Kabanata 11

101 15 0
                                    

Kabanata 11

"I love you Marga."

Mga linyang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. Mga linyang naghahatid ng napakasarap na pakiramdam sa pagkatao ko. Matapos niyang sabihin ang apat na salita na 'yon ay hindi na'ko nagkaroon ng time mag tanong kung bakit niya na sabi 'yon at ano ang ibig niyang sabihin. Dumating kasi ang doctor na tumingin sa'kin wala namang problema sa'kin at umatake lang ang migraine ko kaya hindi na rin ako nag tagal doon. Nag pasya din ako na hindi na ipaalam kila mommy ang nangyari dahil okay naman na'ko at ayokong mag alala pa sila.

"I love you? bilang kaibigan o higit pa doon? Ay ano ba yan!" pag kausap niya sa sarili.

Nag lalakad ako papasok ng banggaain ako ng kung sino. Inis ko itong binalingan at handa ng singhalan ng makitang si Asenna 'yon.

"Ano sinasabi mo? Sinong nag I love you sa'yo?"

Hindi niya pinansin 'to at inirapan bago siya nag tuloy sa paglalakad. Humabal naman ito at umangkla sa braso niya.

"Woy sino nga! si Vio ba ha? ha?" pangungulit nito.

"Hindi, ah!" tanggi niya.

"So, si Harvey?" tanong nito na ikinatigil niya.

Paano naman napasok si Harvey sa usapan na'to kahit kailan talaga ay parang mga bangag ang kaibigan niya.

"Anong si Harvey? Paano mo nasabi?" litong tanong niya. Ngumiti ito at mas lalong dumikit sa kaniya.

"E kasi naman po, kung hindi si Vio malamang si Harvey. Bakit may iba ka pa bang lalaki?" tanong nito na ikinalaki ng mata niya. Malakas niya itong hinampas sa braso.

"Hoy grabe ka! ginawa mo naman akong playgirl!"

"So sino nga kasi!"

Hindi niya 'yon sinagot at nagtuloy na lang sila sa paglalakad patuloy pa din ito sa pangungulit pero di kalaunan ay tumigil na din ng makadating sila sa classroom. Nang makaupo sila ay napa isip siya. Hindi pa rin kaya tatabi sa kaniya si Vio?

"Here."

Nakuha ang atensyon niya ni Harvey ng maglapag ito ng tumbler sa table niya.

"Ano 'to? Para saan?" tanong niya habang binubuksan iyon.

"Calamansi Juice, sayo na. Don't worry malinis 'yan," sabi nito saka lumabas.

Baliw talaga ang isang 'yon. Wala naman siyang sinabi na marumi ito.

Siniko siya ni Asenna. "Ano 'yon ha! Kayo ha! Patay ka kay bakla pag nalaman niya 'yon!" pananakot nito. Natawa na lang siya doon.

"Nag bigay lang ng inumin masyado kang malisyosa! Ayan ang natututunan mo sa pagsama diyan kay Charls!" sermon niya at nagtawanan na lang sila.

Nagsimula ang klase at laking tuwa niya ng tumabi sa kaniya si Vio. Parang walang nangyari at nagpapasalamat siya at okay na sila. Parang wala lang din sa kaniya ang sinabi niya sa hospital kaya hindi ko na lang binig deal yon at saka normal lang naman na mahal ako ng bestfriend ko. Pero hindi ko maitanggi na nag expect ako na may iba siyang ibig sabihin doon.

Ano ba 'tong iniisip ko. Ba't ako mag eexpect? Nagiging assuming na 'ko.

Habang nag kaklase ay pansin niya ang masamang tinginan ni Harvey at Vio, may problema ba sila? Paminsan minsan ay nginingisihan pa 'to ni Vio tila nang iinis habang si Harvey ay iniismidan lang 'to. Hindi na lang niya 'yon pinansin  at alam naman niyang parehas na may sapak ang dalawa.

"Girl ano'ng nangyari sa mata mo? Para kang namatayan bruha."

Nasa cafeteria kami ngayon, Ako, si Vio, Charls at Asenna. Nag angat ako ng tingin kay Charls ng tanungin siya ni Asenna. Napansin ko din 'yon pagkapasok niya pero hindi ko na lang tinanong dahil nahihiya din ako at baka ayaw niya mag kwento.

Damn Good Friends (Hide Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon