Wakas

197 15 1
                                    

This is Hide Series #1: Damn Good Friends' Epilogue! I hope you had fun reading! See you sa next story!

Wakas

Luhence Vio Sperbund

"I'm breaking up with you..." sinabi niya 'yon ng diretso, walang alinlangan. Hindi ako makapaniwala, paano niya nagagawa sa'kin 'to.

"I'm sorry, Lulu. Ayoko na," she said.

Kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin sa kaniya, pasimple kong pinunasan ang mga mata ko, saka muling tumingin sa kaniya. Hinawakan ko ang mga kamay niya saka 'yon hinalikan. "You are joking right?"

Hindi siya sumagot kaya hinapit ko siya payakap sa'kin. "Sachie naman, 'wag ganito. Don't do this, hindi ako papayag."

Hindi ko siya hinayaan na makawala sa yakap ko kahit panay ang pagtulak niya sa'kin. "Luhence ano ba! Let me go, ayoko na!"

Inilayo ko siya sa'kin saka siya mariing tinitigan. "Tell me first, what's the reason? Bakit ganito, okay naman tayo hindi ba?"

"Okay? We're not okay! Ayoko na, nagsasawa na'ko sa'yo!"

Kahit masakit hinayaan ko siya, hindi ko tinanggap ang reason niya. Sa huli umamin din siya, ayaw niya sa ugali ko, masyado daw akong isip bata.

I get it, hindi ako katulad nang mga lalaking tipo niya. Masyado daw akong malambot, dahil doon ginusto kong baguhin ang sarili ko. Tinry kong maging maangas, cold at kung anu-ano pang katangian ng mga tipo niyang lalaki. Ginawa ko lahat, para sa kaniya.

"I'm sorry, nakaalis na siya. Hindi na namin siya napigilan, dahil buo na ang desisyon niya na sa America na mag-aral," her Mom said.

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo akong wala sa sarili ko, hindi ako makapaniwala, na ang dalawang taon naming relasyon ay mauuwi lang dito.

"Puwede ba tumabi ka?"

Hindi ko pinansin ang babaeng kumakausap sa'kin. Wala ako sa sarili sa mga oras na 'yon, itinupi ko ang mga tuhod ko saka doon sumubsob.

"Santisma, hindi naman kasi 'to tulugan. Library 'to!" rinig kong usal ng babae, hindi ko siya tinignan at nanatili lang sa may puwesto ko.

Ilang minuto pa ang nagdaan, akala ko ay umalis na siya pero nagkamali ako. Nanatili siya sa tabi ko, mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang paningin ko, saktong tumama sa babaeng nasa harap ko.

Natawa ako sa itsura niya, kanina lang ay pinaparinggan niya ako. Pero siya etong tulog, hindi ako gumalaw at gumawa ng ingay upang hindi siya magising. Isinandal ko ang ulo sa may bookshelf saka siya tinitigan.

Maganda, sobrang ganda niya. Mahahaba ang pilikmata, almond eyes, her hair is combination of brown and black. I think her height is 5'7. Bumaba ang tingin ko sa kaniya at napakagat labi, she's sexy.

Mula noong araw na 'yon ay lagi na kaming nagkikita, dahil sa kaniya muli kong ibinalik ang ugali ko. Pinaramdam niya sa'kin, na hindi ko kailangan baguhin ang ugali ko, para lang magustuhan ng kung sino. Ang tamang tao ay matatanggap kung ano at sino ako.

Bago ko makilala si Marga, naniniwala akong wala ng babae na magtatali sa sarili ko, dahil hinding-hindi ako magpapatali kung hindi rin lang naman si Sachie.

Pero bigla nalang nag-iba 'yon ng makilala ko siya. Ang tanging babae na tumanggap sa kung sino ako. Ang babaeng hinayaan ako na guluhin ang buhay niya. At ang tanging babaeng hindi yata kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

"Marga!" tawag ko sa kaniya saka siya nilapitan, nakaupo siya sa paborito niyang puwesto dito sa may library.

"Jusko naman Vio, 'yung boses mo! Ano feeling mo, nasa concert ka?"

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon