Kabanata 31

91 11 0
                                    

Kabanata 31

"Woy."

Kinalabit ko si Vio na ngayon ay naghuhugas ng plato. Hindi niya ako pinansin at patuloy pa din sa ginagawa, parang wala ako sa likod niya kung umasta siya. Napanguso na lang ako at muling kinalabit siya. Kahapon pa siya ganiyan, hindi niya ako pinapansin simula noong sa garden. Wala naman akong ginagawang masama pero ganiyan siya sakin.

"Pansinin mo na 'ko," sabi ko ng makitang naghuhugas na siya ng kamay.

Hindi niya pa rin ako pinansin at saka pumasok sa kuwarto, napa-irap na lang ako sa hangin dahil sa inis. Hindi ko talaga siya maintindihan! Bumukas ang pinto at lumabas siya, may dala na siyang bag at saka lumabas ng bahay.

Nanlaki naman ang mata ko at tinignan ang wall clock, oras na pala ng trabaho. Mabilis akong pumasok sa kuwarto at nag-ayos. Kahapon ay nagsimula na kaming mag check-up ng mga taga rito. Sa ngayon ay wala namang may malalang sakit sa kanila. Marunong silang makasama at tunay talagang mababait kaya naman nakasundo namin.

Paglabas ko ng bahay nila Aling Minda ay tumungo na ako sa Center. Madami ng tao doon, ng makita nila ako ay bumati sila na ginantihan ko naman. Pagpasok ko ay napasimangot na lang ako ng makita si Vio na katabi si Niña, si Niña ay taga rito at simula noong makita niya si Vio ay panay na siya lapit. Naiinis ako dahil hindi man lang siya sinusuway ni Vio lalo na kapag nagsimula na itong lumingkis, parang gusto niya pa!

Padabog akong na-upo sa table ko kaya naman napatingin sila. Hindi ko na 'yon pinansin at nagpaka busy sa pagtingin sa mga pasyente. Minsan ay napapatingin ako sa table ni Vio na hanggang ngayon ay nandoon si Niña! Wala naman siyang sakit pero lagi siyang nandito, nakakainis!

Magtatanghali na ng maubos ang mga pasyente, nilingon ko si Vio na ngayon ay nag-aayos na ng gamit. Halfday lang kami lagi sa Center at kung may emergency man ay may number kaming binigay sa nurse dito para matawagan kami kung sakali.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa table niya ng akmang aalis na siya. Ihinarang ko ang sarili ko sa daraanan niya.

"Uuwi ka na? Sabay na tayo," nakangiti kong sabi.

Hindi niya ako pinansin at seryoso lang siyang nakatingin.

Ikinaway ko ang kamay sa mukha niya. "Hello? May kausap ba ako?" sarcastic kong tanong na ikina-arko ng kilay niya. Mukang hindi niya nagustuhan ang biro ko.

"Tara na kas—"

Naputol ang sasabihin ko ng may marinig na pumasok, nilingon ko 'yon at nakita ko si Niña na ngayon ay ngiting-ngiti. Parang kaaalis niya lang ah? Nandito namaman siya?!

"Hi Aubry," bati niya at nilingon si Vio. "Hello Doc."

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Aubry? tapos kay Vio Doc? Hello! Doctor din kaya ako! gusto kong isigaw sa kaniya pero busy na siya sa pagpapacute kay Vio.

"Ano kasi, nagluto kami ni Nanay. Doon kana mananghalian sa amin," mahinhin na sabi ni Niña

Gusto kong masuka dahil sa ginagawa niya. Obvious naman na nag papacute lang siya! At saka malabong pumayag si Vio dahil sasab—

"Sure."

Nanlaki ang mata ko at nilingon si Vio, tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba sabay tayo?"

Nagkibit balikat siya. "Pumayag ba 'ko?"

Hindi ako nakasagot at natigilan. Bakit ganiyan siya?!

"Tara na, baka naghihintay na doon si Nanay," aya ni Niña, nilingon niya ako at nginitian.

Alam ko naman na plastic ang ngiti niya kapag sa'kin kaya di ko maiwasang mapa-irap.

"Wait, restroom lang ako," paalam ni Vio at tumalikod.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon