Kabanata 6
"Look ate, bagay ba?" tanong ni Audrey habang suot-suot ang isang white dress na may ribbon sa gilid. Umikot-ikot pa siya para maipakita sa akin ang kabuuan niya.
"Yes, pati 'yong pula at dilaw kanina," sagot ko.
Nandito kami sa SM ngayon, dahil weekends at walang pasok ay sinamahan ko na si Audrey na mamili ng dress, na gagamitin niya sa birthday ng kaibigan niya. Kanina pa kaming Ten AM nandito, at halos magdadalawang oras na kami dito sa shop, at hindi pa rin siya tapos mamili.
"Eto? I like the design of this dress,"
Napahilot ako sa sentido at stress na tumingin sa kaniya."Sabi mo mamimili ka ng dress, para sa birthday party ng kaibigan mo, right?" pag sisigurado ko
"Yes, why?" tanong niya at muling namili ng dress.
"Ilang party ba mayroon ang kaibigan mo, at sobrang dami naman yata ng binibili mo, masusuot mo ba ng sabay-sabay yan?" masungit kong tanong sa kaniya.
"Pero ate... syempre kailangan pretty ako, at invited din si Teo doon no!"
"Sinong Teo?"
"Yung crush ko since elementary. Feeling ko may gusto na rin siya sa'kin, dahil kahapon nanghiram siya sa'kin ng ballpen. OMG ate! mag kaka boyfriend na yata ako!" she exclaimed while hugging the white dress.
Tumayo ako at nilapitan siya, kinuha ko ang dress na yakap niya, at kinausap ang staff ng shop na kuhanin na lahat ng dress na napili namin at okay na 'yon.
"Ikaw Audrey ha! kung ano-ano ang pinagsasabi mo jusko. You're just 12! Manahimik ka sa kakaganiyan mo, kung ayaw mong sunugin ko lahat ng damit mo!" sermon ko sa kaniya at hinila na siya sa counter.
Pagkatapos mamili ay dumiretso kami sa isang restaurant, upang makapag merienda muna at ginutom ako sa ka-artehan ng kapatid ko. Habang kumakain ay napabaling ako sa ka tapat na coffee shop, at gulat pa ako namg makitang nandoon si Vio.
Oo nga pala, na sabi niya sa'kin kagabi na ngayon sila lalabas ni Abby. Pero bakit mag-isa lang siya doon? Siguro ay wala pa si Abby at nauna lang siya.
"Ate aubry can we go to salon?" Naibaba ko ang tinidor na hawak at seryoso siyang tinignan.
"Aano ka nanaman don? Kung hindi ako nagkakamali, nag salon na kayo ni mommy last week hindi ba?"
"Duh! ate last week pa yon, at feeling ko sobrang dry na ng buhok ko. Look oh? I think they have split ends na," maarte niyang sabi at pinakita pa ang buhok niya. Hindi ko siya pinansin at nag tuloy sa pagkain, dapat pala ay hindi ko na siya sinamahan dahil imbis na nag papahinga ako sa bahay ay na i-stress ako ng ganito.
"Ate please..."
"No, kung gusto mo si mommy ang ayain mo dahil hindi mo 'ko mapipilit diyan."
Hindi ko hilig ang mag punta sa salon, kung mapupunta man ako ay once a month lang at kasama ko pa si mommy. Marunong naman akong mag alaga ng sariling katawan at buhok at kumpleto din kami ng gamit sa bahay. Kaya hindi ko alam kay Audry at mommy kung bakit kailangan pa nilang pumunta sa salon.
"Pero ate..."
"Mananahimik ka o kakalbuhin kita?"
pananakot ko sa kaniya."Oh my god! Grabe ka Ate! Isusumbong kita kay daddy!" hindi ma ka paniwalang sabi niya, nanlalaki pa ang kaniyang mga mata na parang maiiyak na. Tinawanan ko lang siya at dinilaan kaya mas lalo siyang nainis sa'kin.
After kumain at mag ikot-ikot sandali, ay nag aya ng umuwi si Audrey. Na mabilis ko'ng sinang ayunan, dahil nangangawit na rin ako sa pag iikot. Bago lumabas ng Mall ay muli naming nadaanan ang coffee shop kaya saglit akong tumigil upang hanapin siya, hindi nga ako nabigo at nakita ko siyang palabas mula doon. Pero ang nakakapag tataka ay mag-isa pa rin siya. Halos 2 hours na simula noong makita ko siya kanina imposible namang wala pa din si Abby.
BINABASA MO ANG
Damn Good Friends (Hide Series #1)
RomantizmHIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang makisig at kahanga-hangang binata ay isa pa lang isip bata. At dahil literal na makulit 'to sinimulan nitong guluhin ang mundo niya, naging m...