka niya at may kakilala ka doon," dad said

Wala na akong na gawa kung hindi pumayag, lagi na lang ganito tuwing nandito ang lalaking 'to. Minsan feeling ko ampon ako at siya ang tunay na anak. Inis ko siyang binalingan at ang kumag ay nandila pa, kaya mabilis kong dinampot ang tinidor sa harapan at akmang ibabato sa kaniya.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon