Kabanata 7
"Sigurado ka na ba dito Ms. Mondragon?"
Marahan akong tumango. Nandito ako ngayon sa Dean's office, para ibalik ang mga school papers ko, na kinuha ni Mommy ng hindi man lang sinasabi sa'kin. Kagabi ko lang nalaman na balak nila akong ilipat sa med school sa ibang bansa. Hindi ko 'yon na gustuhan, dahil nakakapag adjust na'ko sa bago kong environment dito.
"Kung magbabago ang isip mo ay balikan mo lamang ako dito. Hindi naman sa gusto kitang umalis dito, pero mas maganda sana ang university na paglilipatan mo," paliwanag pa nito.
"Sige po, mauuna na po ako."
Pagkalabas ko ay napabuga na lang ako ng hangin at nag simulang maglakad. Mas gusto ko dito, dahil narito ang mga kaibigan ko. Late na ako sa unang klase dahil dumiretso agad ako sa dean's office pag pasok.
Nang makarating sa classroom ay wala na ang prof namin. Kaya diretso na lang akong pumasok.
"Girl saan ka galing?" tanong ni Asenna
"Galing ako sa dean's office may inayos lang," paliwanag ko at naupo na, nag tataka kong inilibot ang tingin sa kabuuan ng room dahil wala si Vio.
"Buti na lang pumasok ka! akala namin absent ka e! Yung bebe mo may sakit!" sabi ni Charls
"Ha? bakit? nasaan?" aligaga ko'ng tanong.
Bakit magkakasakit? Ayos naman siya noong sabado ah, magkausap din kami kagabi at hindi niya nabanggit sa akin na masama ang pakiramdam niya.
"Pagpasok pa lang masama na yung lagay girl, nakakaawa nga at namumutla hinanap ka pa sa'min at katulad namin ay akala din yata niya ay hindi ka pumasok," paliwanag ni Charls.
"Nasaan na siya? dinala na ba sa clinic?"
Nakalimutan ko'ng sabihin sa kaniya na malelate ako, hindi ko rin sinabi sa kaniya ang balak nila mommy dahil hindi rin niya 'yon magugustuhan. Hindi ko naman alam na magkaka ganito siya ngayon kung kailan wala pa'ko.
"Hindi, ayaw niya mag padala sa clinic dahil ayos lang daw siya. Pati nga si Mrs.Abejar ay pinilit siya pero hindi rin pumayag. Kalalabas niya lang at pupunta daw siya sa comfort room—"
Hindi ko na siya pinatapos at nag mamadaling lumabas. Mabilis akong nagtungo sa cr ng boys pero wala naman siya doon. Sa sobrang taranta kahit sa cr ng girls ay hinanap ko siya.
"Nasaan ka Vio...."
Bumaba ako sa second floor upang doon siya tignan at baka doon siya nag cr. Hindi na ako nag elevator dahil baka magkasalisihan lamang kami. Alam ko naman na hindi hilig ni Vio na sumakay doon dahil feeling niya hindi siya makahinga. Hindi pa ako nakakababa ng hagdan ng makita ko siya sa dulo noon. Nag lakad ako sa kaniya papalapit.
"—grabe nag hintay talaga siya? Kawawa naman! grabe ka Abby! talagang kinontra mo ang boto ko. Akala ko pa naman ay sisiputin mo siya dahil gwapo naman si luhence no! Hindi ka lugi sa kaniya!"
"Sira! hindi niya trip yung good boy na image gusto niya yung bad boy yung katulad ni Calyx diba? So talo ka akin na ang susi ng kotse mo!"
Tatawagin ko na sana siya ng marinig ko ang usapan na yon. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Paano nila na gagawa yon? Nag aalala akong tumingin kay Vio, hahawakan ko na sana siya ng bigla siyang humarap sa'kin saglit pa siyang nagulat pero ngumiti din.
Ano ang ngini-ngiti mo diyan? Huwag mong sabihin na hahayaan mo lang sila doon?
"Vio..." nag aalala kong sabi. Inilingan niya lang ako, sinasabi na wag na lang patulan.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomanceHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...